Chapter 6 - Truth

1947 Words
Hindi ko alam kung anong koneksyon ng kasaysayan ng Creston sa mga gusto kong malaman pero kilala ko si Carol. Hindi n'ya sasayangin ang oras naming pareho kung magsasalita lang s'ya ng walang kabuluhan. Tiwala akong masasagot n'ya ako sa araw na ito kaya naman bubuksan ko lang ang tenga ko at papakinggan s'yang mabuti. *** Nang gabing iyon ay hinanap ng mag-asawa ang ulo ng anak at ang taong pinaghihinalaan nilang pumatay sa dalaga, ang matandang estranghero. Sa tulong ng iba pang residente ay magdamag silang naghanap ngunit iba ang kanilang nakita. "Kailan pa nagkaroon ng talon sa bayan natin?" hindi makapaniwalang tanong ng isang residente habang nakatitig sa napakagandang talon na nasa kamyang harapan. Tuluyan nang sumikat ang araw at isang napakagandang talon nga ang bumungad sa mga residente ngunit hindi lang iyon, sa sobrang linaw at linis ng tubig ay makikita sa ilalim ang mala-bituing crystal na kumikislap mula sa ilalim ng tubig. Kasabay ng talon na kanilang natagpuan ay nagulat ang mga residente ng magkaroon ulit ng tubig ang matagal ng tuyong ilog na s'ya ring nagsisilbing patubigan sa mga taniman at sakahan. Naging maayos at masagana na muli ang bayan matapos lang ang ilang araw. Isang himala para sa mga residente ang mga nangyari ng araw na yun. Simula 'nun ay pinaniwalaan na ng mga residente na isang diyos ang estrangherong napadpad sa kanilang lugar. Tinawag nilang 'Azazel' ang estranghero at sinamba. At para maipagpatuloy ang masaganang pamumuhay ng bayan ay kailangan nilang mag-alay ng isang birhen kada taon dahil naniniwala sila na ang birheng dalagang anak ng magsasaka ay kinuha ng estranghero bilang alay kapalit ang kasaganahang meron sila ngayon. "Nahihibang na kayo! Bakit ninyo sinasamba ang demonyong pumatay sa anak ko?!" nanggagalaiting sigaw ng ginang. "Isa lamang s'yang matandang mamamatay tao! Hindi s'ya diyos kundi isang demonyo!" sigaw ng asawang lalaki. Parang hangin dumaan lamang ang mag-asawa dahil sa hindi pagpansin sa kanila ng mga tao sa bayan. Hindi na muling nahanap pa ng mag-asawa ang ulo ng anak na dalaga at ang matandang lalaking pinaghihinalaan nilang pumatay dito. *** "Ikinuweto ko sayo ang kasaysayan ng Creston dahil may koneksyon ito sa mga katanungan mo. Unahin na natin ang usaping pagiging birhen ng isang dalaga sa bayang 'to. Ako ba ang unang nagtanong sayo tungkol sa virginity mo?" seryosong tanong ni Carol habang binubuklat ang lumang libro. "Hindi." "Alam mo ba kung bakit kita tinanong patungkol dun?" muling tanong sa akin ni Caril "Hindi pero..." Ilang sandali akong natahimik at inalala muli ang kwento ng Creston. "W-wag mong ssabihing, imposibling ginagawa pa nila iyon hanggang ngayon." "Iyon din ang inakala namin pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang isinasagawa ang ritwal ng pag-aalay ng birhen kaya ang pagiging birhen sa bayang 'to ay isang sumpa." pahayag ni Carol. "Paano ka naman nakakasigurado sa mga sinasabi mo?" "Dahil isa mismo sa kaibigan ko ang ginawang alay ng mga demonyong kultong iyon Mion." mangiyak-ngiyak na pahayag ni Carol. Kitang-kita ko sa mga mata n'ya ang galit at pagkamunghi. "Si Samantha, napakabuti n'yang tao pero ano ang ginawa nila? Pinatay nila ang kaibigan ko nang walang kalaban-laban." dugtong pa nito. Si Samantha? Naalala ko ang kwento sa akin ni Ate Rowella. 'Last year. Kinaumagahan ng pyesta ng Creston ay natagpuan ang katawan ni Samantha na wala ng buhay. Ang masakit pa wala na itong ulo at hanggang ngayon hindi pa nahahanap ang ulo ng dalaga.' "Hindi ito paraiso na Creston Mion. Lahat ng nakikita mong magaganda sa lugar na ito ay puros pagbabalat-kayo lang. Buksan mong mabuti ang mga mata mo at doon mo makikita ang kademonyohan ng lugar na nito at ng mga tao rito." "Ang lumang sementeryo. Iyon ang dating tahanan ng mag-asawang magsasaka. Ipinagbawal puntahan ang lumang sementeryo dahil para sa kulto ay iyon ay isang sagradong lugar kung saan nila ginagawa ang kawalang hiyaang pagpatay nila sa mga inosenting mga babae." "Bakit hindi n'yo sabihin sa mga awtoridad ang ginagawa ng kulto? Pumatay sila at isang krimen iyon." "Subukan mong magsalita patungkol sa kulto ay siguradong hindi ka na sisikatan ng araw. Ang iba ngang magulang ay mas gugustuhin pang ialay ang sarili nilang anak magkaroon lang ng tahimik at masaganang buhay. Parang normal na iyon sa mga matatanda dito sa bayan at tayong mga kabataan na lang ang walang alam sa mga kriming ginagawa nila." "Kailan ba isinasagawa ang pag-alay?" "Tuwing pyesta ng Creston. Malapit na iyon Mion. Mag-iingat ka dahil isa ka pang birhen at kahit apo ka ni kapitana ng bayang 'to ay maaaring wala s'yang gawin para maprotektahan ka." Hindi ko inaakalang ganito pala ang tunay na anyo ng Creston. Puno nang kasamaan. Ang ganda na makikita sa lugar na 'to ay panlilinlang lang para sa mga dayo. *** "Hindi ka pa ba sasabay umuwi?" tanong sa akin ni Carol. "Hindi. Mauna ka na." sagot ko sa kanya saka tipid na ngumiti. "Sige." "Mag-iingat ka." "Ikaw rin." "Teka lang Carol." pagpigil ko sa kanya kaya muli s'yang napalingon sa akin. "Ano 'yon?" tanong n'ya. "V-Virgin ka pa ba?" halos pabulong kong tanong sa kanya. "Hindi na." walang pagaalinlangang sagot n'ya sa akin na ikinagulat ko. Wala kasi sa itsura n'ya. Don't get me wrong. I mean maganda si Caroline pero akala ko kasi ay dalagang pilipina s'ya, probinsyanang conservative, bookworm at walang time sa pakikipagrelasyon. Nagkamali ako! *** 'Raven's Crest:History & Secrets' - Pamagat nang lumang librong hawak ko. Hanggang ngayon ay hindi pa ma-digest ng utak ko ang mga impormasyong nalaman ko tungkol sa Creston Fall o dating Raven's Crest. Hindi ko akalaing nasisikmura nilang pumatay ng mga inosenting dalaga. At ngayon na papalapit na naman ang pyesta ng Creston ay panibagong dalaga na naman ang iaalay at papatayin nila. Patago kong inilagay ang lumang libro sa bag ko. Gusto ko lang ulit pag-aralan ang kasaysayan ng Creston dahil may ilang katanungan pa sa utak ko na hindi pa nasasagot ni Carol. Napansin ko na sobrang tahimik na ng library kaya mabilis kong iginala ang paningin ko. Wala nang katao-tao sa loob except sa akin kaya agad kong inayos ang gamit ko saka binilisan ang lakad ko. Ilang kaluskos ang narinig ko na nagpaalerto at nagbigay nang kaba sa akin pero natigil ako sa paglalakad nang maaninag ko ang isang babae na nakatayo malapit sa pinto ng library kung saan sana ako lalabas. Kahit nakayuko s'ya ay alam ko na kung ano ito. Dahan-dahan n'yang iniangat ang ulo n'ya hanggang sa magtama ang mga paningin namin at kasabay nun ay ang pagpatay-sindi ng mga ilaw sa library. Napaatras na lang ako dahil sa bigla n'yang paghakbang papalapit sa akin. Nasagi ko ang ilang mesa at upuan dahil sa pag-atras ko. H-Heto na naman s'ya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka maayos na tumayo at humarap sa kanya. Naramdaman ko ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko gawa na rin siguro sa presensya n'ya. "Tutulungan na kita." pahayag ko habang pilit na nilalakasan ang loob ko. Huminga ako nang malalim bago s'ya titigan. Ramdam ko ang pamamawis ng noo ko dahil sa matinding kaba. Sa buong buhay ko ay ito na yata ang pinakamatapang na ginawa ko sunod ang pagpatay ko nun sa ipis. Hindi ako sigurado sa ginagawa ko pero ito lang ang nakikita kong paraan para tigilan na n'ya ako. Kapag natapos ito magiging tahimik na ulit ang buhay ko kagaya ng dati. Biglang natigil ang pagpatay-sindi ng mga ilaw at unti-unti ring naglaho ang babae pero halos mamutla ako at kilabutan dahil sa mga kamay na biglang pumatong sa magkabila kong balikat. Dahan-dahan akong lumingon pero agad din akong nakahinga nang maluwag ng makita ko kung sino ito. "Pasensya na. Nagulat ba kita?" tanong ng adviser kong si Miss Leonora. Kamuntik na akong himatayin sa sobrang gulat. "Pauwi ka na ba?" tanomg sa akin ni Miss Leonora. "Opo. Pauwi na rin pa ako. Kayo po ma'am?" "Maya-maya na. May hinahanap pa kasi akong libro para sa new lesson natin bukas." nakangiti n'yang sagot sa akin. "G-Gusto n'yo po bang tulungan ko na kayo?" pag-aalok ko nang tulong sa kanya. "Wag na. Mabuti pa'y umuwi ka na. Ala-sais na. Baka hinahanap ka na sa inyo. Ang dalagang katulad mo ay hindi dapat inaabot ng gabi sa daan." "Sige po. Mauna na po ako." paalam ko. "Sige. Mag-iingat ka." Tumango lang ako saka lumabas ng library. 'Dapat ala-singko andito ka na. Maliwanag ba?' 'Tulad namin may curfew ka din,tama ba?' 'Ang dalagang katulad mo,hindi dapat inaabot ng gabi sa daan.' '...Kaya ang pagiging birhen sa bayang ito...ay isang sumpa.' Isang sumpa. *** [ISAAC's POV] Agad akong pumasok sa faculty room at hinanap si Miss Leonora. Wala akong ideya kung bakit n'ya ako biglang pinatawag. Simula ng mamatay ang kapatid n'yang si Samantha na girlfriend ko noon ay ngayon nalang ulit n'ya ako kinausap ng harapan. Kahit pa adviser ko s'ya. Hindi ko s'ya masisisi kung galit s'ya sa'akin. Si Samantha nalang ang meron s'ya pero nawala pa sa kanya. At kasalanan ko iyon...kung hindi ko lang sana s'ya iniwan ng gabing yun. "Ipinatawag mo daw ako." Walang emosyong saad ko. "Wag tayo rito." Seryoso nitong pahayag kaya sinundan ko s'ya hanggang sa makarating kami sa likod ng main building. "She's next." Usal ni Miss Leonora. "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko. "Si Mion. S'ya na ang susunod. Nakita ko s'ya kahapon sa library. May kinakausap s'ya pero wala naman akong nakikita. Kagaya ni Samantha noon...bago s-s'ya ialay. Bago sumapit ang pyesta ng Creston laging tuliro si Samantha at laging may kausap na hindi natin nakikita. Alam mo ang tinutukoy ko,Isaac." Naalala ko naman bigla ang mga naging kakaibang kilos ng babaing 'yun nitong mga nakaraang araw. "Bakit mo 'to sinasabi sa'akin?" Tanong ko. Nang mamatay ang kaisa-isang babaing minahal ko ay naging miserable na ang buhay ko. Wala na akong pakialam sa paligid ko lalo na sa ibang tao. Natutunan kong huwag ng magpahalaga ulit dahil sa huli ay iiwan ka lang naman nila at sasaktan. Iyon ang natutunan ko kay Samantha...ng mawala s'ya sa'akin. "Help her. Help Mion." "B-Bakit ko naman gagawin yun?" Kunot noong tanong ko sa kanya. "Bukod sa ayaw ko na ulit maulit ang mga nangyari noon ay nakikita ko kay Mion ang kapatid ko." Ang babaing 'yun at si Samantha. Hindi ko maipagkakailang may pagkakapareho nga sila ni Samantha sa pananamit at sa ugali pero kahit kailan ay hindi ko nakita si Samantha sa babaing 'yun. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapigilan ang plano nila sa darating na pyesta. Bantayan mo i Mion. 'Wag mong aalisin ang mata mo sa kanya. Ito lang ang nakikita kong paraan para maipaghiganti natin ang pagkamatay ng kapatid ko. Wala ng mamamatay ulit dahil sa kultong 'yun sa darating pyesta." Pahayag nito bago ako nito iwanan. Malakas kong sinipa ang maliit na batong nasa harapan ko. May iba naman sigurong paraan para maipaghiganti ko ang pagkamatay ni Samantha nang hindi kailangang bantayan ang babaing yun. Aalis na sana ako ng matanaw ko ang babaing nakaupo sa ilalim ng puno habang mahimbing na natutulog. Lalapitan ko sana s'ya pero bigla namang dumating ang kaibigan nitong si Monalisa saka s'ya nito ginising pero agad din naman s'ya nitong iniwan. Bago pa s'ya makaalis ay mabilis kong hinatak ang braso n'ya at isinandal sa pader. "Umalis ka na! Dahil kung hindi...m-mamatay ka!" Pagbabanta ko sa babae. "A-ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong nito sa'kin. "Umalis ka na habang may oras ka pa. Hindi ka nababagay sa bayang 'to." Kung s'ya nga talaga ang susunod na iaalay sa darating na pyesta ng Creston ay isang paraan nalang ang nakikita ko para mailigtas s'ya...ang umalis s'ya sa bayang 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD