Chapter 6

1464 Words
Anasandra's POV "Wait for me here,Okay? I will go Up there to bring my Dog down here. Ipapakilala ko siya ", masigla kong saad kay Doctor Hayes matapos kong makapag order ng pagkain. Walang nagawa ang Doctor para pigilan ako. Maya-maya pa ay karga-karga ko na aking napaka cute Dog na si Pempem. Naka dress at Leash na kulay pink .Sinuotan ko din ng mga shoes si Pempem kasi ayaw ko siyang nadudumihan. All pink ang outfit ng Baby dog ko. Naabotan ko si Doctor Hayes na abalang may katawagan sa Cellphone. Sino kaya ang laging katawagan ng binatang itong. Doctor ba siya o Call center agent? Sabagay madami siyang pasyente kaya kahit walang work ay need makipag cooperate sa Hospital kapag may emergency. "Hello! I am Pempem. Nice to meet you", boses bata kong wika sa Binata habang nakaharap na kami ni Pempem sa kanya. "Grrrrr! Woof! Woof! Aww! Aww!" tahol ng aso ko matapos niyang makita ang pagmumukha ni Doctor Hayes. Napangiwi ako dahil sa inasal ng aso ko sa harapan ng binata. Napadistansya ang binata dahil sa takot na baka makagat siya ni Pempem. "She is mad at me. Baka makagat ako ng Aso mo. Ang cute-cute niya pa naman,pero ang sungit-sungit", naiinis na saad ni Hayes. Napaupo ako sa Upoan habang karga-karga pa rin ang aking Aso. Matalim pa rin itong nakatitig kay Doctor Hayes at nag go-growl. Halos lahat ng ngipin ng aso ko ay nakalabas dahil sa galit sa binata. Hinaplos haplos ko si Pempem. "Stop it, Pempem. Enough, okay? Don't worry, He will love you like Mommy", wika ko sa aking Aso. Napakamot ulo si Hayes dahil sa aking inasal. "Seryoso? Ang weird mo talagang babae ka. Look, I am a pet lover, pero ewan ko ba kung bakit ako na wi-wirdohan sayo, Miss Ana.Kumain kana muna kasi baka gutom lang yan. Pati aso mo ay nagagalit na sa akin", namomoblema niyang wika sa akin. Malawak akong ngumiti sa Binata. "Actually, hindi siya galit sayo. Kaya siya tumatahol at nag go-growl kasi gusto ka niya. Naga-gwapohan siya sayo. Di ba, Pempem? Tumahol ng dalawang beses ang Aso ko bilang sagot sa tanong ko. "Sa Baba kana muna kasi kakain si Mommy", bulong ko kay Pempem Nilapag ko muna ang aking Aso sa Baba. Mabait iyon at sumusunod sa lahat ng sinasabi ko. Para siyang tao na nakakaintindi. "What? Tama ba ang naririnig ko? Gusto niya ako kaya siya tumatahol sa akin? ", pag kumpirma ni Hayes habang nag uumpisa na itong kumain. Napatango ako. "Yeah. Ako ang nagturo sa kanya. Sabi ko kapag gusto niya ang isang tao ay tatahol siya. Kapag gwapo at maganda ang kaharap niya ay tatahol siya, pero kapag ayaw niya at Chaka ang mukha ay hindi siya iimik. Non-Chalant kung baga. Yon ang tinuro ko sa kanya. Gwapo ka kaya gusto ka ng Pempem ko", nakangiti kong saad sa kanya. "Di ba dapat kapag ayaw niya sa isang tao ay tatahol siya tapos kapag gusto niya naman ay hindi siya tatahol? Bakit baliktad? O sadyang baliktad lang ang utak mo? ", kunot noo niyang saad sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Yon ang gusto ko. Pakialam mo ba? Saka para maiba naman. Ang talino nga ng Aso ko kasi nakukuha niya halos lahat ng mga turo ko", confident kong wika habang pinapaikot ang pasta sa aking Tinidor. "Sabagay, baka nga mas matalino pa kaysa sayo ang Aso mo",pang-aasar ni Doctor Hayes. "Inaamin kong Shunga-Shunga at OA ako, pero hindi naman ako ganoon ka Bobo. Duh, baka nga matalo pa kita sa Spelling Competition", mayabang kong pag hamon sa kanya. "Okay. Then, spell "COMPETITION", pag hahamon niya sa akin. "Sus, basic. C----O-----M---P----Ahhh. Hahaha. Wag na nating pag-usapan yan. Kumain na lang tayo kasi para na akong mawawalan ng hininga dahil sa gutom", pagpapalusot ko sa binata kasi naging sabaw na naman ang utak ko. Napahagikhik ng tawa si Doctor Hayes dahilan para titigan ko siya ng matalim. "Anong nakakatawa? Wag mo akong hahamonin.Gutom lang ako kaya sabaw ang utak ko", naiinis kong saad sa kanya. "You know what, you are funny and crazy at the same time. To be honest, ikaw ang pinakabaliw na babaeng nakilala ko", natatawa niyang saad sa akin. Napabuntong hininga ako at napataas ng isang kilay. "Sa ganda kong ito na mala Dyosa, mukhang baliw? Weeh di nga? Comedy lang akong tao at saka ayaw kong mag seryoso masyado sa buhay kasi nakaka-stress yon.Look at me, ang fresh at baby face ng mukha ko,right?, pa cute kong saad sa kanya sabay posing. Napailing-iling si Hayes. "Kakaiba ka talaga.Gutom ka pa ata kaya wala kapa sa tamang pag-iisip.Sumubo ka lang dyan ng sumubo" Malagkit akong napatitig sa kanya kasi nakaisip na naman ako ng kabaliwan. "Subo? Gusto ko talagang sumubo.Ano kaya ang pakiramdam kapag nakasubo.Yong subo na sunod-sunod.Yong tipong mapupuno ang bibig ko,at mabulonan ako dahil sa pag subo" Nasamid si Doctor Hayes matapos marinig ang mga sinabi ko "Jesus Christ, anong pinagsasabi mo" "Bakit? iba iniisip mo ano? Itong Pasta ang gusto kong isubo ng sunod-sunod para mapuno ang bunganga ko. Ito naman dinamay pa ang Langit, masyadong Green ang utak.Uyy,napaghahalataan", pang iinis ko sa kanya habang kinarga ulit ang aking dog na si Pempem. Kunot-noo itong uminom ng tubig at napakagat-labi dahilan para bigla akong makaramdam ng init "Ugh,ang hot niya at mukhang masarap", pilya kong wika sa isip. "Unbelievable! Ikaw yong sikat na artista at CEO na may sayad sa pag-iisip. Ayaw mong mamatay, pero gusto mong mabilaokan. Ano kaya yon.I need to go kasi hindi na normal ang pag-iisip ng kausap ko ngayon", naiinis niyang saad sabay tayo mula sa pagkakaupo, pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at malawak na ngumiti sa Binata. "Wag ka munang aalis, Please. Promise, aayosin ko na ang mga pananalita ko. Maayos mo na akong makakausap" Piniyok-piyok ko pa ang aking mga mata para magpa cute sa Doctor. "Woof! Woof! Aww! Aww!", tahol ni Pempem dahil sa inasal ni Hayes sa akin. "See? Pati si Pempem ay sinasabi sayo na wag ka munang umalis. Wag mo daw iwanan ang Mommy niya kasi kumakain pa", pa cute ko pa ring saad sa binata. Humugot ito ng isang malalim na hininga sabay upo ulit. "Hindi lang pala isa ang may sayad dito kundi dalawa",saad niya sabay inom ng tubig. To be honest ganito talaga ako, pero pinipili ko naman ang lugar at mga taong nakapaligid sa akin When I am acting like this. Artista ako at CEO kaya kailangan kong umasta na kagalang-galang sa mata ng mga tao. Sa totoo lang bibihira ko lang mailabas ang pagigi kong Kwela at OA kasi madaming tao ang nakamasid sa paligid ko bukod sa mga Camera na nakatutok sa akin. I know how to act expensive and elegant in front of many people. Doon nila ako kilala, hindi bilang Anasandra na nasa harapan ngayon ni Doctor Hayes Montemayor na mapapangasawa ko according to my Family. "Ouch.Ang sakit mo naman magsalita. You can go kung gusto mo ng umalis", mahina kong bigkas sa binata. "Taposin mo na yang pagkain mo at sasamahan pa kita sa labas para makapag grocery ka", hindi makatingin niyang wika sa akin. Umukit sa aking mga labi ang malawak na ngiti. "Talaga? Yeyey may kasama na tayo, Pempem. Mabait ka naman pala.Hindi ka lang pala mukhang masherep, may puso ka din. Thank you, Doc" Nasamid ito sa aking sinabi. "Bilisan mo na kasi baka magbago pa ang isip ko" "Akala ko ba ayaw mo akong mabilaokan? Kapag sunod-sunod ko itong sinubo ay baka matyugi ako. Remember, ayaw ko pang mamatay kasi hindi pa ako nakatikim ng ano------", napatigil ako at pilya siyang hinampas sa balikat. "Nevermind. Oppps, wala yon. I mean hindi pa ako nakatikim ng secret!!! ", parang tanga kong saad sa kanya. "Ang OA mo talaga. Hindi lang basta OA kundi sobrang OA. Hindi kana nakakatuwa. Hindi mo ikanaganda ang pagiging Baliw at shunga-shunga. Ewan ko ba kung bakit ako nakikipag-usap tayo. Nakakalimutan mo atang Artista ka at CEO ng malaking Cosmetic Company dito sa Pilipinas" "Ouch. Sobrang sakit mo talaga magsalita. Kung nakakamatay lang yan ay baka DeadBol na ako ngayon. HUHU", nag dadrama kong wika sa kanya. "Makaalis na nga. Akala ko ba ay titino kana? Mas lumala ka pa", naiinis niyang saad sa akin sabay tayo para umalis. Pipigilan ko pa sana si Doctor Hayes nang bigla kong marinig ang boses ng aking Pinsan na si Serena. "Hey, Anasandra!", sigaw ng aking pinsan. Pareho kaming napatingin ni Hayes sa dako kung saan nakangiting kumakaway si Serena. Napa sampal na lamang ako sa noo kasi hindi ko gustong kasama at kausap si Serena. Masyadong feelingera ang pinsan ko. Kung hindi ko lang siya kadugo ay matagal ko na siyang nakurot sa singit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD