Regina POV
Alas singko pa lang kinabukasan ay gising na siya. Agad na siyang nagluto ng agahan nila ni Thea. Inihanda na rin niya ang baon ng anak at pampalit na damit saka ang milk bottles nito. Just in case matagalan siyang makauwi.
Plano niyang iwan ang anak kina Aling Goring si Thea. Mabait at mapagkakatiwalaan naman ito sa pagbabantay sa kanyang anak. Madalas na rin niyang naiiwan si Thea rito kung may delivery at mamimili siya sa bayan.
Binibigyan niya na lang ang matanda ng pasalubong tulad ng native na kakanin sa bayan o hindi kaya ay paborito nitong cheese bread sa paborito nitong bakeshop. Minsan nga sinasaway na siya nito na huwag ng mag-abala pang bilhan ito ng ano- anong pang bagay.
Natutuwa at naaaliw naman din daw ito kapag iniiwan niya si Thea rito. Bibong bata kasi ang anak niya at palakuwento at responsable na sa sarili kahit maglilimang taong gulang pa lang. Hindi rin iyakin at sumpungin kaya't hindi na masyadong alagain pa.
Pasado alas sais na ng matapos siya sa paglilinis ng kanyang munting tahanan at nakapagluto na rin siya. Naayos niya na rin ang susuotin niyang damit at kay Thea. Nauna nanmuna siyang naligo at pagkatapos ay nagbihis na rin siya kaagad.
Nang matapos niyang ayusin ang sarili ay saka niya pa lang ginising si Thea upang paliguan ito. Wala namang angal ang anak at sumunod na ito sa banyo. Maayos ang gising nito at pangitingiti pa.
"My--- na, yehey, kita ko naman uli Tyrone, play naman kami ulit!," bibong turan nito pagkatapos nitong makapagsipilyo ng ngipin.
"Oo nga baby pero baka hindi pa sila nakakauwi galing sa bakasyon ng pamilya nila, tingnan na lang natin pagkahatid ko sa iyo kay Lola Goring mo," anya sa anak.
Tapos na silang makagayak mag-ina pasado alas siyete ng umaga. Plano niyang mas maagang makaalis sa bahay nila upang hindi na siya maabutan ni Rogelio. Chat niya kasi kagabi kay Rogelio na alas otso na siya nito susunduin.
Ayon pa rito ipagmamaneho siya nito papuntang bayan bago pa magreport sa W&H para maglog-in at sasamahan daw siya nito sa pamimili.
Nagtataka man siya sa paano nito nagagawang magkaroon pa ng oras upang ihatid siya gayong on duty ito upang maghatid ng mga parcels ng mga customers ay isinawalang bahala na lamang niya. Baka maluwag lang talaga ang kumpanya sa mga trabahante nito.
Papalabas na sila ng gate ng may bumusina at humintong motorsiklo sa tapat nila mismo ng kanyang anak. Nagulantang siyang nasumpungan ang imahe ng isang rider na full- gear mula ulo hanggang paa ngunit may angkas ito na sa hula niya ay isang babae dahil nakalilis pa ang mahabang buhok sa suot nitong helmet.
"Good morning, Ina!," baritonong boses ng rider na hindi niya pa nakilala noong una kung hindi pa ito nag- alis ng suot na mask at evo helmet nito.
"Rogelio?! Bakit ang aga mo yata? At sino itong kasama mo?," sunod- sunod niyang tanong ng bumaba ang angkas nito at nagtanggal ng suot na helmet.
"Siya na ba ang sinasabi mong girlfriend mo pamangkin ko?," matiim na tingin sa kanya ng babae na hula niya ay nasa kuwartena anyos mahigit na ang edad.
Nagulantang siya sa sinabi nitong girlfriend di umano siya ni Rogelio. Ang kumag ni hindi pa nga iya nito nililigawan ay nag-aangkin na agad. Palibhasa'y walang nagganap na ligawan sa kanilang dalawa kung hindi ay umabanse na ito ng galawang touch touch at kiss kiss sa kanya.
"Opo, tiyang, siya na po walang iba!," tugon naman ng walang- hiyang kumag na tila nagmamalaki pa.
"Aba'y kay gandang dilag at ito na ba si Thea, manang- mana sa ina, napakaganda rin," bulalas na papuri pa ng tiyahin ni Rogelio kaya't medyo naconscious siya sa kanyang sarili.
"Sweety, magmano ka kay tiyang Myrna!," kung makautos si Rogelio para talagang super close na sila dahil pagkababa nito sa motorsiklo ay agad siyang inakbayan at hinalikan sa kanyang pisngi na pagkuwa'y lumapat ng bahagya ang labi nito sa dulo rin ng kanyang labi.
"Tito Lio, is that my grandma?..hehe... nice to meet you granny,.. bless po ako!!," biglang umeksena naman ang kanyang anak na agad dinaluhan ang tiyang Myrna ni Rogelio.
"Kawaan ka ng Diyos apo!," matapos magmano si Thea sa matanda ay napasunod na rin siya.
Bahagya pa siyang napatras ng yakapin siya ng matanda ng napakahigpit at tinapik- tapik ang kanyang balikat kaya't imbes na umiwas ay bahagya na rin siyang nakiuyon. Humiwalay rin kaagad ang matanda sa kanya at humarap kay Rogelio na ngayon ay masayang nakatunghay sa malapitan sa kanila.
"Gusto ko siya sa iyo pamangkin, bagay na bagay talaga kyo... kailan ba ang kasal ninyo ng makatikim naman ako ng lechon!," biglang nagpantig ang taenga niya sa pinagsasabi nito, kanina girlfriend ngayon ay kasal na naman.
"Eh, hehe.. hin--di pa po..ah, oo... hindi pa namin napag- uusapan... hindi naman kasi ka--mi mag---," naputol ang sasabihin niya nang maagap na sumabat si Rogelio at hinila siya palapit rito at may binulong sa kanya.
"Sakyan mo na lang si tiyang Myrna, may taning na kasi ang buhay niya," mahina at halos tagos ang hininga ni Rogelio sa kanyang taenga.
"Ahhhh...hmmnn," patango- tango niya pa.
"Hala humayo na kayo Rogelio at tanghali na, mainit na sa balat ang sikat ng araw," sabi pa ng matanda.
"Ina, siyanga pala si tiya muna ang magbabantay kay Thea habang wala tayo, huwag kang mag-alala magaling si tiya sa pag-aalaga ng bata," wika pa ni Rogelio na kinabig nito ang mukha niya upang magharap sila sabay kindat sa kanya.
Kanina pa ito nakakarami sa kanya. Kung hindi lang ito ubod ng gwapo at sobrang bango sa wet look nito na mamasa- masa pa ang buhok ay kanina niya pa ito pinanghahampas ng hawak niyang payong sa kabilang kamay.
Bukod kasi sa nahihiya siyang magpakita ng kagaspangan ng pag-uugali sa matanda ay may konting pagtangi na siya kay Rogelio. Hindi niya man maamin sa sarili ng deretsa na sa ikli ng panahon ng pagkakilala at liit ng impormasyon na mayroon siya sa katauhan ni Rogelio ay tila kilalang- kilala ng puso niya ang binata.
"O, hija, ako na bahala rito kay Thea, sige na umalis na kayo... dong, Rogelio, doble ingat sa pagmamaneho," turan pa ng tiyahin ni Rogelio na inakay na si Thea pabalik sa loob ng kanyang munting tahanan.
Imbes susunod siya sa matanda papasok sa loob ng bahay ay mabilis na siyang inakay ni Rogelio pasakay ng motorsiklo, "Hayaan muna si tiyang Myrna, alam niya na ang ginagawa niya, malalaki na ang mga anak niyan, sanay na sanay na iyan sa pagbabantay ng bata."
"Pero...hin---di ko pa si---ya lubos na ki--lala, pa-pa---ano kong may masamang gawin siya kay Thea!," anya kay Rogelio na hindi kumbinsido sa sinasabi nito patungkol sa tiyahin nito.
"Hey... hey... Ina, sweety, huwag ka na mag-isip pa ng kung ano- ano dapat nga magpasalamat ka dahil dinala ko rito si tiyang Myrna para may mag- alaga kay Thea, don't you trust me?," saad pa nito.
"Paano kita pagkakatiwalaan para kang kabute na bigla- bigla na lang sumulpot sa buhay naming mag- ina, at kung makaasta akala mo ay matagal na tayong magkakilala...eh, napakarami pang mga bagay- bagay na hindi ko alam tungkol sa iyo!," reklamo niya.
Hinarap siya ni Rogelio at kinabig nito ang kanyang baba at matiim na nakipagtitigan sa kanya, "Then, let's get to know more deeply, sweety, come with me!."
Matagal at nakakapaso ang mga pinupukol na mga titig sa kanya ni Rogelio na umabot din ng ilang segundo. Akala niya ay hahalikan siya nito dahil malapit na malapit ang labi nito sa kanya na amoy na amoy niya ang minty and fresh breath nito pero hopia siya.
Bumaba ang titig nito sa kanyang labi pababa sa kanyang leeg at tumigil sa kanyang dibdib at bigla itong napangiti ng nakakaloka at bahagyang hinaplos ang cleavage niya dahil sa bakat na v-neck shirt na gray na suot niya, "What a nice boobies, akin lang iyan!
Mabuti na lang ay tumalikod na ito sa kanya at mabilis na nakasampa na sa kanyang motorsiklo kung hindi ay kitang -kita nito ang pamumula ng kanyang pisngi. Agad niyang kinuha sa loob ng kanyang sling bag ang panyo upang kunwaring pinupunasan niya ang kanyang pisngi sa pawis pero ang totoo ay para hindi siya malagay sa kahihiyan.
"Isuot mo muna ito Ina, malayo- layo rin ang bibiyahin natin, mabuti ng naninigurago," inabutan siya nito ng hoody black jacket at pang- babae na helmet na color pink.
Sinunod niya naman ang sinabi nito pero nagpumilit itong tumulong sa pagsusuot niya ng jacket at helmet, "There sweety, you are good to go na, sakay na!."
ROGELIO POV
"Huwag mo diyan ilagay ang mga kamay mo, Ina,... here, dito," siya na mismo ang puwesto ng dalawang kamay ni Regina payakap sa kanyang mamasel na tiyan nang sa likod ng motorsiklo ito kumapit.
"Higpitan mo pa, sweety, malalaglag ka, sige ka!," banta niya pahaharorot niyang pinatakbo ang motorsiklo upang takutin ito.
Wala na ngang naggawa si Regina kaya't napayakap na ito ng mahigpit sa kanya. Epektibo rin ang naging estratehiya niya kaya't napapasipol na lang siya sa sobrang tuwa na maiangkas na naman muli si Regina sa motorsiklo niya.
What is the use of his billions kung hindi niya magagamit upang maipanalo niya ang nag-uumapaw niyang pagkahumaling sa isang hot mommy na si Regina. Paraparaan lang iyan ikanga ng mga boys na kainuman niya noong nakaraang isang gabi.
Naisip niyang hindi niya talaga masosolo si Regina kung nariyan si Thea. Ilang beses na siyang nabitin at nag- touch myself na lang upang mairaos ang kanyang matinding pagnanasa kay Regina.
Siyempre may pakialam naman siya kay Thea kaya nga naghire siya ng yaya upang maenjoy nila nila ang isang mahaba- habang joy ride na sila lamang dalawa. Iba pa rin kasi kung nasa sa sariling bahay lang nila si Thea at may tumitingin lang dito.
Buti na lang ay inirekomenda ni Lyndon ang tiyahin nito noong isang araw ng magawi ito sa tanggapan ng W&H upang magpadala ng parcel sa kamag-anak nito sa probinsiya.
Tamang- tama naman ng makausap ito ni Lyndon ay sinabi nitong naghahanap ito ng trabaho dahil nabuburo na raw ito sa bahay. Malalaki na kasi ang mga anak nito at may sarili ng mga pamilya. Ang mister naman nito ay matagal ng pumanaw.
Nang marinig niya ang usupan ng dalawa ay hindi na siya nagpatumpik- tumpik pa at nagpakilala at inalok niya na ito agad ng trabaho bilang yaya ni Thea. Hindi naman siya nahirapang kumbinsihin ito dahil nang sinabi niyang sampung libong piso ang pasweldo niya sa isang araw ay agad na itong suman- ayon at napa-oo.
Siyempre hindi niya pinaglagpas na paimbestigahan muna sa kanyang private agent ang background ni Myrna. Iba pa rin ang naniniguro. Gusto niya lang na walang magiging problema kung saka- sakali. Malinis ang record ng personal bacground ng tiyahin ni Lyndon kaya't pumasa ito sa kanya.
Bago pa man niya ipakilala kanina kay Regina si Myrna ay masusing briefing muna ang isinagawa niya sa matanda para hindi sila mabuko. Alam niyang metikulusang babae si Regina at hindi ito basta- bastang mapapaniwala niya.
Nagpapasalamat nga niya at nagtagumpy ang kanyang mga pinanggagawang pababalat- kayo para lamang makasama si Regina ngayong araw. Pero deep inside him ay nakokonsensiya rin naman siya sa kanyang pagsisinungaling dito pero wala eh, napasubo na siya at gusto rin naman niya.
"Whoah... I am the happiest free man in the world with a hot and sexy momma behind me, I have never felt this kind of inner joy before not until I met you, Regina, now... ngayon pang napasakay na kita sa akin ay hindi na kita papakawalan pa," pangiti- ngiti niyang bulong sa sarili habang ninamnam ang bawat sandaling hawak niya ang manobela ng kanyang motorsiklo na tila hawak niya rin ang destinasyon nila ni Regina at iyon ay sa langit ng walang kapantay na kaligayahan at sisiguraduhin niya na doon ang punta nila ngayong araw.