bc

THE FAT SECRETARY

book_age16+
25.3K
FOLLOW
167.0K
READ
love after marriage
playboy
comedy
twisted
city
office/work place
rejected
chubby
virgin
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pagiging Playboy ni Franco ay nagdesisyon ang kanyang Ama na pumili ng baging sekretarya nito na kabaliktaran ng gusto ni Franco. Si Fatima Diaz ang bago niyang sekretary na may 250 pounds. Si Fatima ay may kapal ng mukha na kayang magsuot ng fitted na damit at mag suot ng two piece. Labis ang pagkadismaya ni Franco sa bago niyang sekretarya kaya palagi niya itong pinapagalitan para mapilitan itong magresign. Ngunit paano kung isang araw ay makita ni Franco ang sarili na kasama sa iisang kama ang mataba niyang sekretarya? Anong gagawin niya kung sapilitan siyang ipakasal dito?

Matatanggap ba niyang pakisamahan ang babaing tinuturing niyang bangungot ng buhay niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Isa ako sa mga babaeng GGSS at FS— Gandang Ganda Sa Sarili at Feeling Sexy. Kung ang ibang mga babae ay kayang magsuot ng two piece bikini. Pwes! Ako rin! Kaya kong magsuot ng two piece bikini habang sumasayaw sa harap ng camera. Ikaw ang binibini na hanap ko. Binibining Marikit ang dalangin ko. —Song by Juan Caoile "Kumapit kayo may tsunami!" sigaw ng tatlong kalalakihan nasa kabilang cottage namin. Inis kong hininto ang pagsasayaw ko sa harap ng camera at pakendeng-kendeng akong lumapit sa kabilang cottage. Habang papalapit ako sa cottage ng mga kuhol na tinubuan ng paa. Halos lumupasay na sila sa kakatawa habang nakatingin sa'kin. I flip my hair and cross my arms. "Problem?" sabay taas kilay nila. Some of them vomited, and others continued to laugh. "May baboy na nakawala." sabay halakhak nila. "Si Dugong naka-two piece bikini." "Duh? Ngayon lang ba kayo nakakita ng new generation ng sexy? Mga kuhol na tinubuan ng paa."  sabay irap ko sa kanila. "Ganyan na ba ang bagong sexy? Sobrang nakakadiri umaalpas ang bilbil mo sa katawan. Ang lakas mong magsuot ng two piece bikini! Hahaha!" halakhak ng lalaki. "Tawang-tawa ka? Ang katawan mo nga isang bulate na lang pipirma tsugi ka na. Hiyang-hiya naman ako sa pagiging kuhol n'yo!" "Kuhol ka daw tayo pre." sabi ng isang lalaking bukbukin ang mukha at butas ang shorts. "Hindi ko palalampasin ang ganyang katabang babae dapat diyan ginugulpi." Tumayo ang lalaki sumunod naman ang dalawa. Napaatras ako dahil mukhang may balak silang saktan ang beauty ko. Tumalikod ako upang umalis na ngunit bago pa ko maihakbang ang mga paa ko hinawakan ng lalaki ang braso ko at susuntukin niya ako. Napapikit ako dahil wala na akong magawa kung hindi ang saluhin ang suntok niya. Feeling ko naman makapal din ang balat ko two days lang mawawala na ang black eye ko. Ngunit tatlong segundo na ang nakalipas ay hindi ko pa naramdaman ang kalyo niyang kamao. Pagdilat ng mga mata ko ay nakita kong may humarang sa kamao ng lalaking kuhol este ng lalaki. Nang iangat ko ang mukha ko ay para lang akong nasilaw sa nakita. Oh, my pretty, pretty boy I love you, pretty boy I want you. Ang aking chinito, kayumanggi at may mapulang labi, matangkad in short magbibigay sa'kin ng anak este anak ni Apollo ang greek God sa mythology. Uhhmm… ulam. "Hellew Ser Frence," pabebe kong sagot sa kanya. Poker face ang mukha niyang tumingin sa'kin pagkatapos ay tinulak niya ang kamay ng lalaki. "Hindi n'yo ito kakayanin Taekwondo master ito sa bigat niya lasog-lasog ang katawan n'yo," sabi ni Sir Franco. "Si Sher nemen beket eng sweet me. Hehehe!" pabebe ko ulit. Naghugis puso ang mga mata ko habang nakatingin sa boss kong si Sir Franco. Siya yata ang pangarap kong maging asawa at napi-feel ko pangarap din niya akong maging asawa. Ayaw niya lang sabihin kasi strict ang parents ko. Bumalik sa upuan ang mga lalaki ngunit matalim na nakatingin sila sa'kin. Tumingin sa'kin si Sir Franco.  "Let's go, Miss Fatty," anito. Mabilis ko siyang sinipat at napadako ang mga mata ko sa pagitan ng hita niya. Ang laki-laki! "Miss Fatty?" kunot noo niya. "Jumbo hotdog," sambit ko habang nakatingin sa ibaba niya. Kumunoot-noo niya. "What?" "Ahh— Sir, sabi ko,  jumbo hotdog pala yung inihaw kanina," alibi ko. "Psh!" sabay talikod niya at humakbang papalayo. Sumunod naman ako sa kanya sa cottage namin. Ako lang naman ang Secretary ng isang pinakabata at gwapong vise president ng Seillito Corporations. Ang tagal kong pinangarap na makapasok sa kumpanyang ito para lang makita ng harap-harapan ang future husband ko.  Bumalik kami sa cottage namin kung saan naroon ang ibang mga ka-officemate ko samantalang si Sir Franco ay lumapit sa senior manager ng kumpanya. Ayoko sanang kumain dahil kanina pa ako kain nang kain pero habang nakikita ko ang abs niya ay gusto ko ng kumain ng maraming jumbo hotdog. "Hoy, Fatima!"  "Bakit, Melia?" tanong ko sa kaibigan ko na ka-officemate ko. "Wala ka na bang kahihiyaang natitira sa sarili?" Inis niyang sabi. "Ano naman ang problema mo?" tanong ko. Pinagmasdan niya ang kabuuan ko. "Tingnan mo nga suot mo? Ano bang feeling mo sa katawan slim?" namaywang pa siya. "Bakit? Maganda naman ang two piece bikini ko." "Hays! Mahiya ka naman kahit konti ikaw na lang ang pinagtatawanan ng mga tao rito sa beach. Fatima, concern lang ako sa'yo." "Proud ako katawan ko dahil pinag-ipunan ko ito ng matagal." "Hindi ko talaga alam kung saan mo nakuha ang tapang mong magsuot ng two pieces bikini." Pailing-iling pa siya. Inirapan ko siya pagkatapos ay muling pinagmamasdan si Sir Franco abala siya sa pakikipag-usap ako naman ay nilalantakan ang kalahating parte ng fried chicken. Hindi ko ito ginagamitan ng kutsara bagkus ay kinakamay ko na lang ito habang kinakain ko. Pagsapit ng hapon nagkaroon ng games ang mga bossing namin hindi ako sumali maliban sa huling games nila. "Trip to jerusalem kasali ang mga boss natin," sabi ng emcee namin na ka-officemate rin namin. "Ako!" Nagmamadali akong tumaas ng kamay. Sasali ako!" Naglakad pa ako sa unahan para makita nila ako. Nagkatinginan ang mga ka-work ko at ang iba ay pinagtatawanan ako. "Sigurado ka sasali ka, Fatty?" tanong ng emcee. Ngumiti ako. "Yes, naman gusto ko." Determinado ang sagot ko. "Sige, sino pa ang gusto?" sigaw ng emcee. Mga limang babae pa ang sumali. Ang mga nasa upuan ay ang mga boss namin ang CEO ang vice president, Head manager, factory manager Hr Manager. Safety Manager. Sila-sila ang mga nakaupo sa upuan at sila ang uupuan namin sa tuwing hihinto ang tugtog. "Kinakabahan ako sa'yo baka masira mo ang upuan," bulong sa'kin ni Melia. Sumali rin kasi siya. "Relax two hundred fifty pounds lang ako," kampanteng sagot ko. "Proud ka pa niyan," sarkastiko niyang sabi. Ngumiti lang ako sa kanya pagkatapos ay tumingin ako sa boss kong hindi na uso ang ngumiti. "Mga bossing magsi-upo na kayo." sabi ng emcee. Agad naman silang sumunod pagkatapos kaming anim ay nakapalibot sa kanila.  "Ready set go!" sigaw ng emcee. Nagsimula ng magpatugtog ng nakakaindak na sayaw at pagkatapos ay sumayaw ako habang umiikot kami sa harapan nila. Biglang huminto ang tugtog kaya nakipag-unahan akong umupo. Nakaupo ako sa kandungan ni Sir Romeo ang Hr Manager namin. Naghiyawan ang mga nanonood dahil pagkaupo ko ay biglang nabali ang paa ng upuan. Bumagsak kaming dalawa ni Sir Romeo.  Malakas na tawanan ang umalingawngaw sa paligid namin ngunit hindi ko 'yon pinansin ang goal ko talaga ay makaupo sa kandungan ni Sir Franco dahil siguradong matutusok ako kapag inupuan ko siya. Lima na lang ang natirang upuan muli namang tumugtog ang kanta pagkatapos ay nagsimula na ulit kaming sumayaw. Sa tuwing hihinto ang tugtog nagsisigawan ang mga nanonood. Nakipag-agawan ako sa upuan kay imbes na makakaupo siya itinulak siya ng pwet ko kaya tumalsik siya at ako ang nakaupo. Nagpaulit-ulit ang laro hanggang sa mabawasan na ang upuan. "Go!" sigaw ng emcee ng huminto ang tugtog. Nakita kong bakante sa pwesto ng head manager namin kaya lumapit ako roon para umupo ngunit bago pa ako makaupo ay umalis ang head manager namin sa kinauupuan niya. Wala akong choice kung hindi ang umupo ng hindi nakakandong sa kanya. Muli silang nagtawanan lahat. Muling pinagpatuloy ang laro hanggang sa si Sir Franco at ang safety manager na lang namin ang natira. Bigla akong kinabahan ng magtama ang mga mata namin kaya nang tumugtog ang music ay nagsimula na akong kabahan.  "Go!" sabi ng emcee ng huminto ang tugtog. Nagmadali akong umupo sa kandungan ni Sir Franco. Nakaupo naman ako ngunit bigla kaming natumba dahil naputol ang upuan.  Ang lakas ng kaba ng dibdib ko ng hawakan niya ang balakang ko nang bumagsak kami. Wala siyang emosyon ng makatinginan kaming dalawa. "S-Sorry, Sir. Nauutal kong sagot," ayoko pa sanang tumayo kaya lang nahihiya ako sa kanya kaya tumayo ko. "Ang nanalo si Fatty!" sigaw ni emcee.  Nakangiti ako hindi dahil ako ang nanalo. Masaya ako dahil sa wakas naramdaman ko yung matulis sa pagitan ng hita niya. "Anong prize ba nito sir?" tanong ng emcee. "Date with me." seryosong tumingin sa'kin. "OMG!" sambit ko. Malakas ang sigaw ng mga babae kong katrabaho pero mas malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
426.0K
bc

Broken Angel

read
4.2K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M
bc

The Young Master's Maid

read
750.9K
bc

Marrying My Fiancee

read
461.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook