CHAPTER 1. ANG ALAMAT AT ANG TINADHANA
Noong unang panahon, isang kwneto ng mga matatanda tungkol sa tatlong bituin kung tawagin ay orion's belt ang pinapaniwalaan ng marami. Bihira lamang silang magpakita. Sa tuwing magpapakita sila sa kalangitan, may dalawang pusong pagtatagpuin ng tadhana upang magsama habambuhay. Sa gabing iyon, kapag magkasama na ang dalawang pusong itinakda—parehong nasa edad na 19—kikislap nang napakaliwanag ang tatlong bituin bilang tanda ng kanilang walang hanggang ugnayan.
Siyam na taong gulang pa lamang si Tracy nang masaksihan niya mismo ang gabing babago sa kanyang murang isipan. Pista noon sa bayan ng Bangui—makukulay ang ilaw, masaya ang tugtugin, at nagtatawanan ang mga tao. Kasama ang kanyang mga pinsan, sumakay siya sa ferris wheel. Sa bawat ikot, umaalingawngaw ang kanilang halakhak, umaabot sa langit ang kanilang mga sigaw ng tuwa.
Pero sa bandang itaas, biglang huminto ang ferris wheel kasabay ng maingay na tunog ng mga bakal dahil sa pagkakaalog.
Ang saya ay agad napalitan ng sigaw ng pangamba. Umuga ang kanilang sinasakyang gondola, at bago pa man siya makakapit nang maayos, nadulas si Tracy. Naiwan siyang nakalambitin, kumakapit sa malamig na bakal, ang kanyang mga paa'y kumakampay baka sakaling makatongtong siya sa may bakal.
"Tulong!" nanginginig niyang sigaw, habang patuloy ang pag-iyak.
Nagkagulo ang mga tao sa ibaba, halos walang magawa. Sa gitna ng mga hiyawan at takot, may isang batang lalaki ang naglakas-loob. Pawisan, nanginginig, ngunit puno ng tapang, sinimulan niyang akyatin ang mga bakal at matarik na istruktura ng ferris wheel.
"Bata! kapit lang! Malapit na ako!" sigaw ng batang lalaki habang nagmamadaling inaakyat ang mga bakal ng ferris wheel. Sa pagmamadali, ang batang lalaki ay nadulas ang kaniyang mga paa at muntikan na rin makabitaw.
Dahil diyan tumama ang braso ng batang lalaki sa isang matulis na bakal. Unti-unting pumapatak ang kaniyang dugo mula sa kaniyang sugat sa braso. Pero detirminado pa rin na iligtas si Tracy at nagpatuloy na inakyat ang pinakamataas na bahagi kung saan nakalambitin si Tracy.
Ang mga tao ay humiyaw ng malakas, halos lahat ay bumilis ang t***k ng puso at nanginginig habang nakatingin sa taas at nagmamasid
Ng marating niya ang kinalalagyan ni Tracy, mabilis niyang inabot ang kanyang kamay, mahigpit, buo ang tiwala.
"Humawak kang mabuti sa kamay ko!" napakunot ang buong mukha ng batang lalaki at buong lakas na hinila si Tracy pataas ng may malakas na sigaw. "Yaahhhh!! ahhh!"
Sa wakas naiangat na rin si Tracy at ligtas na nakabalik sa kaniyang upuan.kapwa silang humihingal, nanginginig. Napapikit at napangiwi ng labi ang batang lalaki ng maramdaman niya ang sobrang sakit sa kanyang braso, habang si Tracy ay umiiyak na nakatingin sa duguang braso ng batang lalaki.
"Bata... okay na, ayos na... ligtas ka na," hingal at pilit na ngumiti ang batang lalaki.
"Maraming salamat..." nabasa ng luha ang kaniyang mukha at yinakap ang batang lalaki.
Naayos na ang ferris wheel at ang mga sakay ay isa isang ibinaba. Tinigil muna ang operasyon ng ferris wheel dahil sa nangyari.
Pagkababa, mabilis siyang dinala ng mga tao sa isang tent kung saan naroon ang first aid, hindi kalayuan mula sa ferris wheel.
Habang ginagamot ng mga nurse ang sugat ng bata, hindi maalis ang tingin ni Tracy sa kanya. Bawat dampi ng bulak at hapdi ng gamot ay tila sa kanya mismo sumasakit. Gusto niyang hawakan ang kamay nito, ngunit nanatili siyang nakaupo, pinagmamasdan, mga mata'y puno ng luha.
"Okay lang ako," nakangiti pa rin ang bata, kahit bakas ang kirot sa kanyang mukha.
Matapos mabenda ang kanyang sugat, lumabas silang dalawa at naupo sa isang sementong kahoy sa lilim ng punong akasya. Tahimik silang nagmasid sa langit.
"Maraming salamat sa'yo... kung hindi dahil sa'yo, baka kung ano na ang nangyari sa'kin," mangiyak-ngiyak na bulong ni Tracy.
"Walang anuman iyon," tugon ng bata, nakangiting para bang hindi siya nasaktan.
"Sana... magkita pa tayong muli," mahinang sabi ni Tracy, ang kaniyang mukha ay unti-unti ng nawawala ang takot.
"Promise, magkikita tayong muli, magtiwala ka lang." sagot ng batang lalaki.
"Paano? Ano'ng gagawin mo?" nagdududang tanong niya.
Hinawakan niya ang kamay ni Tracy at tumingala sa kalangitan ang batang lalaki. Itinuro niya ang tatlong bituin na kumikislap sa gitna ng dilim. "Kapag nakita mo ang tatlong bituin na 'yan, promise, magkikita tayong muli.. anuman ang mangyari."
Nagsimulang tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at kamabog ang kaniyang dibdib sa labis na tuwa.
Pumikit si Tracy, pinakinggan ang t***k ng puso, at nagdasal sa mga bituin. Nang tingnan siya ng batang lalaki, nakita niyang nakapikit siya. "Anong ginagawa mo?" nakakunot ang noo nito.
"Nagwi-wish ako... na sana tuparin mo ang iyong promise," mahinang sagot ni Tracy.
Ngumiti ang batang lalaki, pinagmamasdan siya. At nang imulat ni Tracy ang kanyang mga mata, nasaksihan niya ang sabay na pagkislap ng tatlong bituin. "Wow! Ang ganda!" parang mapupunit ang kanyang labi sa kanyang ngiti.
Bumungad sa kanya ang matatag at payapang ngiti ng batang nagligtas sa kanya habang pinagmamasdan din ang tatlong bituin—at sa gabing iyon, sa ilalim ng tatlong bituin, nagsimula ang isang pangakong tatak sa kanyang puso.
****
Ngayong 4th year college na siya sa kursong Cevil Engineering, ang eda ay 19, pangarap niyang makapag tapos at makapasa sa licensure exam at mag trabaho abroad upang maitagutod niya ang kaniyang pamilya mula sa kahirapan.
Siya ang panganay na anak sa dalawa niyang kapatid na si Cathy grade 11, nag aaral sa Bangui National School at ang bunso nilang si Chris, grade 4.
Magsasaka ang kaniyang mga magulang na si Mang Romeo at Aling Samantha, Minsan kapag wala silang pasok tumtulong siya sa gawaing bukid. At hindi rin niya nakalimutan ang noon na batang lalaki na nagligtas sa kanya. Gusto niya na sana dumating isang araw na magkitkita silang muli tulad ng pangakong binitawan sa ilalim ng tatlong bituin.
Sa paaralan, nakilala niya ang binatilyong si Julius, 19 taong gulang noong unang araw niya sa Bangui University. Galing siyang Manila at lumipat ng School sa Bangui University. Naktira siya ngayon sa kanyang Lolo at Lola sa isang Barangay malapit sa bayan.
Dahil unang araw niya sa school, may halong kaba at pag aasa ang kaniyang nararamdaman. Ngunit determindado siyang harapin ang mga bagong hamon sa probinsya. Kumalipas siya ng takbo dahil ilang minuto na lamang ay malelate na siya sa kauna-unahang klase niya sa probinsya.
****
Habang ang lahat ng mga studyante ay isa isang tinatawag para sa checking attendance, nagbubulong-bulongan sina Sarah kay Erick kung bakit wala pa hanggang ngayon ang kaniyang kaibigan na galing manila na lumipat sa kanilang school
"Hoy Erick, akala ko ba 'yong kaibigan mong galing Maynila, eh dito mag-aaral? Eh bakit hanggang ngayon wala pa rin siya?" tanong ni Sarah sa kanya. Ang kaniyang edad ay 19, may taas na 5'4 at mahaba ang buhok at maputi ang balat.
"Hay naku, huwag kayo mag-alala, nasa daan na 'yon. Makikilala niyo rin siya," sagot naman ni Erick saka niya tinaas ang kamay sa pagtawag sa kaniyang pangalan.
"Tracy Sanchez?" tawag ng kanilang propesor na si Mr. Gerald Garcia.
"Present po, Sir," sagot ni Tracy, umupo ng matuwid at mahinhin siyang ngumiti.
"Julius Romero? Julius Romero? Wala pa ba si Julius Romero?" tanong ng propesor. Nagtinginan at nagbulungan ang mga estudyante, " Yon ba yong galing Manila na lumipat dito? Late na siya ah?" bulong ng isang studyante.
Mga ilang sandali lamang, biglang bumungad sa kanila ang isang lalaking hinihingal at hinahabol ang kanyang paghinga. at muntikan pang napsubsob sa bilis ng kaniyang pagtakbo. Matangkad, maputi, guwapo, at parang may kaya sa buhay ang pamilyang pinanggalingan.
"Present po, Sir!" hinahabol ang kaniyang paghinga habang pinupunasan ang pawis sa noo.
Napatingin ang buong klase sa kanya.
"Mr. Romero, kaumpisa pa lang ng klase, late ka na agad," seryosong sabi ng propesor. "Minus fifty ka agad sa grade mo." Naghiyawan ang lahat sa loob ng classroom. Ngumiti at napakamot na lang ng batok si Julius.Hindi napigilan ang pagtakip sa bibig ni Tracy dahil sa natawa siya.
Ipinakilala ng kanilang propesor ang bagong lipat na si Julius na galing Maynila. "Okay, class, siya pala si Julius Romero, nag-transfer siya mula Maynila kaya maging mabuti at mabait kayo sa kanya ha?" saad ng propesor.
Magalang na bumati si Julius sa kanyang mga kaklase at sa kanyang bagong propesor. "Hello po sa inyo, magandang araw po sa inyong lahat. Ako po si Julius Romero. Nice to meet niyo rin po, Sir Garcia," magalang niyang bati.
Pagkatapos niyang ipakilala, lumapit ito kay Erick, na kanyang kaibigan tuwing nagbabakasyon siya sa bahay ng kanyang mga grandparents. May kanipisan ang kaniyang buhok, dahil mahilig itong magsuot ng sombrero kahit basa pa ang kanyang buhok, 5'7 ang tangkad at ang kaniyang balat ay kulay moreno. "Hoy, Julius, bakit ka naman kasi late ka, pre?" tanong ni Erick.
"Wala, eh, napasarap ang tulog, kaya late nagising," sagot ni Julius.
Pagkatapos ng maikling pag-uusap, umupo si Julius sa unahan malapit sa kinauupuan ni Tracy sa tabi ng bintana. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa siya ay makaupo.
Sumunod sa hangin ang pabango ni Julius nang siya ay napadaan sa harap niya. "Hmmm... ang bango naman, nice entry, ha," napapikit ang mata niya habang nilalanghap ang kaniyang pabangong naiwan sa hangin
Habang nagkaklase, hindi namamalayan ni Tracy na madalas ang pagtingin niya sa likod ni Julius. Pansin din niya ang kanyang katahimikan habang nakatingin sa malayo sa may bintana na parang may malalim na iniisip.
Marahil ay nag-a-adjust pa lang siya sa kanyang panibagong school at lugar. Ibang-iba naman kasi ang buhay sa Maynila kumpara dito sa probinsya.
Sa bawat pagtitig ni Tracy kay Julius, pansin ni Sarah na parang may kung anong spark sa kanyang mga mata ang unti-unting nabubuo. Lagi niyang nilalaro ang kanyang buhok at inaayos.
Habang nakatitig sa likod niya, biglang lumingon si Julius sa kanyang likuran at sakto namang napatingin ito kay Tracy at nginitian siya. Hinawakan ni Tracy ang kaniyang dibdib dahil sa kakaibang naramdaman niya sa ngiting nakita niya kay Julius. Bigla niyang inalis ang kaniyang pagkatitig kay Julius at kunwari ay tumitingin siya sa ibang sulok ng kanilang classroom.
"Hoowoohh!, kalma lang self, ngiti lang 'yon," bulong nito sa sarili habang ramdam niya ang t***k ng kaniyang puso. Inayos ang kanyang buhok at napayukong nakangiti na para bang kinikilig sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata.
Kahit sinong babae naman siguro talagang mapapakabog ang dibdib sa mahiwagang ngiti ni Julius. Bukod sa maputi ang balat at matangkad, ang kanyang mga mata ay singkit at talaga namang napakaguwapo pa nito. Ang kutis niya ay halata na parang mayaman ang kaniyang pamilya.
Pero hindi niya maalis sa isipan niya na parang nakita na niya si Julius at pamilyar sa kanya ang kaniyang ngiti.
****
Alas singko ng hapon, natapos ang kanilang klase, habang papalubog ang araw, napakagandang tignan ang kulay ng sunset, mamula mula na tila ba pinapaalala ang masasayang nangyari sa buong maghapon.
Magkasamang naglalakad palabas ng campus si Tracy at Sarah. Pansin ni Sarah ang maaliwalas na mukha ni Tracy kasabay ng maliwanag na kalangitan.
"Friend," sabik na sambit ni Sarah habang naglalakad, "aminin mo na, ang cool ni Julius, 'no?" nakangiting tanong nito.
"Cool ka diyan. Cool ba 'yong kaumpisa, eh late ka agad sa klase?" biro niya, bahagyang ngumiti at naaalala niya ang matamis niyang ngiti.
"Naku, aminin mo na, tumitingin-tingin ka rin sa kanya kanina," pang-aasar ni Sarah.
"Hmm, pero alam mo, pansin ko sa kanya, naka-ilang beses din siyang lingon sa'yo, eh," nakangiting saad ni Sarah.
Ngumiti lang si Tracy, pero nakakaramdam siya ng kabog sa dibdib kapag naalala niya ang mga ngiti na tumatama sa kanya.
***
Nauna nang umuwi si Sarah, samantalang si Tracy, nakagawian na niyang tumambay muna sa people's park sa bayan upang mag-relax. Maraming puno at halaman na may mga bulaklak, mayroon din dancing fountain, at higit sa lahat, malilim din dahil may mga punong nakapalibot dito.
Paborito niya na panoorin ang dancing fountain sa gabi, napakaganda ng mga ilaw na nakapalibot sa may park at nakakatanggal ng stress.
Pagdating ni Tracy sa people's park, umupo siya malapit sa puno ng akasya habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa may playground.
Mga ilang sandali ang lumipas sa di kalayuan mula sa kinaroroonan ni Tracy, magkasama naman na naglalakad si Julius at Erick at napagkukwentuhan nila si Sarah. Matagal ng nililigawan ni Erick si Sarah at umaasa na sana ay maging sila. Magdidilim na noon at unti-unti nang nakikita ang mga bituin sa kalangitan.
"Napakaganda niya talaga, pre, at ang bait niya. Matagal na akong nanliligaw sa kanya, sana sagutin na niya ako," masayang kuwento ni Erick.
"Ikaw, ah, kilala kita, tigilan mo na ang pagiging babaero," biro naman ni Julius.
"Nagbago na ako, pare. Para sa'kin, si Sarah lang ang gusto kong makasama."
Mga ilang sandali lang, nagpaalam na rin si Erick na maunang umuwi. Mag-isa na lang si Julius na naglalakad at nakita niya si Tracy sa hindi kalayuan mula sa kanyang kinaroroonan. Tahimik itong nakaupo, hawak ang cellphone, at tila walang kamalay-malay na may nakatitig na sa kanya. Inayos nito ang buhok at tinali ito pataas. Naaninag ni Julius ang makinis nitong leeg, at parang mayroon siyang kakaibang nararamdaman sa kanyang puso.
Nakita niya ang isang milk tea shop malapit sa park. Pumunta siya dito at bumili ng dalawa.
Pagbalik niya sa people's park, nagsimulang sumindi ang dancing fountain.
Kita niya sa mukha ni Tracy ang labis na tuwa habang pinapanood ang dancing fountain. Dinig ang tagatak ng tubig mula sa fountain na siyang nakakatulong para kay Tracy para ma-relax.
Mga ilang sandali, wala siyang kamalay-malay, bigla na lang siyang nagulat at may nag-aabot na sa kanya ng milk tea. Dahan-dahan niyang tinignan kung sino ang nag-aabot sa kanya. Pagtingin niya mula sa kanyang kinauupuan, si Julius pala. Biglang kumabog ulit ang kanyang dibdib lalo nang makita niyang nakangiti habang inaabot ang milk tea.
"Hi! Tracy, right?" nakangiting bati ni Julius habang inabot niya ang milk tea sa kanya.
"Oh, Mr. Late Arrival! Ikaw pala," sabay kuha sa milk tea ngunit nag-aalangan.
"Thanks," nahihiyang boses ni Tracy habang inaalog ang kanyang milk tea.
"Sorry, late ako kanina," nakangiting sambit ni Julius. "Ang sarap kasi matulog dito sa probinsya, walang ingay kaya 'di na ako nagising nang maaga," wika niya habang umupo sa tabi ni Tracy sabay higop sa kanyang milk tea.
"Wala ka bang alarm?" mahinhin na tanong ni Tracy habang nag-umpisang humigop na rin ng milk tea.
"Mayroon, kaso, pinatay ko ulit kaya, ayun, 'di na ulit nagising nang maaga," sagot niya sabay tawa nang malakas.
Habang tumatagal ang kanilang kuwentuhan, lalong napansin ni Julius ang makinis na kutis ni Tracy. At habang tinititigan ito nang pasimple, unti-unting nabibighani sa kagandahan niya. Maganda ang kanyang mga pilikmata, ang mga mata ay tila laging nangungusap kapag tinititigan, kulot ang buhok lampas sa balikat, at maputi.
Unti-unti na ring nawawala ang pagka-ilang ni Tracy sa kanya at nagiging kumportable. Habang nakamasid sa mukha ni Julius habang nakikipagkuwentuhan, muling sumagi sa kanyang isipan na talagang pamilyar siya sa kanya—ang mga kilos at kung paano siya magsalita.
Pakiramdam niya parang matagal na silang magkakilala, pero hindi siya sigurado kung saan at paano. "Hmmmm, parang nagkita na kami noon, pero hindi ako sure kung saan," bulong nito sa sarili.
Madilim na sa oras na ito, kita na sa kalangitan ang naggagandahang mga bituin na kumikislap. Pero mayroong tatlong bituin na natatangi sa lahat at espesyal na para bang pinagmamasdan niya ang mga tao sa ibabaw ng mundo. Ang bituin na halos magkakatabi at mas maliwanag sa iba pang mga bituin.
Napatingala si Tracy sa kalangitan, at nakita niya ang tatlong bituin. "Ang tagal ko nang hindi nakikita ang tatlong bituin na ito. Bata pa lang ako nang huling makita ko ito, pero bakit kaya ngayon lang nagpakita ulit?" nagtatakang tanong sa sarili.
Maya-maya, bigla niyang naalala ang isang batang lalaking nangako sa kanya na magkikita silang muli, pero hindi na niya maalala ang kanyang mukha at hindi alam ang pangalan. Napapikit ang kaniyang dalawang mata habang inaaalala niya ang batang nagligtas sa kanya na sana ay magkita na silang muli.
Mga ilang segundo nawala sa katauhan si Tracy. Nabigla siya nang alugin ni Julius ang balikat niya. Pinagmamasdan pala niya ito habang nakapikit. Halos magkadikit na ang kanilang mukha sa pagkakatitig ni Julius sa kanya habang siya ay nakapikit.
"Ay, bituin ka!" gulat na sambit ni Tracy. Biglang kumabog ulit ang kanyang dibdib napaurong ng kaunti ang mukha ng makita niyang halos magpalitan na sila ng mukh ni Julius.
Matamis na ngiti ulit ang nakita niya sa guwapong si Julius.
"Ikaw, ha, baka pinagnanasaan mo ako niyan kaya ka nakapikit, ha?" biro ni Julius habang nakangiti at nakatingin sa kanya.
"Hoy, hindi, ah! Ang kapal mo naman!" natatawang biro ni Tracy. "Uwi na ako pala, baka hinahanap na ako sa amin," masayang paalam ni Tracy. Tumayo na siya bitbit ang kanyang mga gamit.
Bago siya humakbang, hinawakan sandali ni Julius ang mga kamay niya. Natigilan si Tracy, nakatingin sa kamay niya na hawak ni Julius. Nagsimulang makaramdam ng kilig si Tracy. Nang matauhan, kaagad niyang binitawan ang kamay ni Julius. Matamis na ngiti naman ang nakita niya ulit kay Julius.
"Thanks, Tracy. Friends?" inabot ulit ni Julius ang kanyang kamay.
Napansin niya ang isang malaking peklat malapit sa kanyang braso. Saka niya inabot din ang kanyang kamay at nag-shake hands sila.
"Friends!" sagot ni Tracy kay Julius habang ito ay nakangiti.
"Thanks sa milk tea, ha?" Naglakad na palayo si Tracy sabay kaway nito kay Julius.
Habang papalayo si Tracy, naisip niya kung ano na kaya ang hitsura ng batang lalaki na ngayon. "Siguro, napakaguwapo na niya ngayon," bulong nito sa sarili habang nakangiting naglalakad.
Mga ilang sandali lang, hindi sinasadya na may nabangga siyang binata. Tinamaan ang kaniyang balikat at napaupo sa damuhan.
"Aray!" napakunot ang kaniyang noo at kilay habang pilit na tumatayo.
"I'm sorry, miss!" inunat niya ang kaniyang kamay at iniabot kay Tracy.
Napatingin si Tracy sa kamay ng binata at napansin niya ang isang pilat sa kanyang braso. Saka niya inabot ang kamay at hinila ng binata para makatayo. Pinagpag ni Tracy ang kaniyang uniform na palda.
"Okay ka lang?" tanong ng binata sa kanya. Nakasuot ng puting sando at jogging pants, katamtaman ang kanyang tangkad na 5'9 at may kalakihan ng muscle halatadong nag bubuhat ng mga mabibigat na bagay. Kulot ang buhok at ang mga mata niya medyo bilugan. Sa tainga niya ay mayroong dalawang bluetooth speaker.
"Ah, okay lang, sorry, ha?" Medyo masungit na sabi.
"Tracy?!" ikaw ba yan? hindi makapaniwala ang binata.
"Ako si Bryan,! hindi mo na ba naaalala?
"Huh?" lalong kumunot ang mukha ni Tracy. "Paano mo ako kilala?"
"Hindi mo na ba ako natatandaan?" masiglang tanong muli ng binata.
Bago pa man makasagot ulit si Tracy, nag-ring ang kaniyang cellphone, at tumatawag na ang kaniyang ama na si Mang Romeo para sabihin na nasa paligid na siya ng plaza.
"I'm sorry, kailangan ko nang umalis," naglakad na palayo si Tracy.
Habang naglalakad, muli siyang napatingin sa taas. Nasaksihan niya ang muling pagkislap ng tatlong bituin na una niyang makita noong gabi na kasama niya ang batang nangako sa kanya. Wala pang kamalay-malay si Tracy na hindi lang basta ordinaryong mga bituin at pagkislap nito ang kaniyang nakita.
"Sa tuwing nakikita ko ang tatlong bituin na, naaalala kita, kumusta ka na kaya?" bulong nito sa sarili
"Darating ka nga ba talaga?" patuloy na tanong sa sarili. Wala siyang kamalay-malay na sa gabing ito at sa pagkislap ng tatlong bituin, nakita na niya ang batang nagligtas sa kanya nang hindi niya alam.
Bigla siyang napahinto sa paglalakad, tumingin sa likuran niya kung saan nagtungo si Bryan na nakilala lang niya ngayon. Napakagat sa daliri niya,
HIndi kaya si Bryan ang batang iyon na nagligtas sa akin at nangako na magkikita kaming muli?