HARRY’s POV I was just in our garden as I watched her walk her way out of the house. Buti na lang at maagang pumunta sa palengke sina Mommy at Daddy kundi mahabang paliwanagan pa ang mangyayari at baka pigilan pa nila si Trixie sa pag-alis niya. Kung hindi na siya masaya sa akin, handa naman akong palayain siya. Ganoon ko siya kamahal. Natutunan ko na minsan hindi ang paglaban ang pagpapatunay ng pagmamahal. Dapat alam din natin kung kailan susuko para hindi na mahirapan pa ang taong minamahal natin nang lubos. Pinanuod ko siyang dahan-dahang naglalakad. Oo nga at sinabi ko sa kanya kanina na ayoko siyang makitang umalis pero hindi ko talaga siya matiis. Kaya eto ako ngayon. Parang magnanakaw na nagtatago para lang makita siya sa huling pagkakataon. Palihim ko siyang sinundan habang na

