TRIXIE’s POV Patulak kong binitawan ang kuwelyo niya nang nasa labas na kami ng cafeteria. Dinala ko siya sa bandang likod para walang saksi sa krimeng gagawin ko sa walangyang lalaking ito. “What was that for?!” salubong ang kilay na tanong niya sa akin. The nerve, nagtanong pa siya! Hindi na talaga ako nakapagpigil pa at itinaas ko na ang kamao ko para patamaan siya sa panga. And he didn't see that coming. Napaatras siya nang dumikit ang kamao ko sa mukha niya. “Nagtanong ka pa talagang tarantado ka! Ako ang dapat magtanong sa’yo! Bakit mo ako ginawang tanga sa kahihintay kahapon?! Halos apat na oras akong nakatayo sa may parking area, nalampasan pa ako ng gutom sa kahihintay sa’yo at ni hindi ka man lang nag-reply kung saang impyerno ka galing! Tapos ngayon, makikita kitang nakikipa

