bc

One Night Stand With My Enemy Book 2. RATED SPG / R18

book_age18+
45.5K
FOLLOW
222.6K
READ
possessive
one-night stand
powerful
bitch
independent
confident
twisted
sweet
bxg
wild
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED SPG

"You can't escape me, Cyndi. I'll look for you wherever you go.”

He touched my waist and kissed me. Tinulak ko siya at sinampal ng malakas.

"Nahihibang ka na talaga!" Sabay talikod ko.

Ngunit bago ko tuluyang maihakbang ang mga paa ko ay hinila niya ako at idinikit sa dingding.

Tinitigan niya ako. "You're mine," sagot niya sa'kin. Pagkatapos ay muli niya akong siniil ng halik.

Paano ko matatakasan si David kung nakakulong ako sa kanyang bisig?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Cyndi, where are you?" Ilang beses akong tinawagan ni Veronica upang tanungin kung nasaan na ako. Sinipat ko ang kalsadang dinaanan ko at nakita ko ang malaking arko ng Hacienda Monteverde. "Papasok ako sa Hacienda Monteverde." "That's good, malapit ka na. I'm excited to see you," ani Veronica "Me too," tipid kong sagot. "Okay, see you, bye!" sagot ni Veronica, pagkatapos ay pinutol niya ang tawag sa phone. Tinuon ko naman ang pansin ko sa kalsada. Ito ang unang beses kong um-attend nang reunion party ng batchmate friend ko noong college. Kung hindi pa dahil kay Veronica hindi ko sila makakasama. Simula kasi nang maka-graduate ako ng college nawalan na rin ako nang communication sa mga naging kaibigan ko at ngayon na lang ulit. Mula kasi nang aksidente kong makita si Veronica sa isang disco bar ay nagkaroon na ako ng balita sa mga naging kaibigan ko. Pinihit ko ang kotse ko pakaliwa gaya ng sinabi ni Veronica. Ang sabi kasi niya kapag nakarating ako sa malaking bakod ay liliko ako. Nagpalingon-lingon ako sa paligid at nakita ko ang nag-iisang malaking bahay sa lugar na iyon. Bumusina ako upang marinig ako ng tao sa loob. Ilang segundo pa ay may lumaba na matandang lalaki na nasa edad sikwenta. "Magandang hapon, ito ba ang mansyon ni Lester Del Mondragon?" Ilang beses na lumingon ang matanda sa 'kin. "Ito nga po ang mansyon niya, kayo po ba si Cyndi Fuentes?" Nangunot ang noo kong tiningnan ang matanda. Paano niya nalaman ang pangalan ko hindi ko naman sinasabi sa kanya. "Dalawa na lang po kayong hinihintay na bisita ni Senyorito. Isang lalaki at isang babae," winagayway niya ang papel na listahan ng mga bisitang darating. "I see." Binuksan niya ang malaking gate upang makapasok ako sa loob ng mansyon. Pagkatapos ay sinamahan ako ng matanda papasok sa loob ng mansyon. "Ma'am, diyan po kayo pumasok sa pinto na 'yan.” Sabay turo niya sa malaking pinto. "Thanks!" Sabay ngiti ko sa kanya. Pagbukas ko ng malaking pinto ay bumungad sa 'kin ang nagkikislapang mga disco ball at malakas tunog ng nakakaindak na musika, pakiwari ko ay nasa manila ako dahil sa kumpleto ang loob ng malaking silid na ito ang mga nakikita mo sa isang disco bar. Huminto ako sa kinaroroonan ko upang hanapin si Veronica. "Where is she?" Nagulat na lang ko nang may biglang humila sa braso ako, at nang lingunin ko ay si Veronica ang nakita ko. Saglit akong natigilan upang pagmasdan ang itsura niya. Nakasuot siya ng long black dress na nagkikislapan sa tuwing nasisinagan ng ilaw. "How are you, Cyndi?" Nakangiti siya at niyakap niya ako. Nakita ko sa mukha niya ang kaligayahan nang makita ako. "I'm okay, hindi mo sa 'kin sinabi na may dress code pala." She smiled at me. "Actually, sinuot ko lang ito ngayon, you know, Lester gave it to me. Anyway, kami lang ni Dina ang nakasuot ng long dress. I told her to wear a long dress para dalawa kaming naiiba." Umiling ako. "Hindi ka pa rin nagbabago. You're still crazy." Tumawa siya. "At least maganda at sexy pa rin." "Hindi kita kokontrahin sa bagay na 'yan." Kung sa katawan lang ang pag-uusapan ay walang sinabi ang katawan ko kay Veronica. Hindi lang kasi siya biniyayaan ng malaking dibdib. Biniyayaan din siya ng malaking puwit at perpektong balakang kaya hindi mabilang ang boyfriend ni Veronica noon dahil beauty and sexy talaga siya. "Simple lang ang suot mo pero bakit ang sosyal pa rin tingnan sa 'yo hindi maipagkakaila na modelo ka." "Thanks!" Tipid kong sagot. Nakasuot kasi ako ng puting crop top na t-shirt, at puting maong na short na halos makita na ang singit ko dahil sa ikli nito. Itinali ko ang buhok ko at pagkatapos ay nagsuot ako ng rubber shoes. Sa tuwing itinataas ko ang kamay ko ay nakikita ang pusod kong may nakadikit na hikaw. Nagpahid ako ng lipstick sa labi pagkatapos at kaunting foundation. May mga damit ako sa kotse pero hindi ko sinuot ang formal na damit alam ko kasing walwalan ang pupuntahan ko kaya ito lang sinuot ko. "Let's go! Ikaw na lang ang hinihintay." Hinawakan ako ni Veronica sa braso at inalalayan ako papunta sa mga kaibigan namin. Papalapit pa lang kami ay narinig ko ang sipol ng mga kaibigan ko. Hindi maalis ang ngiti ko nang marinig ang ingay at kantiyawan ng mga kaibigan ko. "Nandiyan na ang model natin," sabi ni Tomtom. Lumapit sa 'kin si Joshua at inalalayan niya ako. "Cyndi, dito ka sa tabi ko para may maganda akong katabi.” Isang malakas na batok ang tinanggap ni Joshua kay Dina. "Hoy, ikaw! Nauumay ka na ba sa pagmumukha ko? Puwes! Mas nauumay ako sa mukha mo, sukang-suka na ang ako hindi lang ako nagrereklamo." Nakataas ang kilay ni Dina habang kausap si Joshua samantalang si Joshua ay patawa-tawa lang. Napansin ko si Tiffanie at Mathew kaya lumapit ako sa kanilang dalawa. Hindi pa rin nagbabago si Tiffanie masyado pa rin siyang tahimik. "Bakla, nasaan na ba ang nabulag mo para makapag-umpisa na tayo kumpleto na tayo," ani Dina kay Veronica. "Hoy, hindi ko 'yon nabulag. Mahal ako ni Lester, habol nga siya sa 'kin nang habol." Sabay irap ni Veronica. "Ganda! Ganda mo, teh," sagot ni Dina. Nilagyan ako ng alak sa baso ni Joshua at ininom ko iyon habang nakikinig sa asaran ng dalawa. Hanggang ngayon ay sila pa rin ang nagbabangayan. "Hello, guys!" Sabay kaming lumingon nang marinig namin ang boses na iyon. Nakita kong lumapit ang guwapong lalaki kay Veronica hinalikan ng lips to lips. "Yuck! May bata rito," biro ni Tomtom. Lahat naman kami ay mature na kaya hindi na bago sa 'min ang makakita ng mga couple na nagtutukan mas malala pa nga ang nakita ko diyan noon. "Guys! This is Lester, my husband." Ang lapad pa ng ngiti ni Veronica habang pinapakilala niya ang asawa niya. Ngumiti ang lahat sa kanilang dalawa. Mukha ako na lang ang hindi nakakakilala kay Lester. "Nice meeting you," sabi ko. "My pleasure is mine," sagot ni Lester. Kinuha ni Veronica ang bote ng tequila at inalog-alog niya ito pagkatapos ay binuksan at sumirit ang alak nito na parang fountain kaya isa-isang nilagyan ni Veronica ang mga baso namin. "Cheers!" sigaw namin. Sumayaw kaming mga babae at wala kaming ginawa kung hindi ang magtawanan habang sumasayaw. Kung alam ko lang na ganito kasarap ang makasama sila sa walwalan sana pala noon pa ako sumama. May dala-dalang isang bote na Johnnie walkers si Veronica habang sumasayaw kami sa stage. Sa tuwing huminto kami sa pagsasayaw ay nilalagyan kami ng alak ni Veronica. "Stop! Hindi ko na kaya, nahihilo na ako," ani Tiffanie. Huminto kami sa pagsasayaw. Dalawang shot pa lang naiinom namin pero hindi na kinaya ni Tiffanie. Malalaman mo talaga ang hindi mahilig sa nightlife madaling mahilo sa konting shot lang. Inalalayan namin si Tiffanie papunta sa table ng mga lalaki. Sinalubong naman kami ni Mathew nang makita niyang inaalalayan namin ang asawa niya. "What happened to her?" Bakas sa mukha ni Mathew ang pag-aalala kay Tiffanie. "Hindi kinaya ang tatlong shot, nahilo," ani Veronica. "Igagaya mo naman siya sa 'yo Veronica ginagawa mong tubig ang alak," sabat ni Tomtom Matalim na tinitigan ni Veronica si Tomtom. "Papagulpi kita rito," warning ni Veronica. Sa halip na matakot si Tomtom ay tumawa ito na parang nang-aasar. "Mawawalan ka ng kaibigan na guwapo kapag ginawa mo 'yon." Tumaas ang kilay ni Veronica. "Ang kapal!" Tumingnan ako kay Lester upang malaman kung mapipikon siya kay Tomtom. Ngunit wala siyang pakialam sa asaran ng dalawa kahit na nga umuusok na ilong ni Veronica sa inis kay Tomtom ay hinayaan lang niya ito. “Excuse me, guys, Is it okay if my friend will join us?” tanong ni Lester. Tumango ang lahat maliban kay Joshua na hindi napigilan na magkomento. "Ang kaibigan mo ba ay babae? Kung babae sabihin mo single ako." "At malibog," sabat ni Tomtom at tumawa nang malakas. "Ulol! Ikaw itong malibog," sabi ni Joshua. Umiling ako habang natatawa sa kanila. Pinagtuunan ko nang pansin ang alak na iniinom ko. Tumayo si Lester. "Excuse me guys, he's here." "Hoy, kayong dalawa! Umayos nga kayo wala tayo sa Manila baka mamaya magkaroon pa kayo ng kaaway dito, magpakabait kayo sa kaibigan ni Lester hindi pwede 'yan biruan n'yo.” Parang nanay na nagsesermon si Dina kay Joshua at Tomtom. "Opo, Nanay!" sabi ang dalawa. "Bwiset kayo!" Sabay batok ni Dina sa dalawa. Tumawa naman kaming dalawa sa kanila. Bigla kong naalala noon college kami kapag may praktis kami ng sayaw ay ganyan din sila mag-asaran. "Guys! Meet my friend David Aragon." David Aragon? Nabitawan ko ang baso ko nang marinig ko ang pangalan niya. Bumagsak ito sa semento kaya nabasag. "I-I'm sorry," nauutal kong sagot. Yumuko ako upang linisin ang bubog. "Huwag mo ng hawakan Cyndi," sabi ni Veronica. Huli na dahil sa taranta ko at nasugat ang daliri ko. "Ouch!" "Sinabi ko kasi sa 'yo na huwag mo na hawakan," ani Veronica. "Where's the bathroom?" tanong ko kay Veronica nang hindi tumitingin kay David. "You look pale, are you okay?" Nag-aalala na tanong sa 'kin ni Veronica. Ilang beses akong tumango sa kanya at pagkatapos ay tumayo ako para pumunta sa banyo. Nang makarating ako ng banyo ay agad kong itinapat sa gripo ang daliri kong tumutulo ang dugo. Sa lahat ng tao na babalik sa nakaraan bakit si David Aragon pa. Nakatulala ako habang iniisip ko kung paano ako makakaalis sa mansyon ni Veronica, kailangan ko kasi silang daanan para makalabas. "s**t! s**t! Bakit nagbalik siya?" "Kung saan-saan lugar kita hinanap dito lang pala kita matatagpuan." "David!" Daig ko pa ang nakipagkarera sa bilis ng t***k ng puso. Pinagpawisan ako ng malambot nang marinig ko ang boses niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nilagyan ng sabon. "Sinabi ko sa iyo na huwag padalos-dalos sa mga kinikilos." Hinila ko ang kamay ko at pumihit patalikod upang umalis. Ngunit hinila niya ang braso ko at idinikit ang likod ko sa dingding. Isang hibla na lang ng buhok ko ang pagitan ng labi naming dalawa. Nakatingin siya sa 'kin habang ako ay hindi makatingin sa kanya ng diretso. Amoy na amoy ko ang hininga niya na nagdudulot sa akin kilabot. Sinikap kong magpanggap na hindi siya kilala. "Bitawan mo ako! Sino ka ba?" "Pinapatawa mo ba ako, Cyndi Fuentes? Hindi mo ba kilala ang lalaking nakakuha ng virginity mo, ang step brother mo, ang ama ng anak mo." Nanginginig pa ang panga niya sa galit habang nakatingin sa 'kin. Sinikap ko siyang itulak ngunit mas malakas siya sa akin. Mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, bitawan mo ako!" "Nasaan ang anak natin?" Sinipa ko ang paa niya kaya binitawan niya ako. Nagmadali akong tumakbo palabas ngunit nahuli pa rin niya ako. Ikinulong niya ako sa kanyang bisig at pagkatapos ay siniil niya ako ng halik. Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako. Hinahampas ko siya ngunit mas malakas siya sa 'kin. Paano ko ba siya matatakasan? Kapag tumagal pa ang kanyang halik baka hindi ko na kayanin ang pagmamatigas ko sa kanya, at tangayin na ako sa nararamdaman ko. Umawang ang labi ko nang naramdaman kong pinisil niya ang puwit ko. Iyon ang naging pagkakataon niya para makapasok sa loob ng bibig ko. Ginalugad ng dila niya ang loob ng bibig at hinuli ang dila ko at pagkatapos ay sinipsip niya ito. Nagsimula ng dumaloy ang kuryente sa katawan ko kaya bago pa ako matangay sa ginagawa niya ay buong lakas ko siyang tinulak at sinampal. "David Aragon! Wala kang anak sa 'kin kaya huwag ka na magpapakita sa 'kin!" Hinawakan niya ang pisngi niya. "Kung wala akong anak sa 'yo sisiguraduhin kong pupunlaan kita para magkaroon tayo ng anak. May deal tayo Cyndi, sinabi mo sa 'kin na akin ka lang at pinanghahawakan ko ang pangako mo na 'yon." "Nahihibang ka na talaga!" Sabay talikod ko. Ngunit bago ko tuluyang maihakbang ang mga paa ko ay hinila niya ako at dinikit sa dingding. Tinitigan niya ako. "You're mine," sagot niya sa 'kin, pagkatapos ay muli niya akong siniil ng halik. Paano ko matatakasan si David kung nakulong ako sa kanyang bisig?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
73.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
9.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
260.3K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
52.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
44.3K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
97.0K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
63.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook