CHAPTER 2

1859 Words
"Sir, magreresign na po ako." malungkot na sabi ni Linda matapos ibigay ang resignation letter niya sa ibabaw ng table ko. Nakayuko siya sa'kin at hindi makatingin ng diretso. Bumuntong-hininga ako. "Linda, bakit ka magreresign?" tanong ko sa kanya. tatlong buwan pa lang si Linda bilang secretary ko at sa loob ng tatlong buwan na 'yon ay naging malapit ang loob namin sa isa't-isa. "Sir Franco, hindi ko kayang makasama ka." Nag-uumpisa ng tumulo ang luha niya habang nakayuko sa'kin. Lumapit ako sa kanya ay hinaplos ang balikat. "Hindi na ba natin ito mapag-uusapan?" Gumapang ang kamay ko papunta sa kanyang umbok na pwet. Inalis niya ang kamay ko at pagkatapos ay sinampal niya ako ng malakas. "Ouch!" napahawak ako sa pisngi ko. Matalim niya akong tinitigan. "Kung hindi mo naman ako seseryosohin ayoko ng maging secretary mo s***h part time girlfriend mo!" sabay talikod niya sa'kin. Hindi ko na nagawang magsalita dahil umalis na ito. Sayang si Linda siya pa naman ang pinakapaborito ko sa mga naging ka-flirt ko. Malaki ang kanyang dibdib at pwet at magaling din siya pagdating sa kama. "Hays! Nawalan naman ako ng secretary." Tumawag ako sa HR upang muli silang mag hired ng secretary ko. Sa mga nag-aapply ng secretary ako ang nag-iinterview dahil gusto ko pasok din sa ideal girl ko ang isang secretary ko. Naging abala ako sa mga meeting ko ng buong araw kaya naman hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon pumunta sa disco-bar na palagi naming pinupuntahan ng mga kaibigan ko. Diretso akong umuwi ng mansyon namin upang magpahinga. Pagpasok ko ng mansyon naabutan ko si Daddy sa sala ng bahay may pakiramdam akong hinihintay niya ako. "Good evening, Dad." lumapit ako sa kanya upang mag-mano. "Ano naman ba ang ginawa mo?" Nakakunot-noo si Daddy sa akin. "Anong problema?" "Tumawag sa'kin si Careon at sinabi niyang naghahanap ka naman ng bagong secretary." Si Careon ang HR Manager ng kumpanya. Kaibigan ito ni Daddy kaya lahat ng kinikilos ko ay sinusumbong niya. "Nagresign na ang secretary ko kaya naghahanap ulit ako." kampanteng sagot ko. "Naman! Tatlong buwan pa lang ang secretary mo nag resign na agad. Bakit mo kasi ginagawang girlfriend ang secretary mo kung hindi mo naman seseryosohin." Nanginginig ang panga ni Daddy sa galit. "Dad, siya naman ang gustong maging ka-flirt ko. Ang sabi ko huwag siyang ma-in love sa'kin. Kasalanan ko bang naging marupok siya." "Ako na talaga ang pipili ng magiging secretary mo para tumagal." wika ni Daddy. "Sige na kayo na ang pumili." tugon ko para matapos na ang usapan. "Aakyat na ako sa kwarto." pagkatapos ay dumiretso ako sa silid ko. Matagal na akong walang matinong girlfriend mula ng mag-asawa ang babaeng minahal ko. Ang pinakamasakit ay bestfriend ko ang napangasawa niya. Sobrang sakit nang naranasan ko noon kaya pinangako sa sarili kong hindi na ako magseseryoso para hindi na ako muling masaktan. "Good morning, Dad!" bungad kong bati sa kanya nang magising ako. Alas siyete pa lang ng umaga ngunit nakabihis na si Daddy. Umupo ako sa tabi niya upang magsimula ng kumain. "Ngayong araw na ito ang interview sa bagong secretary mo." wika ni Daddy. Hindi man lang ito tumingin sa'kin. "Akala ko po kayo ang mag-iinterview ng aplikante para sa'kin?" "Ikaw ang mag-iinterview. Sabihin mo na lang sa'kin ang limang aplikante na pumasa sa'yo at sasalain ko na lang. Hindi ko na magagawang unahin 'yan dahil may pupuntahan akong meeting." Lihim akong nag bunyi sa sinabi ni Daddy. Ibig sabihin ako pa rin ang masusunod sa gusto kong sekretarya. Sinasadya ko talagang ako ang nag-iinterview sa bago kong aplikante nang sa gano'n ay pwede kong maging ka-flirt. "Bakit ka nakangiti?" tanong ni Daddy. Umiling ako. "May bigla lang akong naalala. " "Bawasan mo ang pagiging babaero mo baka makarma ka." wika ni Daddy. "Tatandaan ko po 'yan." Pagkatapos ay muli kong ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal. "Dad, kailan babalik si Mommy at Kuya Wilbert sa Pilipinas." "Next month." tipid nitong sagot. Pinagpatuloy namin ni Daddy ang pagkain ng almusal. Mabuti nalang at wala si Mommy dahil kung nasa Pilipinas naman siya ay baka kung kani-kanino naman niya ako nirereto proud kasi siyang naging successful ang pagiging cupido niya kay Kuya Wilbert ang pinsan ko, at sa anak ng Kaibigan niya. Sila kasi ang nagkatuluyan dalawa at ngayon may Dalawang anak. Maaga akong dumating sa kumpanya para mag-interview ng mga aplikante. Unang aplikante pa lang ang dumating ay halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa laki ng boobs niya at umbok ng pwet. "Anong size ng ng bra mo at waistline mo?" tanong ko sa Aplikante. Nagsalubong ang kilay ng aplikante marahil ay nagtataka siya kung bakit gano'n ang tanong ko. "Pardon, Sir." "No offense pero medyo strikto ako pagdating sa efficiency ng magiging sekretarya ko, kung masyadong makupad kumilos hindi ko tinatanggap. So I asked you that question. " alibi ko. "I understand Sir. 36-25-36 po ako at multitasking po ako kaya kong gawin ang lahat ng ipag-uutos n'yo." Uhm, Yummy, kaya mo ba akong paligayahin?" "That's good." tiningnan ko ang resume. "Tanggap na ba ako?" "Actually, tanggap ka na for me pero mayroon pang final interview at hintayin mo na lang." Tumayo ang aplikante. "Thank you, sir." yumuko pa ito. Napakagat labi ako nang maglakad ito palabas. Hindi lang ang hinaharap nito ang umaalog maging ang pwet nito ay umaalog din kapag naglalakad. "Perfect na sana siya." sambit ko. Para akong nauuhaw nang maalala ko ang sinabi ng isang aplikante na size ng boobs niya at waistline niya. Lumabas ako ng opisina upang alisin ang init na nararamdaman ko dahil sa aplikante na siksik sa sustansya. Pumunta ako sa opisina ni Daddy para makipag kwentuhan sa kanta ngunit wala siya sa opisina nito kaya bumalik ako sa opisina ko para muling mag-interview. Ang sabi ng H.R may sampung aplikante ngayon. Nakaka-isa pa lang ako. Pagpasok ng opisina bigla akong nagulat sa nakita ko. Isang matabang babae ang nakaupo sa harap ng table ko may hawak siyang envelope. Napangiwi ako sa suot niyang damit na fitted sa katawan niyang na parang tangke ng tubig ang laki. Kulang na lang mapunit ang damit niya sa sikip. Nagwawala ang bilbil niya. Parang mahihiya ang baboy kapag sabay silang nagpatimbang. Parang siyang tatlong doble ng bigat inahing baboy. Pedigree siguro ang kinakain niya. Bigla akong naumay sa nakita sa babae. Parang gusto kong pumunta sa cafeteria at kumain ng atsara. Ngunit dahil professional akong tao kailangan kong interbiyuhin dahil isa siyang aplikante. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagsalita. "Good morning." Nakatulala sa akin ang babae at hindi nakapagsalita. Marahil bigla siyang kinabahan. Umupo ako sa table ko "Ikaw ba si Miss Fatima na Diaz?" "Putspa ang gwapo niya." Kumunot-noo niya. "You have to say something?" "I-I like you." "Huh?" "I-I mean sir I like your kuko. Tama yung Kuko n'yo sir ang ganda!" nuutal niyang sabi. "I see. Marami ngang nakakapansin na maganda ang kuko ko para daw kuko ng babae," sabay ngiti ko. Kumunot ang noo ko dahil nakatulala naman siya habang nakatingin sa'kin. Hindi lang pala siya mabigat. Mukhang mabigat din ang pinagdadaanan niya kaya nababaliw na siya. Konti na lang talaga, tatawag na ako ng security guard "Miss Diaz are you okay?" "Ha? Yes sir!" "Tumutulo kasi ang laway mo." "Ha?" Mabilis niyang kinuha ang panyo at pinunasan niya ang laway. "Sorry sir, masakit kasi ang singaw ko sa loob ng labi ko." "Huwag mo kasing pakagat sa boyfriend mo para hindi magka singaw." biro ko. Binuklat ko ang envelope kung saan naroon ang resume niya pagkatapos ay binasa ko ito. "Wala ka bang experience?" Tumango ako. "Wala po sir ikaw sa na? Pwede ka ba sir?" "Well, kung papasa ka sa akin?" "Ipasa mo na ako sir hindi ka magsisi sa'kin magaling ako sa lahat ng bagay." Tumango siya. "Well, depende kung papasa ka sa mag-iinterview sa'yo mamaya." Kumunot-noo. "Ibig n'yong sabihin hindi kayo ang mag-iinterview sa akin?" "Dapat sana ako ang mag-iinterview sa'yo. It just so happens that I have an emergency meeting today. Hintayin mo na lang ang HR manager para siya ang ma-interview sa'yo." alibi ko. Ang totoo wala akong balak na magsayang ng oras sa kanya dahil unang kita ko pa lang sa kanya bagsak na siya sa'kin. "Sir, pwede bang ipasa n'yo na ako. Kailangan ko po talaga ng trabaho kasi palalayasin na ako sa inuupahan ko. Wala na po akong matitirhan dahil wala na akong pera sa katunayan tatlong araw na akong hindi kumakain." tumulo ang luha niya. Wala pa pala siyang makain sa ganyang katawan. Dapat talaga hindi ito tanggapin para hindi na kumain. "Kung sexy ka at maganda siguradong pasado ka na sa'kin." huli na para mabiwiin ko 'yon. "Ha?" "I mean, sasabihin ko sa mag-interview sa'yo na ipasa ka niya." alibi ko. Namilog ang mga mata niya sa pagkagulat. "Talaga, sir!" Tumango ako. "Yes." "Thank you, Sir." "Welcome. Nice to meet you Miss Fatima." Inilahad ko ang kamay ko upang makipag-shake hands sa kanya. "Fatty na lang po." tugon niya. Nang makaalis ang babae ay agad kong tinawagan ang Hr Manager at sinabi kong ibagsak ang babaeng si Fatima Diaz kapag na-interview nila. Hindi ko gusto ang ganong klaseng babae na hindi lang bilbil ang makapal pati ang mukha. Saan ka naman makakita ng dabyanang babae na fitted ang suot na damit na halos pumutok na ang damit niya. "Franco, may nakuha na pala akong bago mong sektarya. "wika ni Daddy sa akin. "Talaga? mabuti naman kung gano'n." Lima ang napili ko at kahit alin sa limang sexy at magandang babae na pinasa ko ay okay lang sa'kin. "Siguro naman magtatanda ka na 'wag mo ng gagawing part time girlfriend ang secretary mo." wika ni Daddy. "Yes, Dad." pero ang hindi alam ni Daddy ay target kong maging girlfriend ang bago kong secretary. Kinabukasan. Maaga akong nagising dahil excited na akong pumasok ngayong araw. Halos ipaligo ko na ang pabango ko sa katawan dahil makilala ko ngayon ang bago kong sekretarya. "Good morning, Dad." bati ko sa kanya. "Maaga ka yatang nagising ngayon." tanong ni Daddy. "Marami akong gagawin sa opisina." alibi ko. "Okay, ngayon na ang unang pasok ng sekretarya mo, maging mabait ka sa kanya." "Yes, Daddy, mabait naman talaga akong boss." "That's good." tugon ni Daddy. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko ng almusal at nagmadali akong pumasok sa opisina ko. Siguradong nasa opisina ko na ang sekretarya ko ngayon. Parang slow motion ang ginawa ko nang buksan ko ang pinto ng opisina ko. Pagbukas ko ay nagulat ako sa nakita ko. "Good morning, Sir." matamis pa itong ngumiti sa'kin. Napa-atras ako. "Nanaginip ba ako? bakit parang binabangungot ako?" Ang babaeng kasing laki ng katawan ng tanke ng tubig ang nasa harapan ko ngayon. Nakasuot siya ng fitted na damit at ang labi niyang parang sinuntok ng sampung tambay sa kanto dahil halos kulay dugo na ang labi sa pula. "N-Nasaan ang bago kong secretary?" "Ako po ang bago n'yong secretary. Maraming salamat po talaga, Sir. Kung hindi dahil sa inyo hindi ako ipapasa ng nag-interview sa'kin. Pagbubutihin ko pa ang trabaho ko bilang maganda, masipag at sweet n'yong secretary." sabay ngiti nito. "s**t! Daddy!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD