bc

BOOK 2: THE GROOM IN MY DREAMS! SPG (Jacob&Laura)

book_age18+
7.4K
FOLLOW
22.0K
READ
billionaire
bxb
scary
loser
office/work place
disappearance
wild
like
intro-logo
Blurb

Tutol ang magulang ni Celestina na magtrabaho siya sa Manila, ngunit dahil sa kagustuhan niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang magulang ay tumuloy pa rin siya sa pagtatrabaho bilang isang call center agent. Hindi naging maganda ang naging buhay niya sa Manila lalo ng magkasakit ang Tatay niya, kaya naman napilitan siyang maging escort girl ng isang gabi.

Ngunit ang hindi niya akalain na ang isang gabing pag-escort girl niya ang magpapabago ng kanyang buhay.

"Laura, I mean Celestina, ito ang lalaking i-escort mo. Jacob!" tawag ni Brix.

Lumingon ang lalaking tinawag niyang Jacob. Habang papalapit ito ay bigla namang bumilis ang t***k ng puso ni Celestina.

"Jacob, siya ang escort girl na sinasabi ko," wika ni Brix.

Ang bilis ng t***k ng puso niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Pakiramdam niya ay nagkita na silang dalawa ngunit hindi niya lang maalala kung saan.

"Have we met before?" tanong ni Jacob.

Umiling siya. "No, sir."

"Then, nice meeting you." Nilahad ni Jacob ang kamay niya, para mag-shake hand sila.

"Thank you, sir." Ang bilis-bilis ng kabog ng dibdib niya nang maglapat ang kamay nila. Pagkatapos ay bigla niyang naalala ang lalaki sa panaginip niya.

"Parang siya ang groom sa panaginip ko," bulong niya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Dahan-dahan akong naglalakad pasilyo ng simbahan na may pulang carpet. Ang bawat paligid ay punong-puno ng mga bulaklak. At ang mga tao ay pawang nakangiti sa akin. Bakas sa mukha nila ang labis na saya.  Habang naglalakad ako sa papunta sa altar ay bumibilis naman ang t***k ng puso ko na parang nais kong makita ang lalaki sa na naghihintay sa akin sa altar. Nang nasa tapat na ako napansin kong blurred ang mukha ng lalaki. Gayunpaman ay mababakas ang ngiti sa kanya. "And now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride," sabi ng pare. Inalis ng lalaki ang belo ko, samantalang ako ay nakatingin sa kanya. Nais kong makita ang mukha ng malapitan. "I love you, La— "Celestina!" Nagising ako sa malakas na sigaw ng landlady ko kaya napabalikwas ako ng bangon. Napakamot ako sa batok ko. "Ano ba 'yan bitin na naman ang panaginip ko. Si Aling Lorna kasi istorbo." Sabay simangot ko. Sa panaginip na nga lang ako magkakaroon ng happy love story pinutol pa ng landlady ko. "Celestina! Buksan mo ang pinto o ako ang magbubukas ng pinto!" Kahit walang suklay at mumog ako bumangon ako para harapin siya. "Magandang umaga, Aling Lorna!" Ngumiti ako sa kanya. Sa itsura ni Aling Lorna na may towel sa buhok niya ay mukhang katatapos lang niyang maligo. Nameywang siya sa akin habang nakataas ang kanang kilay. "Gaganda lang ang umaga ko kung magbabayad na ka ng limang buwan renta ng bahay!" sigaw niya. Pilit akong ngumiti. "Hayaan n'yo magbabayad ako sa katapusan." Tumaas ang kanang kilay niya. "Yang katapusan na sinasabi mo, ang hindi matapos-tapos! Ilang beses na akong nagbigay ng palugit sa iyo. Kapag hindi ka nagbayad sa biyernes ay itatapon ko ang mga gamit mo sa labas ng inuupahan mo!" Inirapan niya ako sabay talikod. Huminga ako ng malalim habang nakatanaw sa kanya. Hindi ko naman masisi si Aling Lorna na negosyo niya ito at limang buwan na akong hindi nakakapagbayad. Kung sa ibang landlady siguro ay baka isang buwan pa lang ay pinalayas na ako. "Kailangan ko na talagang magbayad ng utang sa kanya dahil baka palayasin niya ako."  Sinarado ko ang pinto, pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo para maligo at maghilamos. Uminom lang ako ng kape at pandesal sa umaga, pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko para pumasok sa trabaho. Sa isang BPO company ako nagtatrabaho. Dalawang linggo pa lang ako kaya wala pa akong sahod. Sa katapusan pa sana ako sasahod pero hindi na makakapaghintay si Aling Lorna. "Celestina, bakit ngayon ka lang?" tanong ng ka-workmate ko at naging kaibigan ko sa team. Inilagay ko sa loob ng locker ang bag ko at tumingin sa kanya. "Hindi pa naman ako late?" Sabay tingin ko sa relong pambisig ko. "Hindi ka pa nga later pero sinabi sa atin ng team leader natin kahapon na kailangan natin maaga ngayon pumasok dahil may bisitang darating na galing ibang bansa." "Nawala sa isip ko, wala naman sigurong attendance para magalit sila kung hindi ako um-attend." Ni-lock ko ang pinto ng locker ko.  "Jesica, may gusto sana akong sabihin sa iyo." "Ano 'yon, chismis ba 'yan?" Pabiro niyang sabi. "Hindi ito chismis. Palalayasin na kasi ako ng landlady ko sa friday kung hindi ako makakabayad. Hindi na siya makapaghintay ng katapusan. Pautangin mo naman ako babayaran kita sa sahod." "Magkano ba ang uutangin mo?" "Fifteen thousand." Kumunot ang noo niya. "Ang laki naman ng hihiramin mo. Wala akong gano'n kalaking pera. Ang kaya ko lang ay limang libo." "Gano'n ba? Hiramin ko na rin ang limang libo. Susubukan kong manghiram sa iba." "Sige, mamaya withdraw-in ko. Alam mo may alam ako na makakatulong sa problema mo." "Sino naman?" "Kausapin mo si Trisha. Hindi ba kaya siya nagpapalit ng nightshift para makapag-sideline siya na maging escort girl? Try mong mag-escort girl tapos ang problema mo. Mukhang kutis mayaman ka naman." "Ayoko, baka kung anong gawin sa akin." "Subukan mo lang. Nasa pag-uusap naman n'yo naman iyon ng magiging customer mo. Kung ako lang ay dalaga, baka sinubukan ko ang mag-escort girl." Huminga ako ng malalim. "Pag-iisipan ko ang sinabi mo." "Halika na at baka hanapin na tayo ni TL." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa trabaho namin. Nawala sa isip ko ang problema ko nang magsimula na akong magtrabaho. Gustong-gusto ko kasi ang makipag-usap sa mga customer namin, kaya binibigyan ako ng mataas na grades ng mga customers. Nang sumapit ang breaktime namin ay nakita ko si Trisha sa cafeteria at kumain ng lunch habang kausap ang isang TL sa kabilang department. Hinintay ko siyang matapos kumain at pagkatapos ay sinabayan ko siya sa paglalakad. "Trisha!" Lumingon siya sa akin. "Yes, Celestina." Ngumiti ako. "May gusto sana akong sabihin sa iyo." Ngumiti siya. "Gusto mo bang subukan na maging escort girl?" Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?" "Kinausap ako ni Jesica kanina." Napakamot ako sa ulo ko. "Binuking na pala niya ako." "Matutulungan kita diyan tamang-tama may isang businessman ang nagpapahanap ng escort girl para sa kapatid niya." "A-Anong ginagawa ba ng escort girl?" "Sasamahan mo lang ang customer mo. Kadalasan matatanda ang naghahanap ng escort girl, para ipagyabang sa mga kakilala nila. Kung gusto mo naman ng extra service mas malaki iyon." "Anong extra service?" Gusto ko lang makasigurado kung tama ang iniisip ko. "Makipag-s*x. Safe naman sila kasi gumagamit naman sila ng condom." Bigla akong kinabahan. "Mukhang ayoko ng gano'n. Hindi ko kayang ibenta ang sarili ko." "Hindi ka naman pipilitin kung ayaw mo. Depende sa deal n'yo. Ano? Gusto mo bang subukan?" "Magkano ba kapag mag-escort lang?" "Mababa na ang fifteen thousand sa isang gabi. Kapay galante minsan twenty five cake. Halos isang buwan na sahod natin 'yon. Kaya nga nakapagpatayo na ako ng bahay." "Subukan ko pero ayoko ng may extra service at sana dalawang oras lang." Tumango si Trisha. "Sige, sasabihin ko sa iyo ang isang customer ko kung papayag ng dalawang oras." "Paano ka? Kung ibibigay mo sa akin ang customer mo?" Ngumiti si Trisha. "Mas gusto kong yung businessman na foreigner kasi mas galante. Sa iyo na lang yung customer kong filipino na businessman. "Okay, pero sana makausap ko muna siya sa phone para makasigurado ako na wala siyang gagawin sa akin." "Okay, sabihin ko sa iyo mamaya. Bye!" Pagkatapos ay umalis na siya. Huminga naman ako ng malalim pagkatapos naming mag-usap. "Wala na talagang atrasan." ALAS-ONSE NG GABI nang lumabas ako ng inupahan kong apartment. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig na dumampi sa katawan ko. Nakasuot kasi ako ng itim na sexy dress. Hanggang tuhod lang ang haba ng dress at walang manggas ito. Kulay pula ito ay bulaklak ang disenyo. Kinuha ko ang jacket sa loob ng bag ko at sinuot ko ito. Sa loob ng bag ko ay may dala akong jogging pants. Susuotin ko siya kapag natapos ang trabaho ko. Tinanggap ko ang pagiging escort girl ko sa kapatid ng businessman. Dalawang oras lang iyon at pagkatapos ay uuwi na ako. Nagpapasalamat pa rin ako dahil galante ang unang customer ko. Twenty thousand ang binigay nila sa akin. Sumakay ako ng taxi at pumunta sa hotel kung saan kami magkikita ng kliyente ko. Pagkalipas ng isang oras at kalahati ay nakarating na ako sa hotel. Habang naglalakad ako papasok ng hotel ay biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung para saan ang kabog na iyon. Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa unahan kaya lumapit ako sa kanya. "Hello, good evening, kayo po ba si Mr. Brix?" Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. "s**t! Buhay ka!" Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi n'yo?" "Laura, ikaw nga! Salamat at buhay ka!" Tumingin ako sa likuran ko dahil baka may kausap siya, ngunit ako lang ang kausap niya. Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. "Masaya ako dahil buhay ka." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Celestina po ang pangalan ko, ako po yung escort girl na inarkila n'yo." Muli niya akong pinagmasdan sabay ngiti niya. "Okay, kung wala kang maalala. Siguradong may maalala ka na kapag nakita mo ang lalaking i-escort mo. Let's go, pumasok ka sa loob." Inalalayan niya ako papasok sa loob kung saan naroon ang party. Kahit naguguluhan ako ay sumunod pa rin ako. Nandito na kasi ako kaya kailangan kong panindigan para sa utang ko. Napansin kong nakatingin silang lahat sa akin. May dumi ba ako sa mukha o pangit ba ang ba ako? Bakit sila nakatingin sa akin?" "Laura, I mean Celestina, ito ang lalaking i-escort mo. Jacob!" tawag ng lalaki sa lalaking nakikipag-usap sa isang lalaki. Lumingon ito at lumapit sa amin. "Jacob, siya ang escort girl na sinasabi ko," wika ni Brix. Ang bilis ng t***k ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko ay nagkita na kami. Hindi ko lang maalala kung saan. "Have we met before?" tanong ng lalaki. Umiling ako. "No, sir." "Then, nice meeting you." Nilahad niya ang kamay niya para mag-shake hands kami. "Thank you, sir." Ang bilis-bilis ng kabog ng dibdib ko nang maglapat ang kamay namin. Bigla kong naalala ang panaginip ko.  Parang siya ang groom sa panaginip ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
258.1K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
51.4K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
72.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
9.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
44.0K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
96.3K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
61.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook