HARRY’s POV “Dude.” Hinahabol ako ng tatlo habang mabilis ang mga hakbang ko papalayo sa gym. Lumilipad ang isip ko. Namamanhid ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay may bomba sa ulo ko na anytime ay pwedeng sumabog. At hindi ako makahinga nang maayos dahil pakiramdam ko ay nasuntok nang napakalakas ang dibdib ko. Ni hindi ko na alam kung saang parte na ako ng SBU nakarating. Kung ‘di ko pa narinig ang tawag ng isa sa tatlo kong kasama, hindi ko pa mamamalayan na nalampasan ko na ang kotse ko rito sa parking area. Napahawak ako sa hood ng kotse at napahinga nang sunud-sunod. At sa isang kisapmata, pinagsisisipa ko na ang gulong ng sasakyan. Hindi ako tumigil hanggang hindi ako napapagod. Nang makaramdam ako ng p*******t ng paa ay ‘yung pagsuntok naman sa bintana ng kotse ang inatupag

