Chapter 4

1075 Words
HARRY’s POV Sabado ngunit imbes na mag-relax ako kasama ng 5 Kings ay eto ako ngayon at nag-iimbestiga tungkol sa payatot kong PE instructor. Nakapagtataka lang dahil pangalan niya lang ang sinabi niya noon. Wala ni isang background tungkol sa kanya o taga-saan siya ang nabanggit niya. I even tried bribing the president's secretary but wala din daw record ang babaeng iyon sa office which is napakapagtataka. Ano 'yun susulpot na lang siya doon sa SBU na parang kabute? I was busy on my laptop trying to look for anything about her when I heard someone coming. “Ay, puta!” gulat kong bulaslas. “Uy, ano 'yan?” It was Apollo. I immediately closed the laptop. Don't get me wrong. 5 Kings are my best friends but I don't want them to know what I am doing right now. Dahil kung may kalokohan man kaming gagawin ay hindi maiiwasang malaman 'yun ni Raine. We promised her na wala na kaming sasaktan o guguluhing tao based on our personal desire and satisfaction. Ayokong ma-disappoint siya sa akin. “Dude, ngayon ka pa talaga nahiyang manuod ng p**n sa harap ko,” natatawang kantyaw ni Apollo. “Gago! Why don't you just go home and f**k your maid?” asar kong sagot sa kanya. Nagulat ako nang galit niya akong niyugyog habang hawak sa kuwelyo. “Don't you dare talk about her as if she's a f*****g slut,” nag-aalab ang mga matang sabi nito sa akin. Agad naman akong nakadama ng guilt. “Sorry, Pol,” I sincerely apoligized. Damn it. What is happening to me? Pati mga kaibigan ko napagbubuntunan ko na ng init ng ulo. Padabog naman niya akong binitawan. “Next time I hear you talk ill about her, I will make sure you will lose your front teeth,” pikon nitong tugon sa akin. “Sorry na, dude. Medyo napipikon lang talaga ako kay payatot these days.” Padausdos akong naupo sa tabi niya habang sapo ang ulo ko. “‘Wag mo na lang kasing pikunin. Hina-harrass mo kasi. Kapag ginantihan ka, ikaw din naman ang napapahiya.” Iiling-iling nitong tinapik ang balikat ko. Mukhang nakalimutan na ang galit sa akin. “Nakakaasar kasi ang angas, eh.” Kumuyom ang kamao ko. Muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kahapon sa gym. Hinamon ko kasi siya ng basketball dahil alam kong doon ko lang siya matatalo. Sinong mag-aakalang sa liit at payat niyang 'yun ay napakabilis niya palang tumakbo and worse three pointer pa siya? Ang isa pang nakapikon nang todo sa akin ay nang gamitan niya ako ng mga karate moves sa offense at defense ng laro niya. Pahiyang-pahiya na ako sa buong klase, nananakit pa ang buong katawan ko sa mga siko, suntok at sipa niya kaya sobra as in sobrang-sobra na akong pikon sa kanya. At siguradong marami akong pasa sa buong katawan ko dahil sa kanya. “Hahaha. Dude, tanggapin mo na lang na talo ka niya.” Lintek! Pati sa mga kaibigan ko naging kahiya-hiya na ako. “No way, dude. Titigil lang ako kapag siya naman ang napahiya ko hindi lang sa buong klase kundi sa buong SBU,” puno ng determinasyon kong sabi. “Dude, that's not a good idea. Kapag nalaman iyan ng 5 Kings at ni Raine...” “Hindi malalaman kung ‘di mo sasabihin,” putol ko sa pananakot niya. “Kapag napahamak 'yun, sino sa tingin mo ang unang pagsusutpetsahan?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Really, Apollo do you really need to raise your brow, dude? Nakakabakla, ha? Syempre sa isip ko lang 'yan. Haha. Baka mapikon ulit eh, mahirap na. Madugo pa namang manuntok 'tong fafa na ito. Hahaha. “Tell me how would they know kung wala namang magiging witness at ebidensiya na may ginawa ako kung sakali sa kanya? Minamaliit mo na ba ang kakayahan at impluwensiya ko sa SBU, dude? Trust me, hindi madadamay ang pangalan n'yo o pangalan ko sa gagawin ko sa kanya.” I gave him my most devilish smile. “Ano ba talaga ang plano mo, dude?” ‘Di na rin niya maitago ang sobrang curiosity sa tinig niya kaya lihim akong napangiti. “Tell me, how did Seigfried overpower Brunhild in the Norse myth, Nibelungenleid?” Nagdikit ang dalawang kilay niya sa sinabi ko. “Palalambutin ko lang naman siya by taking her weakness and pride without her knowing it, dude!” Humalaklak ako na parang sinasapian. Sa wakas, I got a perfect plan for that payatot! “Bahala ka na. Sounds interesting naman. I'm excited to know what you would do to tame her. Pasalamat ka, I got interested.” Ngumingiti na siya ngayon sa akin. “Wish me luck, dude.” Nakipag-high five ako sa kanya. “Hope your plans won't backfire, dude.” “I'm Harry Griffith, dude. I will give her a hell of an experience to tame her. Mark my words, Apollo de Blanch. And this would be our biggest secret.” Ngumiwi siya sa akin. “Whatever you say, dude. Whatever you say.” After a week... Busy ako sa pagnguya ng kinakain kong pizza kasama ang 5 Kings dito sa Don Henricos nang mapansin kong kanina pa sila pasulyap-sulyap sa akin at pagkatapos ay magsisikuhan. Well, I know what's on their mind but I don't care. Alam kong kanina pa sila naku-curious sa mga binibigay kong ngiti. Ngiting punung-puno ng kapilyuhan at tagumpay. “Ano ba ang nangyayari sa hinayupak na iyan?” Narinig ko pang bulong ni Raine kay Tj. Lihim akong napatawa. Ganyan bumulong si Raine. Kulang na lang ay marinig ng lahat ng kumakain sa pizza parlor na iyon ang bulong niya. May patakip-takip pa siya sa bunganga niya. Hahaha. But still, I don't care. I can already forsee my plans. Napabaling ako sa cp ko nang bigla itong tumunog. Nagpa-excuse ako sa lahat at pumunta sa lugar kung saan walang makakarinig sa gagawin kong pakikipag-usap. I even heard Raine whining as to why do I still need to go out to answer my call. Hindi ko na siya pinansin. Mahirap na ang mabuking. “What?!” puno ng excitement kong sinagot ang tawag. “Sir Harry, handa na po ‘yung bodega.” Isa sa mga taong ginagamit ko para sa mga plano ko ang tumawag. “‘Yung mga tali at iba pang gamit?” “Handa na po lahat, Sir.” “Na-install ba nang maayos ‘yung mga camera?” “Pulidong-pulido po, sir.” “Very good! Now let's move on to our next plan. Let's do it tonight.” Excited na talaga ako. “Sige po.” Pinatay ko na ang tawag. See you soon, Madam Payatot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD