bc

Owned by a Billionaire Monster-SPG

book_age18+
747
FOLLOW
1.8K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
dominant
manipulative
badboy
sweet
bxg
school
classmates
like
intro-logo
Blurb

Sienna is a scholar student at Saint Paul International Academy whose only wish is to finish her studies. Maria Sienna is boyish and never likes men. She often likes women like her.

Her education in that university was miserable because Dylan always bullied her.

One day, she had to ask Dylan for help so that her scholarship would not be cut, but in return, she would be submissive to everything he wanted.

As time goes on, Dylan is always with her, and she starts to fall in love with Dylan. Until he just woke up one day that she already loved Dylan.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Good morning, Mama, Papa.” halik ko sa pisngi nilang dalawa bago ako umupo sa tabi ni Kuya Rasco. Tuwing oras ng pagkain ay kinaugalian na namin na laging sabay-sabay kumain kaya naman hindi ko maitatago ang ginawa kong kasalanan sa Kuya ko. “Mama, ginamit na naman ni bunso ang gel ko. Mabilis maubos dahil lagi niyang ginagamit,” sumbong ni Kuya. Nagkatinginan si Mama at Papa sa akin at sabay na umiling. “Maria, hindi ko talaga alam kung saan lahi galing ‘yan bunso natin. Wala naman sa lahi namin ang tomboy. “Wala rin lahi sa amin na tomboy,” sagot ni Mama. Huminto ako sa pagkain. “Tanggapin n’yo na lang na may bunso kayong pogi.” Tiningnan ni Mama ang itsura ko. “Bakit hindi ka nakasuot ng uniporme n’yo? Magpalit ka ng suot mo mukha ka ng lalaki sa itsura mo.” “Lalaki naman talaga ako nagkamali lang ng sapi ang kaluluwa ko kaya ganito ang katawan ko,” sabay ngiti ko. “Mama, suot pa niya ang pantalon at t-shirt ko baka pati bried ko suot mo,” reklamo ni Kuya. “Ang papangit ng brief mo bakit ko naman gagamitin. Bumili ako ng sarili kong brief.” “Sienna!” umuusok ang ilong ni Mama dahil sa galit sa akin. Tumahimik ako at nagmadaling kumain. Siguradong magsesermon na naman sa akin si Mama at iku-kwento naman niya ang buhay nila ni Papa noon. Laging nauuwi sa drama ang sermon sa akin ni Mama kaya bago pa siya magsimulang magsermon ay minadali ko ang pagkain. “Busog na ako. Papasok na ako school.” Ang bilis ng mga hakbang ko palabas ng bahay namin. Dahil dalawang sakay mula sa bahay namin ang school na pinapasukan ko ay naghintay ako ng jeep o kaya tricycle. Gusto ko kasing sumasabit jeep kapag sumasakay ako. Ang astig ko kasing kapag gano’n at maraming girls ang nakakapansin sa pagiging guwapo ko kapag nakasabit ako sa jeep. Gayunpaman, hindi ko ito puwedeng sabihin sa mga magulang ko na sumasabit ako sa jeep. Nagbibigay sila sa akin ng allowance para pambayad sa taxi pero nagtitipid ako dahil pinag-iipunan ko ang dream date ko sa crush kong si Ashley. Huminto sa harapan ko ang jeep kaya sumakay ko. Ngunit dahil may nakasabit ay napilitan akong umupo sa loob. Pagpasok ko sa loob ng jeep ay sa akin napatingin ang mga estudyante na nasa loob ng jeep. Sa ibang school sila pero sa akin sila nakatingin. Marahil napansin nila ang uniporme na ko. Ang school na pinapasukan ko ay isang sikat at kilalang school sa Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral doon ay puro mayayaman kaya siguro sila nagtataka kung bakit sumakay ako ng jeep. Hindi naman kasi ako mayaman at hindi rin mahirap nasa middle class ang estado ng buhay namin sapat lang ang kinikita ng mga magulang ko sa pangangailangan namin. Isa lang ako sa ordinaryong tao na nakapasa bilang scholar kaya nakapasok ako sa school na iyon. “Manong, para po!” sigaw ko. Eksakto naman huminto ang jeep sa eskita na malapit sa SPIA. Pagkatapos ay bumaba ako ng jeep. Medyo malayo pa ang entrance gate kaya kailàngan kong maglakad ng papunta sa school namin. Naglakad ako hanggang makapasok ako sa loob ng entrance gate ng school pagpasok ko pa lang ay pinagtitinginan nila ako ay iba ay lihim na tumatawa. Binaliwala ko lang iyon dahil hindi na nila ako ulit mabubully dahil safe na ako ngayon. Hawak na ako ni Dylan kaya hanggang tingin na lang sila sa akin. “Sienna!” Ang baby ko. Huminto ako at slow motion akong humarap sa kanya. Ngumiti ako sa kanya. “H-Hi, Ashley!” Pakiramdam ko nasa langit na ako nang ngitian niya ako. Si Ashley ang crush ko sa school namin pero hindi niya alam na crush ko siya dahil ayokong kalabanin si Dylan na may gusto rin sa kanya. Ang totoo maraming nagkakagusto sa kanyang mga lalaki kaya tinatago ko ang feelings ko sa kanya. Baka kasi pagtripan ulit nila ako kapag nalaman nila na crush ko si Ashley. “Sabay na tayong pumunta sa classroom.” “Okay, Babe.” Umarko ang kanang kilay niya. “Anong sabi mo?” Bigla akong umiwas ng tingin at naghanap ng paraan para makalusot. “Sabi ko Babe ang tawag sa iyo ng mga lalaki rito,” alibi ko. Tumawa siya. “Sanay na ako sa ganyan tawag.” Nakatitig ako sa kanya. “Ang ganda mo kasi.” “Hmm.. may crush ka sa akin, noh?” Bigla akong umiwas ng tingin at umiling daig ko pa ang binaril sa Luneta sa sinabi niya. Masyado ba akong obvious. “H-Hindi noh? Lalaki ka ba?” alibi ko. “Akala ko tomboy ka.” Umiling ako. “Mga barako kasama ko sa bahay kaya ganito ako kumilos.” Ang totoo pinapagalitan ako ni Mommy kapag hindi ako kumilos babae sa bahay. Konting-konti na nga lang ay sila na ang magdadala ng lalaki sa bahay para maging boyfriend ko dahil sa takot nila na tuluyan akong maging tomboy. “Let’s go!” Sabay hawak niya sa braso ko. Kinilabutan ako at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko na alam kung paano pa kami nakarating sa classroom namin dahil habang kasama ko si Ashley ay pakiramdam ko nasa heaven na ako. Naka-dikwatro ang paa ko habang nakaupo at nakikinig sa professor namin. Dahan-dahan kong nginunguya ang bubble gum sa bibig ko sa tuwing hindi nakatingin ang professor namin. "Maria Sienna, ayusin mo nga ang upo mo kita na ang singit mo," pabulong ng kaibigan kong si Aira, siya lang ang nag-iisang close friend ko sa school na ito. "Maayos naman ang upo ko," sabi ko. Tumingin siya sa 'kin at inirapan niya ako. "Tingnan mo nga upo mo, naka-dikwatro ka pa akala mo naman may itlog kang maiipit kung makabukaka ka," inis niyang sabi sa'kin. Inayos ko ang pagkaka-upo ko. Madalas kasi akong naka-de kwatro kung umupo hindi kasi ako sanay na umupo ng ipit ang mga hita o 'di kaya ay naka-cross legs. Hindi ako komportable. "Pati ba naman pag-upo kailangan maayos?" Inis kong sagot sa kanya. "Tandaan mo babae ka pa rin at hindi maganda sa babae nakadikwatro habang mahaba ang palda." ani Aira. Babae naman ako, gupit lalaki lang ang buhok ko pero babae pa rin naman hindi ko nga lang gusto ang lalaki,madalas akong nagkaka-gusto sa babae pero hindi naman ako nanliligaw sa babae hanggang crush lang," alibi ko. "Eh, 'di tomboy ka nga." "Bahala ka nga kung 'yan ang gusto mong paniwalaan."Pumunit ako ng papel upang ibalot ko ang bubble gum sa bibig ko dahil wala na itong lasa. Nang matapos ang lecture namin ng professor namin muli akong nag-bukas ng bubble gum at nginuya ko 'yon, sa maghanapon nakaka-limang pirasong bubble gum ang nauubos ko. Habang naghihintay kami ng susunod na professor napadako ang tingin ko sa kaklase kong si Ashley, sa tuwing nakikita ko si Ashley, gumaganda ang araw ko, minsan gusto ko siyang lapitan kaya lang palaging may mga lalaking naka-buntot sa kanya hindi ko tuloy masabing crush ko siya. Nabaling ang pansin ko nang makarinig ako ng tilian ng mga kaklase kong babae. Sumimangot ako dahil siguradong ang monster ang dumating. "Pumasok na si Dylan, ang guwapo niya!" halos himatayin sa kilig ang mga kaklase kong babae. Mas guwapo pa ako diyan kung naging lalaki ako. Si Dylan Wyatt Santiago ang pinaka-popular sa school, bukod kasi sa pagmamay-ari nila ang sikat na school na ito, kilala rin ang angkan nila sa makapangyarihan sa bansa. Karamihan sa mga kaklase ko ay pinapangarap na mapansin si Dylan. Salubong ang kilay ko nang lumapit sa harapan ko si Dylan. "Hey, Maria Sienna, bakit hindi ka sumunod sa pinag-uutos ko?" galit niyang sabi. "Huwag mo akong tawagin sa buo kong pangalan. Tawagin ko akong Sie." sagot ko. Mas gusto kong tinatawag akong Sie kasi astig at maangas kapag binanggit. Tatlong segundo siguro siyang nakatayo sa harapan ko pagkatapos ay hinila ako palabas. "Hoy! Bitawan mo akong gago ka!" sigaw ko. "Lagot naman si Sie kay Dylan." narinig kong sabi ng kaklase ko. Dinala niya ako sa likod ng classroom namin at pagkatapos ay isinandal niya ako sa dingding at hinawakan ang kwelyo ko. "Ang tigas mo talagang tomboy ka!" galit niyang sabi sa'kin. "Bitawan mo ako!" Pilit kong kumakawala sa kanya. "Hindi ba may usapan tayo na susunod ka sa lahat ng utos ko? Bakit hindi mo sinunod ang utos kong bigyan ng flowers ang nililigawan ko?" "Bakit ako susunod wala ka namang binigay na pera, Isa pa crush ko ang nililigaw mo!" Diniinan niya ang pagkakahawak sa kwelyo ko. "Bakit ba lahat ng crush ko ay crush mo rin, gusto mo talaga akong inisin?" "Hindi mo lang matanggap na mas charming ako sa iyo. Bitawan mo ako, ano ba!" "Alam mo dapat sa iyo ginagawang babae," "A-Anong gagawin mo?"Galit kong sabi. Ngumisi siya at pagkatapos pinagmasdan ang mukha ko at napadako siya sa labi ko. "Gago ka! 'wag mo'ng gagawin ang iniisip mo," warning ko sa kanya. Ngunit hindi siya sumunod dahil hinawakan niya ang chin ko at pagkatapos ay hinalikan ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang labi niya. May kung anong kaba akong naramdaman at kilabot. Hayop ka Monster! 'yung first kiss ko ibibigay ko sana sa crush kong si Ashley ninakaw mo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
123.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
74.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
168.7K
bc

His Obsession

read
81.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
24.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook