Chapter 7

1194 Words
Anasandra's POV "Anasandra!!", tawag sa akin ni Serena habang kumakaway. Malawak ang kanyang mga ngiti habang papalapit sa amin. Nang makalapit na sa amin ay umukit sa mukha ni Serena ang paghanga sa lalaking kaharap ko. Walang iba kundi si Doctor Hayes Montemayor. Sinasabi ko na nga ba. Mukhang laglag p@nty ang Pinsan ko dahil sa taglay na Karisma ni Hayes. "What are you doing here?", malamlam kong tanong sa kanya. Nakipag biso-biso si Serena sa akin, pero ang mga mata niya ay nakatuon kay Doctor Hayes. "Namiss kita, Cousin", lutang niyang sagot sa akin. "Hello, I am Serena Del Mundo. I am the prettiest cousin of Miss Anasandra Del Mundo. Kitang-kita naman di ba? Nice to meet you, Mister---? ", patanong niyang sabi sabay lahad ng palad kay Hayes. Nanginig pa ang dalaga dahil sa kilig matapos salubongin ni Hayes ang kanyang Palad. "I am Hayes Montemayor. Nice to meet you. Anyway, I need to go kasi may Emergency ako sa Hospital. Miss Ana, thank for tonight dinner. I guess may makakasama kana for groceries", malamig na saad ni Hayes. "Wi-wait. Are you a Doctor?", pag pigil ni Serena sa Binata. Napatango naman ito sabay bitaw ng isang matipid na ngiti. "Yeah. I need to go",paalam niya ulit sa amin. Napatango na lang ako kahit ayaw ko pang umalis ang binata. Paano ba naman kasi may asungot na dumating. "Wow! Are you guys dating? Ang gwapo-gwapo niya at mukhang masherep. Di nga? Totoo? Nag di-date kayo?", malawak ang mga ngiting tanong ni Serena sa akin, pero lalo lang akong nainis kaya piningot ko siya sa teynga. "Ouch! Ang sakit, Ate Anasandra! Hindi ko naman siya aagawin sayo kasi kay Doctor Lance lang nakalaan ang puso ko", sigaw ni Serena sa sakit. Binitiwan ko ang teynga niya. "Tinatawag mo lang akong Ate kapag may Favor ka. Hay naku, Serena. Matandan ako sayo ng dalawang taon, pero Anasandra lang ang tawag mo sa akin", naiinis kong saad sa dalaga. "Sorry na. Two years lang naman kaya okay lang na "Anasandra" ang itawag ko sayo. Bakit ka ba nagagalit? " Panira ka kasi ng moments. Ang dami ko pa sanang itatanong kay Doctor Hayes, pero dumating kapa. Hayyy naku, Serena" "Hindi ko naman ginustong masira ang Moments nyo. Ang init ng ulo mo. Halatang walang dilig since Birth. Siguro naman this year ay madidiligan na yang Pekpek mo", pag iinis niya pa sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay bilang sagot sa mga sinabi niya. Bumaba ito ng tingin para ikarga ang Aso kong si Pempem. "Hello, Pempem. It's me Tita Serena. How are you, Baby?", nakangiti niyang saad sa aking Pet, pero hindi umiimik si Pempem. Ibig sabihin ay hindi niya gusto ang Pinsan kong si Serena. "Ayaw niya sayo kaya hindi siya umiimik kahit kinakausap mo. Pansin mo umiiwas siya ng tingin. Non-chalant ang Aso kong yan sa mga taong hindi niya gusto" Niyakap niya pa rin si Pempem sa kabila ng mga sinabi ko. "Magugutoshan din ako ng Alaga mo", Inirapan ko siya. "Now, tell me ano ang ginagawa mo dito? Wag mong sabihin na makikitulog ka na naman sa Penthouse ko?", naiinis kong saad sa kanya. Kahit naiinis ako lagi sa Pinsan kong si Serena ay mahal ko ito. Sadyang feelingera lang kasi at OA din minsan. Isa pa patay na patay siya sa kaibigan ko na si Lance. Maganda si Serena. Pinasa ko siya sa Mother side. She is a Model and Businesswoman. May Cafe siya kung saan mayroon na itong sampung branch sa NCR. Straight at short ang buhok ni Serena na kulay pink. Actually, paiba-iba ang kulay ng buhok niya. Depende sa trip niya sa buhay. Para siyang Koreana kong manamit at umasta. Retokada ang ilong niya at naka braces ang mga ngipin. Napakurap ako nang magsalita si Serena. "Anasandra! Umakyat na tayo sa taas", sigaw niya sa akin kasi malayo na pala sila ni Pempem. Iniwan nila akong nakatulala sa may lamesa. "Wait. Seryoso, dito ka matutulog? ", tanong ko habang lakad-takbo papalapit sa kanila. Nanatiling walang imik ang alaga kong si Pempem habang ang mga mata niya ay parang nagsusuplada kay Serena kasi karga-karga siya. Natatawa ako sa Asong kong yan. Parang may isip talaga. Nanlilisik at umiikot ang mga mata kapag naiinis siya sa kaharap niya. Nakapasok na kami sa Penthouse. Mabilis na tumakbo si Pempem sa kanyang higaan matapos ibaba ni Serena. Pabagsak akong napaupo sa Sofa. "Kumain kana?" "Hindi pa.Teka, parang familiar sa akin ang Doctor na yon kanina", napapaisip na wika ni Serena habang pabalik-balik ito sa harapan ko. "What do you mean?", kunot noo kong tanong. "Parang nakita ko na siya. I am sure I saw him from somewhere. Tama! Siya ang lalaking iyon!", parang kausap ang sarili sa hangin na sigaw ni Serena. "Tell me, saan mo siya nakita" "My Ghad hindi ako makapaniwal na ganoon pala siyang lalaki. Sabagay ang Hot at gwapo niya kaya siguro ganoon na lamang nahuhumaling sa kanya ang mga kababaehan", patuloy na saad ni Serena kung saan lalo lang na lumalim ang curiosity ko. "I said tell me, Serena! Seryoso, ako ba ang kausap mo o hangin? Wag mong painitin ang ulo ko kung ayaw mong matulog sa labas", naiinis kong singhal sa kayan, pero nanatiling nakatulala ang dalaga sa hangin. "Serena!! ",malakas kong sigaw sa kanya. "Nakakagulat ka naman", bigla niyang nasabi. "Tell me, ano ang pinagsasabi mo? Pakilinaw ng maintindihan ko", naiinis ko ng saad. "Si Doctor Hayes Montemayor ay maraming beses kong nakita sa Bar na pinupuntahan ko. I saw him kissing different woman in a week. Ang malala pa doon ay nakita ko siya sa VIP room with woman na kanyang naka s*x. Yeah, tama ang naririnig mo, Anasandra. May mga kaibigan din akong nagsabi sa akin na naka s*x na nila si Doctor Hayes", seryosong saad ni Serena habang malalim pa itong nag-iisip. Nakaramdam ako ng pagkaturn-off para sa binata matapos marinig ang mga sinabi ni Serena. "Are you sure about that? Baka kamukha lang ni Doctor Montemayor? " Umiling-iling si Serena. "Hindi ko siya namukhaan kanina, but I am sure na siya ang lalaking yon na pinipilihan ng mga kababaihan sa Bar. Ang gwapo niya sana, pero he is totally a red flag. Fvck Boy ang Doctor na iyon. Kaya ikaw, Anasandra wag kang didikit palagi don kung ayaw mong ma divirgin*zed yang Bilat mo. Papatirikin ng Doctor na iyon ang mga mata mo sa Kama" "Well, kung totoo man ang lahat ng sinasabi mo ay kailangan ko pa ring ma confirmed", sagot ko sa kanya. Napatayo ako mula sa kinauupoan para kumuha ng tubig. Nanunuyo ang lalamonan dahil sa mga narinig. Kung totoo man ang mga sinasabi ni Serena tungkol sa Doctor na iyon ay nalintikan na nga ako. Siya ang lalaking mapapangasawa ko,pero ayaw kong makipag isang dibdib sa lalaking madami ng mga babae ang naikama. Kailangan ay malaman ito nila Grandmother bago pa man matuloy ang kasal namin, pero bago yan ay kailangan ko munang ma confirmed kung may katotohanan ang mga sinabi ni Serena o wala. Isahan kong nilagok ang isang basong tubig dahil sa uhaw at galit kay Doctor Hayes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD