THE CEO'S REAL WIFEUpdated at Jan 31, 2025, 06:46
“Parang awa n’yo na, papasukin n’yo ako! Kailangan kong makausap si Lucas!” sigaw ko habang pilit na pumapasok sa mansyon.
Pinipigilan ako ng security guard sa may gate.
“Hindi kayo puwedeng pumasok. Bawal ang pulubi rito,” matigas niyang sabi.
“Ako si Halley! Papasukin n’yo ako, pakiusap!” pagsusumamo ko.
Bigla kaming nakarinig ng busina ng sasakyan, kaya agad akong lumingon.
“Lucas!”
Mabilis akong tumakbo palapit sa kotse niya at kumatok sa bintana.
“Lucas, buksan mo!” sigaw ko, nanginginig ang boses sa desperasyon.
Bigla akong hinila ng security guard.
“Huwag kayong manggulo!” mariin niyang sabi.
Sa gitna ng gulo, bumukas ang pinto ng sasakyan ni Lucas.
“Lucas! Lucas!” agad ko siyang niyakap, ngunit marahan niya akong itinulak palayo.
“Who are you?” tanong niya, puno ng pagtataka ang mga mata.
Nanlaki ang mata ko. “Ako ito, si Halley! Ang asawa mo!”
Ngunit tumingin lang siya sa security guard at walang pag-aalinlangang nag-utos, “Guard, paalisin n’yo ang pulubing babae na ’yan.”
Napalunok ako, pinipigilan ang luhang nagbabantang pumatak.
“Lucas, maniwala ka sa akin! Ako si Halley!” pagsusumamo ko.
“Darling, what happened?”
Nilingon ko ang pinagmulan ng tinig—at halos panawan ako ng ulirat sa nakita ko.
Nakatayo roon ang isang babae—kamukhang-kamukha ko.
“Nothing, isang pulubi lang na humihingi ng tulong,” walang pakialam na sagot ni Lucas. Dumukot siya ng pera sa kanyang wallet at iniabot iyon sa akin. “Here, bumili ka ng pagkain mo.”
At bago ko pa siya mahawakan, tumalikod na siya at muling sumakay sa kotse.
“Lucas…” mahina kong bulong, pero hindi na niya ako nilingon.
Bagsak ang balikat kong lumakad palayo sa mansyon. Napatingin ako sa isang sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada. Lumapit ako at tumitig sa salamin nito.
Sa harap ko, nakita ko ang sarili kong repleksyon—madungis, may malaking peklat ang mukha dahil sa sunog, payat, at halos hindi na makilala.
“Paano ko siya mapapaniwala na ako ang totoong asawa niya kung ganito ang itsura ko?”
Tuluyan nang tumulo ang luha ko.
Sino ang impostor na ’yon?