CHAPTER 1

2343 Words
I have my pilantik na long eyelashes. Smooth and white skin and sexy pouty lip. Binahiran ko pa ito ng super duper kapal na lipstick na mas makapal pa sa mukha ng kapitbahay naming mahilig makialam sa buhay ng iba. "Pak! Bongga na ang beauty ko!" Umikot-ikot pa ako sa harap ng salamin at siyempre hindi nawawala ang paggiling-giling ko. "I'm so sexy, sexy, sexy," sabi ko habang gumigiling ako sa harap ng salamin. "Hoy, Fatty, tumigil-tigil ka nga sa kakasayaw mo? Magigiba ang bahay natin," ani Ate Chenie. Inirapan ko si Ate Chenie. "Hindi naman magigiba ang bahay natin because this is made from bato not for pawid or kahoy." sabi ko habang naglalagay ako ng blush on sa mukha. "Napaka-arte mo talagang babae ka. Saan ka ba pupunta bakit ganyan ang suot mo? Daig mo ang suman sa suot mo." umikot pa siya harapan ko. Para naman akong model na nag-poise sa kanya. Napangiwi siya. "Magpalit ka nga ng damit ako ang hindi makahinga sa suot mo." "Well, I love my outfit. Binili ko pa ito sa ukay-ukay noong isang araw para sa interview ko sa trabaho." "Talaga? mag-a-apply ka ng trabaho?" Hindi makapaniwalang tanong ng kapatid ko. Hindi ko siya masisi si ate kung magugulat siya, tatlong taon na kasi akong tambay mula ng maka-graduate ako ng college. Hindi ako sumubok maghanap ng trabaho dahil tinatamad ako. Hindi naman ako nagugutom sagana nga kami sa pagkain kaya nga lumaki ako ng mahigit 250 pounds. May allowance naman na binibigay ang aking Mommy na nakapag-asawa ng matandang mayaman sa America. Tumango ako. "I realized na kailangan kong alagaang mabuti ang aking future husband sa'ming kumpanya." Nagpa-cute pa ako habang iniisip ko ang magiging boss ko. Kumunot-noo si ate Chenie. "Anong kabaliwan ang pinagsasabi mo?" "Ate, hindi mo talaga maintindihan ang sinasabi ko. Mag-aapply ako sa kumpanya ng magiging asawa ko. Napanood ko siya sa telebisyon and I believe na siya na ang future husband ko." Nagpapungay pa ako ng mga mata. "Unahin mo magpapayat hindi ka na kasya sa pintuan." "Kapag hindi na ako kasya sa pinto papagiba natin ang pinto at palakihin. Hindi ako ang dapat mag-adjust dapat ang pintuan mag-adjust sa'kin." Binitbit ko ang backpack ko at isang maliit na paper bag. Umiling si Ate. "Baliw ka na talagang babae ka." "Aminin mo ate lahat ng magaganda baliw." Hindi nakaligtas sa matalas na mata ni Ate Chenie ang bitbit kong bag. "Bakit punong-puno ang bag mo at paper bag? Akala ko ba mag-aapply ka ng trabaho sa dala-dala mo para kang magka-camping." sabi ng pakilamera kong Ate. I rolled my eyes. Ang daming tanong ng ate ko nakakainis. "Baon ko ito ate," ihahakbang ko na sana ang mga paa ko palabas ng pinto ngunit hinarang ako ni Ate Chenie. "Hep! Hep!" Kinuha niya sa'kin ang bag at paper bag na dala ko. "Patingin ng laman ng dala mo." Wala akong nagawa kung hindi ang ipakita ang laman ng backpack at paper bag. "Ano-ano ang mga 'to? Bakit may mga dala-dala ng ganito?" Isa-isa niya inilabas ang laman ng dala ko. Isang pack ng biscuit, tatlong mansanas, tatlong orange, tatlong bottle ng softdrinks, mango graham, dalawang binalot na kanin tatlong pirasong fried chicken, dalawang pirasong inihaw na liempo, apat na sandwich, candy at crakers ang lahat ng laman ng mga dala ko. "Para kang maglalayas sa dami ng dala mong pagkain." Tumirik ang mga mata ko sa inis. "Diet ako niyan, Ate. Nahihiya kasi akong magdala ng maraming pagkain." Natampal ni Ate Chenie ang mukha niya dahil sa laman ng dala ko. "Diet ka pa niyan, e, halos inubos mo na yata ang laman ng refrigerator? Nahiya ka pa sana dinala mo na rin pati ang mineral water." "Bongga! Bakit hindi ko naisip ang bagay na 'yon." Humakbang ako papunta sa kusina para kumuha ng mineral water pero bigla akong napahinto nang marinig ko ang sigaw ni ate Chenie. "Fatty!" sigaw niya ng malakas kulang na lang maputol ang lintid niya sa lakas ng boses niya. Huminto ako at humarap sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan bakit naman siya galit sa'kin ayaw niya ba akong mag-apply ng trabaho? "Why, Ate?" "Ibalik mo ang lahat ng pagkain nasa loob ng bag mo!" utos niya. "A-Ate! baka magutom ako buong maghapon ang pag-aapply ng trabaho." Matalim niya akong tinitigan. Kung nakakahiwa lang ang mga titig niya siguro iniihaw na ang laman loob ko ngayon. "Ganyan ba ang mag-aapply ng trabaho para kang aakyat ng bundok sa dami ng dala mong pagkain! Hindi ba't sinabi sa'yo na magbawas ka ng pagkain hindi ang magdagdag ng pagkain!" "Sexy naman ako no need magbawas ng timbang." "Ganyan ba ang sexy sa'yo para ka ng tangke ng tubig sa laki." Ouch! It's really hurt ang magpasexy ng ganito, lahat na nga nilamon hindi pa rin makuha ang gusto, break down!" sinayawan ko pa si ate Chenie. "Fatty!" sigaw niya ulit. Ngunit sa pagkataong ito nakatikim na ako ng Jackie moves ni Ate. Kinarate niya ako mabuti na lang at malaki ako hindi masyadong masakit. "Ate, mag-aapply na ako sa trabaho palabasin mo na ako," maktol ko sa kanya. "Hindi ka aalis hanggat hindi mo binabalik ang lahat ng pagkain na 'yan. Mag-aapply ka lang ng trabaho ang baon parang parang aakyat ka ng bundok." Kakamot-kamot ako sa ulo ng bumalik sa kusina upang ibalik ang mga binitbit ko ang pagkain. "Bakit ba kailangan kong gayahin ang katawan niyang pang poste ng kuryente sa payat? Hindi ba alam ni Ate na piggy is a new sexy. Isa-isa kong inilagay sa refrigerator ang laman ng bag ko pero inilagay ko sa loob ng bra ko ang dalawang mansanas at dalawang orange hindi naman siguro niya malalaman na tinago ko. Inilagay ko sa bag ko ang isang pack na biscuit at dalawang bottle sa softdrink hindi na 'yon kukunin ni Ate sa'kin. "Patingin ng laman ng bag mo?" Parang guard ng mall si Ate na tinitiningnan ang laman ng bag ko. "Okay na 'yan umalis ka na,"sabi niya nang makitang konti lang ang dala kong pagkain. Nagmadali akong naglakad palabas ng bahay pagkatapos ay sumakay ako ng jeep papunta sa kumpanyang in-aaply-an ko. "Bayad po isang sexy na sobrang ganda." proud kong sabi. Pangiti-ngiti naman ang mga pasaherong nakasakay ko na halos sa'kin na lang tumingin. "Ate, mukhang kulang ang bayad mo pang dalawang tao ang capacity mo,"sabi ng isang pasahero na lalaki. Inirapan ko siya. "Wala akong pakialam!" sabay irap ko sa kanya. Bigla kong naalala ang apple at orange na nakalagay sa bra ko kaya isa-isa kong inilabas 'yon at nilagay sa bag ko. Napansin ko namang sa'kin na tumingin ang mga pasahero kaya tinarayan ko sila. "Anong problema n'yo? Hindi ko naman 'to ninakaw sa inyo ito. Bakit kayo nakatingin? Ngayon lang ba kayo nakakita ng mansanas at orange na nasa loob ng bra?" pagtataray ko. Umiwas sila ng tingin sa'kin ako naman ay kinagat ang isang mansanas habang nasa biyahe. Hindi ko pinapansin ang mga pasaherong lihim na pinagtatawanan ako 'wag lang nila akong sasaktan dahil baka i-sumo wresting ko sila. Tagatak ang pawis ko nang makarating ako sa kumpanya na aapplyan kong trabaho kaya pagkatapos kong humingi ng number ay dumiretso ako sa banyo upang mag retouch ng make up. Pagpasok ko sa loob ng banyo tumaas na agad ang kilay ko dahil may mga katulad kong aplikante ang nakatingin sa'kin at lihim na pinagtatawanan ako. Sanay na ako sa ganitong mga tao ang laitin ang physical na anyo pero hindi naman ako katulad ng iba na basta lang magpapa-api sa kanila. "Excuse me, Miss, nakapila ka ba?" tanong ko sa babae na nasa tapat ng pinto ng cubicle. Napansin ko kasing kanina pa siya nakapila pero hindi naman pumapasok sa loob. Pailalim niya akong tiningnan. "Ano sa tingin mo?" pagtataray niya. "Sa tingin ko isa kang basura nakakalat." sabay irap ko sa babae. Umatras siya ngunit hindi maalis ang masamang tingin niya sa'kin. Well, wala naman akong pakialam kung magalit siya mas gusto ko ngang magalit siya para atakihin siya sa puso. Pagkatapos kong mag retouch at umihi ay nagpunta na ako sa opisina ng boss kong mag-interview sa'kin. Kumatok ako sa president room. Sobrang swerte ko talaga dahil ang sabi ng isang babae ay ang mismong magiging boss ko ang mag-iinterview sa'kin. Ibig sabihin makikita ko ang future huband kong si Franco Acosta. Dahan-dahan akong kumatok upang magbigay pansin sa mga nasa loob ng room ngunit nakatatlong katok ako walang sumasagot kaya pumasok ako sa loob ng room. "Good morning po." Labas sa ilong kong bungad nang makapasok ang isang paa ko. Ngunit walang sumagot sa'kin kaya tuluyan na akong pumasok sa loob. Nakatatlong minuto na yata akong naghintay sa mag-iinterview sa'kin. "Good morning, Sir." Paunang bati ko. Nang walang sumagot ay tuluyan na akong pumasok at umupo sa harap ng presendential table. "Sir. Yuhoo!" tawag ko sa kanya. Ngunit walang matipo at gwapong boss akong nakita. "Nagkamali ba ako ng room na pinasukan?" Tumayo ako para silipin siya sa labas ngunit wala akong nakita kahit anino niya. Napansin ko ang kape na nasa table niya. Umuusok pa ito. Sa future husband ko ba 'to? Natukso akong hawakan ang taas na may lamang kape at pagkatapos ay humigop ako ng kaunti. Hindi naman niya malalaman. "Ang sarap ng kape parang hindi siya kape dito sa Pilipinas." Dalawang beses akong humigop ng kape nang marinig ko ang pagpihit ng seradura. Nagmadali akong umupo at kunwaring abala sa hawak kong cellphone. Pinakiramdaman ko ang nagbukas ng pinto hindi ako tumingin sa kanya. "Good morning." Kinilabutan ako nang marinig ko ang boses niyang nagpagulo ng pagtibok ng puso ko. "Good morning, future husband. Ikaw ba si Miss Fatima na Diaz?" tanong niya nang makaupo na siya. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at halos malaglag ang panty ko nang makita ko sa personal ang lalaking pinangarap ko. Dalawang beses ko pa lang siyang nakikita sa telebisyon ang iba mga pictures na lang niya na galing sa google ang nakuha. "Putspa! Ang gwapo niya. Kumunot-noo niya. "You have to say something?" "I-I like you." bulalas ko. "Huh?" "I-I mean sir I like your kuko. Tama yung Kuko n'yo sir ang ganda!" nuutal kong sabi. Shit! Maniwala ka sana. "I see. Marami ngang nakakapansin na maganda ang kuko ko, para raw kuko ng babae," sabay ngiti niya. Lumabas tuloy ang maputi at pantay niyang ngiti. Mr chinito Mabilis kong sinuri ang kabuan niya. Bukod sa kuko niyang maganda. Maganda rin ang mga mata niyang sakto lang ang pagiging singkit. Maputi siya at may makinis na balat. Maganda rin ang pagkakakurba ng kanyang labi maging ang hugis ng mukha niya ay tamang-tama lang. Napansin ko rin na maganda ang pangangatawan niya dahil sa kanyang suot na fitted white polo na bahagyang sumungaw ang balahibo sa dibdib niya dahil bukas ang dalawang botones sa itaas. Napansin ko rin ang dimples niyang nagpapakita sa tuwing ngumingiti siya. Malaki rin kaya 'yung nasa ibaba niya? Nanuyo ang lalamunan ko sa iniisip ko kaya naman ay napalunok ako. "Miss Diaz are you okay?" "Ha? Yes sir!" "Tumutulo kasi ang laway mo." "Ha?" Mabilis kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ko ang laway ko pagkatapos ay tumingin ako sa kanya. "Sorry sir. Masakit kasi ang singaw ko sa loob ng labi ko," alibi ko. "Huwag mo kasing ipakagat sa boyfriend mo para hindi magka-singaw." biro niya. Wala akong boyfriend kasi iyong-iyo na ako kasama ng lahat bibil ko. Binuklat niya ang envelope kung saan naroon ang resume ko pagkatapos ay binasa niya ito. "Wala ka bang experience?" Tumango ako. "Wala po sir ikaw sa na? Pwede ka ba sir?" "Well, kung papasa ka sa'kin?" sagot. Alam kong tungkol sa trabaho ang nasa isip ni Sir Franco pero iba naman ang tinutukoy ko. "Ipasa mo na ako sir hindi ka magsisi sa'kin magaling ako sa lahat ng bagay." Tumango siya. "Well, depende kung papasa ka sa mag-iinterview sa'yo mamaya." Kumunot-noo. "Ibig n'yong sabihin hindi kayo ang mag-iinterview sa'kin?" "Dapat sana ako ang mag-iinterview sa'yo. It just so happens that I have an emergency meeting today. Hintayin mo mamaya ang HR manager para siya ang ma-interview sa'yo. Nakaramdam ako ng pagka-dismaya. Kung ibang tao ang mag-interview sa'kin baka hindi ako pumasa kahit magaling at matalino ako. Marami kasing tao ang insecure sa beauty at size ko kaya malamang hindi niya ako ipasa. "Sir, pwede bang ipasa n'yo na ako. Kailangan ko po talaga ng trabaho kasi palalayasin na ako sa inupahan ko. Wala na po akong matitirahan dahil wala na akong pera sa katunayan tatlong araw na akong hindi kumakain." Pagsisinungaling ko. Umiyak-iyak pa ako para makatotohanan. Madali lang naman sa'kin ang umiyak isipin ko lang na ang pagda-diet umiiyak na ako. Parang gusto kong magpa-cute habang nakatingin siya sa'kin. Kinikilig kasi ako sa kanya ng bongga. Saglit siyang nag-isip. "Kung sexy ka at maganda siguradong pasado ka na sa'kin." "Ha?" "I mean, sasabihin ko sa mag-interview sa'yo na ipasa ka niya." "Talaga sir!" namilog pa ang mga mata ko saya. Hindi ko inakala na ganito pala kadaling maniwala si Sir Franco. Ang galing talaga ng drama acting skills ko. "Welcome. Nice to meet you Miss Fatima." "Fatty na lang po." tugon ko. Inilahad pa niya ang kamay niya sa'kin upang makipag-shake hands sa'kin. Nanginginig ang kamay ko habang nakikipag-shake hands ako. Ang lambot ng kamay niya. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng opisina niya. Nagtitili ako sa kaligayahan. Hindi ko inakala na gano'n lang kabilis makapasa. Kung gano'n ka lang kadali ang pumasa sa interview baka marami na ang may trabaho ngayon. Kung sabagay hindi naman interview ang tawag do'n. Nagmakaawa ako para ipasa at naawa naman siya sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD