bc

I Sold Myself To My Billionaire Husband. RATED SPG(BOOK 2)

book_age18+
12.4K
FOLLOW
111.1K
READ
dark
possessive
sex
one-night stand
arrogant
dominant
drama
bxg
heavy
wild
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED SPG!

Dahil sa dami na pinagdaanan pagsubok ng kanilang pamilya. Inakala nilang wala na silang magiging mabigat na problema. Ngunit nang dumating ang ika-40 na taon gulang ni Lester ay muli silang sinubok ng tadhana. Na-aksidente si Veronica dahilan para masira ang mukha nito. Hindi niya inaasahan na sa kanyang babalik sa mansyon ay may pumalit sa kanya bilang si Veronica Del Mondragon. Nagkaroon siya ng impostor dahilan para hindi siya paniwalaan ng kanyang asawa at mahal niya sa buhay.

Anong naghihintay sa kanilang relasyon? Malalaman ba ni Lester na ibang taon ang nagmamay-ari ng mukha ng kanyang asawa? Anong gagawin ni Veronica para makuha niya ang kanyang pamilya sa kabila ng kanyang sunog na mukha?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa aking silid. Kinapa ko ang maliit na oras na nakapatong sa ibabaw ng maliit lamesa.  “Alas-singko pa lang ng umaga.” Muli akong pumikit para matulog ngunit mas naging malakas ang katok sa aking silid kaya napilitan akong bumangon upang buksan ang pinto. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto ng kuwarto mo?” Nakataas ang kilay ni Veronica ang aking impostor. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa kanya ay umiinit ang ulo ko na parang gusto ko siyang kaladkarin palabas ng mansyon. Ninakaw niya ang lahat sa akin maging ang pamilya ko. “Bakit? Anong problema mo?”  Nameywang siya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ang lakas ng loob mo na magsalita sa akin ng ganyan baka nakakalimutan mo katulong ka lang dito.” Pagtataray niya. Eh, kung basagin ko kaya ang mukha mo. Tang ina ka! “Anong problema mo sa pagiging katulong. Madam, Veronica?” Sinadya kong sabihin ang pangalan niya Simula nang makapasok ako sa loob ng sarili kong bahay bilang si Kikey ay hindi na ako naging mabait sa impostor ko. Ako lang ang bukod tangi sa mga katulong ang hindi nagpapatalo sa kanya. Hindi ko kayang maging mabait lalo kung demonyo ang kaharap ko. Si Lester ang amo kaya wala siyang karapatan na magalit sa akin. “Wala ka talagang respeto sa akin? Ano ba ang pinakain mo sa asawa ko bakit hindi kaya niya pinapalayas sa pamamahay na ito?”  Wala pa akong pinapakain sa kanya pero malapit ko na siyang pakainin ng pempem ko. Tinaas ko ang kanang kilay ko. “Bakit mo ba ako ginising ng ganito ka aga? Hindi mo ba alam na nag-beauty rest pa ako?” Tumawa siya ng malakas. “Beauty rest? May beauty ka ba? Ang pangit-pangit mo, kung ako lang ang masusunod matagal na kitang pinalayas sa pamamahay na ito.” Kuyom ang kamao ko sa galit. Konting-konti na lang talaga susuntukin ko na ang impostor ko na ito.  “Wala ka na bang ibang sasabihin?” Inis kong tanong sa kanya. “Pagluto mo ako ng masarap na almusal.” Nakahalukipkip ako ng kamay. “Ang boss ko lang ang pwedeng mag-utos sa akin at hindi ikaw.” Halos tumaas na ang buhok niya dahil sa inis niya sa akin. “Asawa ako ng boss mo kaya boss mo rin ako.” “Veronica!”  Sabay pa kaming lumingon ng impostor ko. Pinagmasdan ko si Lester na walang siyang suot na pang-itaas kaya kitang-kita ko ang six-packs abs niya. Lumunok ako, naalala ko kasi ang mga naging pagtatalik namin noon, pakiramdam ko tuloy nanunuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa kanya. “Anong nangyayari rito?” Nakakunot ang noo niya. Sumimangot ang impostor ko. “Inuutusan ko siyang ipagluto ako ng almusal ayaw niyang sumunod.”  Nakakuyom ang kamao kong pinakikinggan ang sinasabi niya kay Lester. Kung puwede lang sanang sabihin kay Lester na ako ang tunay niyang asawa at impostor ang babae na kaharap niya, ngunit alam kong hindi ito maniniwala sa akin dahil mukha ko ang makikita niya sa impostor na babae na ‘yon.  Bumilis ang t***k ng puso ko nang tumingin sa akin si Lester. Hindi pa rin nagbabago ang mga tingin niya sa akin. I miss you so much. Asawa ko. “Kikey, sige na ipagluto mo na ng asawa ko ng breakfast.” May kirot sa puso ko nang banggitin niya ang salitang asawa. Ako dapat ang tinatawag mong asawa.  Bumuntong-hininga ako para pigilan ang mga luha kong malapit ng pumatak Tumango ako “Magbibihis lang ako.” Sinarado ko ang pinto pagkatapos ay kinuha ko ang bandana ko para itakip sa sunog kong mukha. Humarap ako sa salamin at hinaplos ang mukha kong nasunog. Ito ang dahilan kung bakit walang naniniwala na ako ng tunay na Veronica Del Mondragon, nasunog ito dahil sa aksidente. Hinaplos ko ang mukha ko. “konting tiis lang at ibabalik ko rin ang dati mong ganda.” Kung tutuusin ay kaya ko naman magpa-surgery dahil nandiyan naman ang kaibigan kong si Dina para tulungan ako pero tumanggi ako. Gusto ko munang malaman kung ano ang tunay na katauhan ng impostor ko. Gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng kasalanan niya sa amin.  Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko si Lester sa sala ng bahay na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng diyaryo habang sa gilid niya ay may isang tasa ng kape. Nagpakendeng-kendeng akong naglalakad papunta sa kusina sinadya kong gawin iyon dahil gusto kong akitin ang asawa ko kahit ganito ang itsura ko. “Good morning, Aling Moran,” sabi ko sa cook nila. “Oh, k**i, bakit gising ka na?” Tanong niya. Kiki ang tawag ni Aling Moran sa akin sa halip na Kikey hirap kasi siyang bigkasin ang letter ‘e’ kaya nagiging bastos ang pangalan ko sa kanya.  “Ginising ako ni Ma’am Veronica para ipagluto siya ng almusal.” Ilang beses na umiling si Aling Moran. “Hays! Ang laki ng pinagbago ni Ma’am, Veronica mula ng ma-aksidente siya. Iniisip tuloy namin na baka ibang tao na siya, kahit kasi ang boses at pangangatawan niya ay nagbago.” Tinitigan niya ako. “Parang ikaw nga si Ma’am. Veronica, magkapareho kayo ng boses at pangangatawan.” Nanahimik ako. Mabuti pa ang katulong namin nahahalatang ibang tao ang gumagamit ng mukha ko. “Hayaan na lang natin siya baka napuruhan ang ulo sa aksidente kaya nabawasan ang laman ng utak.” “Siguro nga, tulungan na kita diyan.”  Ngumiti ako. "Salamat." Tinulungan niya akong maghanda ng almusal ng impostor ko. Nang dalhin ko ang pagkain sa kuwarto niya ay hindi naman niya kinain. Ginagalit lang niya ako para umalis ako ng mansyon. Sa araw-araw na pagpapanggap ko bilang kasambahay nila ay nababantayan ko ang mga anak ko. Pinaparamdam ko sa kanila ang pagmamahal bilang isang ina, at kahit ganito ang itsura ko naging mas malapit pa rin sila sa akin. Alas-dose na ng gabi nang maisipan kong bumaba para uminom ng tubig sa kusina. Bumaba ako na nakasuot ng nighties kaya halata ang kulay itim kong panty at dahil wala akong suot na bra, bakat na bakat ang maumbok kong. Habang uminom ko ay napansin ko si Lester na umiinom ng alak mag-isa sa kabilang silid. Sa silid na ‘yon naroon lahat ang mga iba’t-ibang alak na nabili namin sa iba’t-ibang bansa na pinuntahan namin. Lumapit ako sa kanya. “S-Sir.” Tumingala siya sa akin at pinagmasdan ang katawan ko pagkatapos ay lumunok siya. “K-Kikey.” Sabay iwas niya ng tingin sa akin. Umupo ako sa harap niya at nakita kong nakatingin siya sa dibdib ko.  “Ang slang naman ng pagkakabigkas mo ng pangalan ko, puwede n’yo naman akong tawagin Kiki.” Tumawa siya. “That’s funny.” “Bakit mag-isa lang kayong umiinom, nasaan ang asawa mo?” Umiwas siya ng tingin sa akin. “Nag-out of town ang asawa ko kaya mag-isa lang ako.” Tumango ako. “Dapat pinapunta n’yo ang mga kaibigan n’yo rito para may kasama kayong uminom.” Bumuntong-hininga siya. “Pinagbabawalan na ako ng asawa ko na makipagkita sa mga kaibigan namin. Ang weird niya dahil matagal na niyang kaibigan ang mga iyon, bakit bigla na lang siyang nagbago?” Hayop na impostor na ‘yan. “Baka naman mo may ginawa kayong kalokohan na kasama ang kaibigan n’yo, sayang naman kung mag-isa lang kayong umiinom.”  Ngumiti siya sa akin. “Nandiyan ka naman puwede mo ba ako samahan uminom.” Sabay tingin niya sa akin. Lihim akong nagbunyi sa sinabi at mga kinikilos ni Lester. Mukhang ito na ang tamang oras para maakit ko ang asawa ko. Nagsalin ako ng tequila sa wine glass at in-straight kong inumin iyon. Sinadya kong may tumulo sa bibig ko para dilaan ko. “Ay, sorry!” nakita ko siyang nakatitig sa akin. Konting landi pa, madidiligan na rin ako. Mabilis namang umiwas ng tingin si Lester at in-straight na ininom ang alak sa wine glass niya. “May tanong ako sa inyo Sir.” “Ano ‘yon?” “Nagse-s*x pa ba kayo ng asawa mo?” Sinalubong ko ang tingin ni Lester. Gusto kong malaman kung nakipagtalik na siya sa impostor ko. Umiling siya at uminom ng alak. “Honesty, hindi na dahil parang ibang tao na ang asawa ko.” “Ibang tao na talaga siya.” Tumingin siya sa akin.”What?” In-straight kong inumin ang alak ko saka tumingin sa kanya. “Puwede n’yo ako subukan malay n’yo kasing level ko pala ang performance ng asawa mo noong hindi pa siya nagkakasakit. Nangunot ang noo niya. “What do you mean?” Tinitigan ko siya. “One hundred thousand pesos ako noon pero ngayon ten thousand na lang.” Dumaloy ang kuryente sa katawan ko nang sabihin ko ang dialog ko noon sa kanya, sana lang maintindihan niya ito. Tumayo siya at tumabi sa inupuan ko pagkuway at pinagmasdan niya ako. Hindi ito nakatiis hinaplos niya ang mukha ko. Ipinikit ko ang mga mata ko nang muli kong naramdaman ang haplos niya. “Kikey...” “P-Pumapayag ka na ba Sir?” Sinadya kong hawakan ang braso niya at hinimas ko ito. Nakita ko ang pag-alon ng adams apple niya pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ipinikit ko ang mga mata ko nang maglapat ang mga labi naming dalawa. Tumugon ako sa bawat halik niya hanggang sa huminto kami dahil halos maubusan na kami ng hangin sa baga. Dinukot ni Lester ang pitaka niya sa likod ng pantalon niya at pinirmahan ang cheke. “Here, ten thousand pesos make me happy.”  “Wala ka bang cash bakit kailangan i-cheke?” Hindi niya ako sinagot dahil hinila na niya ang batok ko saka siniil ng halik. Hindi ako nagpatalo sa kanya muli ko siyang tinugon ng mapusok na halik. Anim na buwan akong inasam na muling malasap ang kanyang mga labi at maramdaman ko ang kanyang mahigpit na yakap. “Ohhh.. Veronica,” bulong ni Lester habang nasa kalagitnaan kami ng aming pagtatalik. Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin kay Lester. Kagat labi siya at mariin na nakapikit habang patuloy ang pagbayo niya sa akin. Hindi ko alam kung nadala lang siya sa labis na kaligayahan kaya niya nabanggit ang pangalan ko. O baka talagang nakilala niya ako kahit iba ang itsura ko. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. “Lester, I love you.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook