CHAPTER 2

3017 Words
KANINA ko pa naririnig ang malakas na tunog ng alarm clock ko na nagmumula sa cellphone ko. Ngunit hindi ko 'yon pinapansin. Masakit ang ulo ko at inaantok pa talaga ako dahil sa dami ng alak na ininom ko kagabi. Imbes na bumangon ay kinuha ko ang comforter ko at binalot ko sa katawan ko pagkatapos ay muli akong natulog. Ngunit bente minutos pa lang ang akong nakatulog ay narinig ko na ang boses ng isang katulong namin. "Senyorita! Senyorita!" malakas na sigaw ng isa sa mga katulong namin na kumakatok sa pinto ng silid ko. Inis akong bumangon para buksan ang pinto. Kung hindi ko gagawin 'yon ay hindi naman aalis ang katulong namin. Nakasimangot ako nang buksan ko ang pinto. “Bakit? “Good morning, Senyorita, pinapagising na po kayo ng Mommy n'yo dahil tanghali na po para pumasok sa eskwela." Bumuntong-hininga ako. "Hindi ako papasok sa eskwela." "Ah, e, Senyorita, may naghihintay sa inyo na kaklase n'yo sa labas." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino naman ang kaklase ko na mag-aaksaya na pumunta sa mansyon namin. Wala naman nakakaalam kung saan ako nakatira. "Kaklase ko? Anong pangalan ng kaklase na dumalaw sa 'kin?' “Hindi ko po alam,” tugon niya. Umikot ang eyaballs ko sa sinabi ng katulong namin. Ginising niya ako para sundin ang utos ni Mommy at hindi niya alam kung sino ang bisita ko. “Pakisabi na lang sa kanya maliligo lang ako sandali.” “Masusunod po.” Sabay yuko niya bago umalis. Padabog kong sinara ang pinto ng kuwarto ko at pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Bahala ang kaklase ko na maghintay ng matagal sa 'kin. "Bakit ang tagal mo?" Nakataas ang kilay ni Veronica nang lapitan ko siya. Hindi ko inaasahan na pupuntahan ako ni Veronica sa bahay namin. Nakasuot siya ng uniporme namin. "Bakit ka nandito?" "What a stupid question? Naghintay ako ng matagal sa 'yo pagkatapos ganyan lang ang sasabihin mo sa 'kin?" Napansin kong halos maubos na ang juice na laman ng pitsel, ubos na rin ang cake sa plato niya. "Let's go!" Binitbit ko ang bag ko at hinila ko siya palabas ng bahay namin. "Hoy, bruha! Ano'ng trip mo bakit apat na araw ka ng hindi pumapasok sa eskwela?" Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay in-start ko ang engine ng kotse ko at umalis na kami sa bahay namin. "Hindi alam ng parents ko na hindi ako pumapasok, ang alam nila ay pumapasok ako lagi." "Nag-cutting class ka?" Tumango ako. "May gusto akong taguan." "Bakit nakapatay ka ba?" Mabilis ko siyang nilingon upang irapan. "Gaga!" "Ano'ng dahilan mo?" Bumuntong-hininga ako. "Naalala mo ba si David 'yung type ko sa ibang school?" "Oh, anong problema sa kanya?" Nagkita kami sa isang party at sinabi ko sa kanya na mahal ko siya, pagkatapos ay hinalikan ko siya. Nagalit siya sa 'kin at sinabi niya akong cheap na babae. Ang sabi niya sa 'kin kung gusto ko raw ng s*x papayag daw siya." "Oh, bakit hindi ka pumayag para kapag natikman ka niya kainin niya ang sinabi niya." Inirapan ko si Veronica. "Ano'ng akala mo sa virginity ko free taste? Hindi ko ito basta lang ibibigay. Naiinis kasi ako kasi feeling niya sobrang guwapo niya." "Huwag ka ng paapekto sa mga sinabi niya. Tandaan mo na maganda ka at sexy, maraming hotdog na pwedeng pagpilian." Umarko ang kilay ko. "Bakit nasali sa usapan natin ang pagkain?" "Ang ibig kong sabihin ay marami ang lalaki ang puwedeng pagpilian. Hindi lang 'yan si David Aragon na 'yan. Ang ganda mo girl." "Basta naiinis ako sa kanya." "Huwag kang mainis sa kanya dahil may girlfriend na si David." Bigla kong hininto ang kotse ko. "Ano ka ba! Muntik na akong lumusot sa salamin." Tumingin ako kay Veronica. "May girlfriend na si David?" Tumango si Veronica. "Sinabi sa 'kin ni Bruno na may girlfriend si David kaya siguro ayaw sa 'yo dahil may girlfriend na siya." Kusang tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko ito dapat maramdaman dahil wala naman akong karapatan sa kanya. "Bakit ka naman umiiyak? Umayos ka nga." Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. "Ang sakit ng nararamdaman ko." "Gaga! Wala kang karapatan masaktan hindi mo siya boyfriend." Alam kong hindi ko boyfriend si David pero masakit para sa 'kin malaman na kaya niya ako ininsulto dahil may girlfriend na siya. Huminto kami sa harap ng malaking school na pinapasukan ni David, sa huling pagkakataon ay gusto kong makita si David at ipaliwanag sa kanya ang nangyari sa party. Nagsindi ng sigarilyo si Veronica habang nakasandal ang likod siya sa harap ng kotse. Inaabangan namin si David na lumabas. "Hindi ko talaga alam kung ako ano ang pumasok sa isip mo," ani Veronica. "Last chance ko na 'to 'wag ka na ngang magreklamo." "Ang ganda mo, sexy at mayaman. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka nagpapa-martir kay David. Marami namang lalaki ang may gusto sa 'yo sila na lang ang pansinin mo." Magsasalita pa sana ako nang makita ko si David na palabas ng school nila. Mabilis ko sinuklay ang buhok ko at nilapitan ko siya. "David!" tawag ko sa kanya. "Cyndi, sandali lang!" sabi ni Veronica na sumunod sa 'kin. Huminto si David at sumimangot siya nang makilala niya ako. "Why are you here, slut?" Kagat labi ako upang pigilan ang luha ko dahil sa sinabi niya. "Hoy! Hindi pokpok ang kaibigan ko! Baka gusto mong pagulpi kita!" galit na sabi ni Veronica. "Stop," sabi ko kay Veronica. Binaling ko ang tingin kay David. "About sa nangyari last week, hindi totoo ang mga sinabi ko, lasing lang ako at hindi ko alam ang gi— "Don't worry, hindi ko naman sasabihin sa iba pero tigilan mo ako dahil hindi kita gusto." "Guwapo ka! Ang kapal ng bulbol mo, letche ka!" hindi mapigilan sabi ni Veronica. "Hindi naman kita gusto 'wag kang mag-alala dahil hindi rin kita type," sagot ko. Tutal hindi naman niya ako gusto. Hindi ko na rin sa kanya aaminin ang totoo na may gusto ako sa kanya. Tumawa si David. "Really?" Dinukot nito ang cellphone niya sa kanyang bulsa at ipinakita sa 'kin ang mga shorts video na nag-aabang ako na lumabas siya. "Kinuha ko ito sa CCTV ng store na lagi kong pinag-park ng kotse." Dahil six-footer ang taas niya ay yumuko siya upang magpantay kami. "Ipaliwanag mo nga sa 'kin ang mga nakuha sa CCTV. Ikaw pala ang stalker ko," pang-asar siyang ngumiti. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "That's not true." "Honey!" Sabay kaming lumingon nang marinig namin ang boses ng isang babae. Tatlong babae ang lumapit sa 'min na kapareho ang uniporme sa suot ni David. "Honey!" Masayang sabi ni David. Niyakap niya ang babe at hinalikan sa pisngi. "Who's that girl?" tanong ng babae. Bumulong sa 'kin si Veronica. "Siya ba ang girlfriend ni David? Ang pangit naman." Umiwas ako ng tingin sa kanila. Hindi ko sila kayang tingnan. "Wala nagtatanong lang ng direksyon," sagot ni David. Nakayuko akong naglalakad palayo ngunit nang lampasan ko sila ay biglang hinawakan ng babae ang braso ko. "Sandali nga!" Tumingin ako sa kanya. "Bakit?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Kilala kita, ikaw ang babae na stalker ng boyfriend ko." Pagtataray niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," sagot ko. "Talaga lang?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw ang babae na stalker ng boyfriend ko." Muli niyang hinawakan ang braso ko pero mahigpit na ito. "Hoy! Gaga ka! Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko!" sigaw ni Veronica. Hinawakan ni Veronica ang kamay ng babae upang bitawan ako. Hindi ako makakilos dahil sa sobrang hiya. May ibang estudyante na nakiusyoso sa 'min. "Bitawan mo nga ako!" inis na sigaw ng babae. "Tumigil na kayo ." Tumingin sa 'kin si David. "Cyndi, 'wag mo kaming guluhin ng girlfriend ko. Mahal ko siya at kahit kailan hindi kita magugustuhan." "See… stalker nga siya." "Kawawa naman siya basted," sabi ng kaibigan ng girlfriend ni David. Pagkatapos ay tumawa silang lahat. Hinawakan ni Veronica ang kamay ko. "Let's go!" Sabay alis namin. Iniwan namin sila na pinagtatawanan ako sa ginawa ko. Mas lalo akong nagalit kay David. "Tama lang na kalimutan 'yan si David. Bakla siya nakikisali siya sa away ng mga babae." Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi ko. "Mula sa araw na 'to hinding-hindi na ako hahabol sa kanya at kakalimutan ko na siya." Pinalakpakan ako ni Veronica. "That's better. Hindi dapat siya iniiyakan." Hindi naging sikreto sa mga kaibigan ako ang nangyari sa 'kin kaya naman galit na galit silang lahat lalo na ang mga kaibigan kong lalaki. Hindi raw sila papayag na hindi makaganti sa ginawang pagpapahiya sa 'kin ni David. "Huwag n'yo na siyang patulan dahil masasayang lang ang oras n'yo sa kanya," sabi ko. "Sure ka ba diyan?" paniniguro ni Joshua, isa sa mga kaibigan ko. Tumango ako. "Yes, hindi naman siya kawalan," sagot ko. Gusto ko lang ipakita sa kanila na hindi ako apektado sa nangyari. Mula nang araw na 'yon ay binura ko na sa isip ko si David. Hindi na ako naghihintay sa kanya tuwing papasok ako sa umaga. Ngunit hindi naman ako tinigilan ng girlfriend niya at mga kaibigan nito. Ipinagkalat nila ang mga shorts video ko noong nag-aabang ako kay David. Dahil sa nangyari ay tinamad na akong pumasok sa eskwela. Natuto akong mag-cutting class para takasan ang ibang mga estudyante na hinuhusgahan ako. “Cyndi, do you know what day it is today?” tanong sa 'kin ni Mommy nang nasa harap kami ng hapagkainan. “It's Saturday, gimik day.” Bumuntong-hininga si Mommy. “What's wrong with you? Hindi ka naman dating ganyan.” Huminto ako sa pagsubo ng pagkain. “If you don't let me move to another school, I will continue to be your headache.” Dahil sa pambubully sa 'kin ay naisipan kong lumipat na lang ng ibang unibersidad, ngunit nang sabihin ko 'yon kay Mommy ay hindi niya ako pinayagan. Naging madalas tuloy ang pag-cutting class ko at natuto na rin ako gumimik tuwing araw ng biyernes at sabado “Why do you want to move to another university? What's the problem?” “I don't have a problem, should there be a problem for you to allow me to move to another school?” “Ilang taon na lang ang bubuunin mo sa pag-aaral, bakit kailangan mong lumipat? Ikaw ang pumili ng school na ‘yan.” “I realized na hindi ako nararapat sa school na ‘yon.” "Kaya ba pinabayaan mo na ang sarili mo? Akala mo siguro hindi ko alam na hindi ka pumapasok sa eskwela." "I'm sorry, tinatamad na kasi akong pumasok," alibi ko. Umiling si Mommy. “Okay, kakausapin ko ang Daddy mo sa gusto mong mangyari.” “Thank you, Mom,” tipid kong sagot. Walang alam si Mommy sa tunay kong dahilan kung bakit gusto kong lumipat ng ibang school. Kung hindi dahil kay David hindi ako lilipat ng ibang school. Naranasan ko tuloy ma-bully dahil sa kanya. Mahigit isang buwan na akong naging pasaway sa school. Madalas akong hindi pumapasok. Marami ang nagulat sa naging pagbabago ko lalo na ang mga professor at kaibigan ko pero kahit isa sa kanila ay hindi ko inamin ang totoong nangyari. "Muntik ko ng makalimutan pupunta pala tayo sa bahay ng mga Aragon mamaya dahil birthday ng anak niya." Tumingala ako at tinaasan ng kilay si Mommy. "Hindi ako sasama sa 'yo." "Hindi puwede, kailangan mo akong samahan. Wala ang Daddy mo kaya kailangan tayong dalawa ang pumunta sa party," mariin pagtutol ni Mommy. "Ayokong sumama." "Cyndi!" inis na sigaw ni Mommy. Tumahimik ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan palagi nila akong gustong isama sa mga gathering na dinadaluhan nila. "Sasama ka sa 'kin sa ayaw o sa gusto mo." "Okay, fine." Kung kailan ayokong makita ang mukha ni David saka pa ako binibiro ng tadhana. Siguradong nasa party ang girlfriend niya kaya kailangan kong magdala ng boyfriend ng sa gano'n ay hindi ako magmukhang kawawa. "That's good." "Isasama ko ang kaibigan kong lalaki." Matalim na tingin ang ipinukol sa 'kin ni Mommy. "Sabihin mo nga sa 'kin may boyfriend ka na?" diretsahang tanong ni Mommy. Ilang beses akong umiling. "Wala akong boyfriend." "Bakit magsasama ka ng lalaki?" "Gusto kong may makakausap naman ako habang nag-e-enjoy kayong kasama ang kaibigan n'yo." "Okay, siguraduhin mo lang na hindi mo boyfriend ang kasama mo." Tumango ako. Hindi ako magmukhang katawa-tawa kung sakaling magtagpo ang landas namin mamaya ni David. "Yes, Mom." Ipinagpatuloy namin ang pagkain, at nang matapos kaming kumain ay humingi ako ng tulong sa mga kaibigan kong lalaki para samahan ako sa party. Si Joshua ang willing na sumama sa 'kin dahil gusto niyang makita si David. Pinaghandaan ko ang araw na ito. Pumunta ako ng parlor para magpaayos ng buhok at magpaayos. Sinuot ko rin ang mamahalin kong pink na damit at stilettos. Sinuot ko ang mga alahas ko pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto ko. "Let's go, Mom!" Natigilan si Mommy at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ganyan ang suot mo?" hindi napigilan itanong ni Mommy. "Why? pangit ba ang suot ko?" "Hindi ka naman dating ganyan. Kasama mo lang ang kaibigan mo ay ganyan na itsura mo. Sigurado ka ba na hindi mo boyfriend ang kasama mo?" "Mom, kanina pa naghihintay si Joshua kaya umalis na tayo." Tumalikod ako kay Mommy upang hindi na humaba ang pag-uusap namin. Pagbaba ko ng hagdan. Gulat na gulat si Joshua nang makita niya ang itsura ko. "Nagmukha ka ng tao," bulong ni Joshua nang nasa loob kami ng kotse. Iniwan niya ang kotse sa mansyon dahil isang sasakyan na lang ang dinala namin. "Huwag kang maingay baka marinig ni Mommy." Sabay kaming tumingin kay Mommy na katabi ng driver. Umiwas kami ng tingin kay Mommy. Iniisip kasi ni Mommy na boyfriend ko si Joshua kaya binabantayan kaming maigi. Ang plano namin ay ipakita lang kay David na naka-move na ako. "Wow! Ang ganda ng mansyon nila," sabi ni Joshua "Mas malaki pa 'diyan ang mansyon n'yo" sagot ko. "Let's go!" sabi ni Mommy. Tumango kaming dalawa at sumunod kami kay Mommy. "Hawakan mo ang kamay mo," bulong ko kay Joshua. Nakita ko kasi David nasa entrance door at wini-welcome niya ang mga bisita na dumarating. "Happy birthday, David," bati ni Mommy kay David. "Thank you, Tita," sagot ni David. "Lumapit ako kay David upang batiin siya. "Happy f**k you day," bulong ko sa kanya. "Thank you," sagot niya sa 'kin. Inakbayan ako ni Joshua. Hindi naman maipinta ang mukha ni David nang hawakan ni Joshua ang balikat ko "Babe, pumasok na tayo sa loob," ani Joshua. Tumango ako at binaling ko ang tingin kay David. "Excuse me." Nilampasan ko siya sa kinatatayuan niya. "Hindi naman guwapo ang gusto mong lalaki," ani Joshua. Nasa isang table kaming dalawa at katatapos lang namin kumain kaya may nakaharap sa amin ang isang hard drink na wine. "Pero mas guwapo naman sa 'yo." sagot ko. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita kong halos ang mga bisita niya ay mga may kasamang mga magulang. Hindi ko rin nakita ang girlfriend niya. "Sus! lamang lang siya ng dalawang paligo sa 'kin. Teka? Nakatingin sa 'yo si David." "Where is he?" "Don't be so obvious. Ganyan ba ang galit na galit hindi mapakali?" Pang-asar ni Joshua sa akin. Inirapan siya. "Shut up!" Muli akong nagsalin ng alak hanggang sa namalayan ko na lang ay nasa harap namin si David. Kinailang kong tumingala para makita siya "Why?" pagtataray ko. Tumingin siya kay Joshua. "Lasing na si Cyndi," ani David. "Don't worry, hindi ko hahayaan na masaktan ang girlfriend ko." Pinisil pa ni Joshua ang pisngi ako. "Can we talk, Cyndi?" tanong ni David. Umiling ako. "Bakit naman ako makikipag-usap sa 'yo? Baka ipagyabang mo pa sa girlfriend mo na hanggang dito hinabol kita." Bumuntong-hininga si David. "Gusto ko lang kitang makausap." Tumunog ang nakakaindak na musika kaya imbes na sagutin ko ang tanong niya ay tumayo ako. "Let's go, Babe." Iniwan namin si David sa table namin. Kasabay ng nakakaindak na musika ay ang kaligayahan na naramdaman ko dahil sa wakas ay nakaganti rin ako kay David. Ilang sandali pa ay huminto kami sa pagsasayaw ni Joshua. "Cheers!" sabi ko. "Ang boring ng ganitong birthday party puro mga matatanda ang bisita," ani Joshua. "Wala siguro siyang friends kaya walang masyadong pumunta na kasing edad natin." Nilagok ni Joshua ang natitirang alak niya sa baso at pagkatapos ay tumayo siya. "Pupunta lang ako ng banyo." "Bilisan mo at uuwi na tayo," sagot ko. Pagkaalis ni Joshua ay bigla naman lumapit si David sa table ko. Namumula na ang mukha ni David at halata sa mukha niya ang kalasingan. "Bakit ba ayaw mo akong kausapin? Dahil ba may boyfriend ka na kaya ayaw mo na sa 'kin? Ano kaya kung sabihin ko sa boyfriend na stalker kita?" Kuyom ang kamao ko sa galit. "Anong gusto mong palabasin?" Namumungay ang mga mata niya. "s*x with me, " he said. Isang sampal ang pinadapo ko sa mukha niya. "How dare you!" Hinawakan niya ang sinampal ko. "Bakit ayaw mo? Gusto na nga kita kaya pumapayag na akong makipag-s*x sa 'yo. Hindi mo na ako kailangan bantayan tuwing pumapasok ako sa school dahil libre mo akong makukuha with good performance." "Hindi ko inakala na maririnig ko sa 'yo ang bagay na 'yan. Umalis ka na kung ayaw mong isumbong kita sa boyfriend ko." "I like you, Cyndi," sabi pa niya. Nanginginig ang panga ko sa galit. Kung puwede lang ipukpok sa mukha niya ang bote ng alak ay ginawa ko na. Kinuha ko ang baso ko na may lamang alak at binuhos ko sa kanya. "f**k!" sigaw niya. Nakuha namin ang atensiyon ng ibang bisita kaya ako na ang tumayo at naglakad palabas ng mansyon. Walang patid ang pagpatak ng luha ko habang palabas ako. "Ang dali niyang bastusin ako. Bwiset siya! Sinusumpa ko kapag nagtagpo ang landas namin siya naman ang hahabol sa 'kin na parang aso!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD