HARRY’s POV Damn it! Nung sinabi niyang manliligaw ako, akala ko naman simpleng panliligaw lang ang ine-expect niya sa akin like pagbibigay ng bulaklak, pakikipag-date sa kanya, gawin ang anumang iutos niya at manilbihan sa kanya gaya ng pagluluto ng pagkain niya, paghatid-sundo sa kanya, pagsho-shopping ng mga damit niya. Willing pa nga akong paliguan siya kung iuutos niya. Hindi ko naman akalaing sa panliligaw na gagawin ko, andami niyang ipagbabawal like: bawal tumabi sa pagtulog sa kanya, bawal sumabay sa pagligo niya, bawal ang PDA, bawal ang humawak sa kanya, at pinakanakakainis, bawal ang yakap, kiss, at s*x. Wala naman akong pagpipilian kundi um-oo dahil nanliligaw nga ako, ‘di ba! Kahit na puro kantiyaw ang inaabot ko kina Apollo at Vince, patay malisya na lang ako. Pero ano ba

