TRIXIE’s POV
Kanina pa ako nangingiti-ngiti habang naglilinis sa apartment na tinutuluyan ko. Naalala ko na naman siya. No. It is not William I am talking about but that boy in my PE class.
Well, I should give him a cre’
dit. Dahil sa kanya, I started getting excited in attending my class. Tuwing papasok ako sa klase, ‘di ko mapigilang i-anticipate kung anu-ano na namang kabulastugan ang gagawin niya para 'ipahiya' kuno ako but ang ending lagi namang siya ang napapahiya. Napapahagikgik nga ako tuwing nai-imagine ko ‘yung mukha niyang lugung-lugo.
'Yun nga lang, this past week has been different. Hindi siya nagpapapansin or nagyayabang. He was just there - studying me. For the fact that I am a detective, alam kong kakaiba siyang tumingin ngayon. Sabagay, dati pa naman ay kakaiba na siyang tumingin. Mas naging intense nga lamang ngayon dahil para siyang may binabalak na gawin. Lagi ko ngang inaabangan kung ano ang gagawin niya pero wala namang kalokohan siyang ginawa. Isa pa, kung may kalokohan man siyang gagawin ay kayang-kaya ko naman siyang sabayan o higitan.
Naupo ako sa single sofa sa harap ko. Sobrang linis na ng paligid. Pwede nang manalamin sa sahig. Bukod sa pagpasok sa SBU ay ang paglilinis na ang naging outlet ko. Hindi ko pa rin maiwasang mapaluha tuwing naaalala ko si William. Andoon pa rin ‘yung kirot sa ‘dib’dib ko tuwing naaalala ko na ako ang dahilan ng pagkamatay niya dahil ako ang pumatay sa kanya.
Tuluyan nang nagbago ang mood ko dahil naalala ko na naman ang mga nangyari nine months ago. Sino nga ba ang makalilimot? Dahil sa pangyayaring iyon tuluyan nang nawala ang huling taong nagmamahal sa akin. Namatay ang kahuli-hulihang minahal ko. Siguro nga hindi talaga ako mahal ng Diyos. I closed my eyes to stop my self from crying. Nakakapagod maglinis ngunit mas nakakapagod alalahanin ang nakaraang hindi na kailanman mababago pa. I need to go out. Tuwing naaalala ko kasi ang mga nangyari ay binabangungot ako.
Tumingin ako sa wall clock. Alas nuebe na ng gabi. Naubos na ‘yung stock kong beer so kailangan kong pumunta sa isang bar at umubos ng limang bote red horse kung gusto kong makatulog nang mahimbing ngayong gabi.
Tippi Bar
Patingin-tingin ako sa paligid habang umaakyat sa hagdan ng bar. As expected, maraming mga estudyante mula sa iba't ibang kolehiyo rito sa Baguio ngayon dahil Friday. It is the day of the week para mag-relieve ng stress mula sa isang linggong pagsusunog ng kilay.
Marami akong nakasalubong na grupo ng estudyante. ‘Yung iba halatang mga pasosyal. They go with Baguio's night life. Napailing na lang ako. Karamihan sa mga nag-aaral sa lungsod ay sunod-sunuran ang buhay sa buhay-Baguio. Minsan pa nga, nakakalimutan na ang mga paghihirap ng mga magulang para mapag-aral sila sa magandang kolehiyo makasunod lang sa lifestyle ng mga kaklaseng sosyal. Well, nasa huli ang pagsisisi lalo na kung ang gradong ipapakita sa mga magulang ay mga nag-uunahang palakol o singko.
Iginala ko ang paningin sa loob ng bar nang tuluyan na akong makapasok. Puno ang mga table at mas lalong puno ang dance floor. May mga grupong tumitig at ngumiti sa akin ngunit dinedma ko na lang. I even heard one uttured 'Si Maam.' Oh, well. ‘Di sila ang ipinunta ko dito. Dumiretso ako sa bar and ordered a bottle of ice cold red horse. I saw the girl at my side smirk as she heard what I ordered most probably because she was having a tequilla sunrise. Tumingin ako sa kanya at napangisi rin. Wow, kung maka-dress naman ito parang mainit sa Baguio. Tinaasan niya ako ng kilay while ako naman ay napailing na lang. Sorry na lang siya, I'm way over being a b***h. Mula nang mamatay ang kakambal ko ng dahil na naman sa akin ay sinikap ko ng maging mabait at kalimutan ang pagiging bitchy ko though in some instances lumalabas talaga 'yun lalo na kung talagang ‘di ko na makontrol ang pagiging war freak ko. With those thoughts from my past ay mabilisan kong tinungga ang beer sa harap ko. Ang hirap talagang kalimutan ang mga masasamang alaala.
“Dahan-dahan, Ma'am. Baka hindi mo magamit ‘yung mga itinuturo mong karate moves kapag nalasing ka agad.”
Ibinaba ko ang boteng nasa bibig ko nang marinig ko ang tinig na 'yun. I looked at the person who said those words and I saw Griffith, my freaking, annoying and most of the time amusing student. But he was not looking at me. His eyes were busy roaming the body of the b***h beside me. So that's the purpose of wearing a dress on this chilly Baguio night.
“Hi, honey. Wanna have another glass of that tequilla sunrise?” I rolled my eyes at him. Hey, did I mention that he is sometimes a perv, too?
The girl smiled at him with an invitation. Hay, bakit ba ako napapaligiran ng mga manyak? I once again rolled my eyes as I lifted the bottle for another gulp.
“Ma’am, bakit naman beer ang in-order mo? You want to taste tequilla sunrise, too? Or perhaps a glass of margarita?” His voice was inviting but his eyes said otherwise. What a jerk!
I playfully smiled at him. He wanted to bring 'our competition' in this bar? Then so be it.
“Naah, okay na ako eito sa beer. Hindi naman ako pumunta rito para magpasosyal at kailangan pang uminom ng pangmayamang alak na wala namang tama. Well, if you worry so much sa mga gustong inuming alak ng mga tao rito sa bar, then why don't you give them a free drink of your choice. I heard sobrang yabang este yaman mo raw.” I then flashed my sweetest smile at him but there was a challenge in my eyes exactly how he did to me awhile ago. Napatulala siya sa akin. Was it because of my dare? Or because of my smile? Napailing na lang ako sa aking sarili at muling sumenyas sa bartender para sa isa pang bote ng beer.
“Hanggang dito sa bar, Ma'am china-challenge mo ako? Sige, if you can beat me in drinking up to 10 shots of tequilla then I will do what you just said. But if you lose then you will do some ‘dirty dancing with me on that stage.” I looked at the stage he was talking about and I saw a lot of couples making out. I shrugged my shoulders at him.
“I will accept that challenge if you will satisfy my curiousity. Why are you always up to a challenge with me?” Ano ba talaga ang gusto nitong patunayan?
“Because... I have never won any game against you and you are the challenge I cannot lose.”