RWMR 16- SHOPPING GALORE

1252 Words
REGINA POV Kanina pa siyang walang kahirap- hirap na pumupili at bumibili ng mga orders ng mga customers niya sa malaking wholesale store dito sa bayan habang ang isa naman sa likuran niya ay hindi na magkamayaw sa pagbitbit ng mga napamili niya na. Wala naman itong reklamo at lage lamang nakabuntot sa kanya. Kung lilingunin niya naman ay malapad naman itong nakangiti sa kanya at paminsan- minsan nga ay kumikindat- kindat pa sa kanya na tila nagpapacute pa. Naiinis nga siya sa mga tinderang nadaraanan nila dahil panay sulyap ng mga ito kay Rogelio. Tila mga uhaw na uhaw na mga buwaya na gustong lapain na ang machong lalakeng kasama niya. At ito naman si Rogelio ay mas lalong nagpapagood shots sa mga malalanding tindera dahil sa hindi mapalis ang ngiti nito sa labi. Tuloy akala ng mga tindera eh, sa kanila ito nakangiti eh, hindi naman talaga dahil alam niya sa sarili niya na siya ang pinupormahan ng binata. Kaya nga nandito ngayon si Rogelio todo alalay at sunod- sunuran sa kanya kahit may trabaho pa ito ay mas inuna siyang samahan sa pamimili. Bagama't kinikilig siya sa isiping iyon ay hindi niya pa rin mapigilang mairita sa mga babaeng nadaraanan nila ni Rogelio. Gusto niyang pagtitirisin ang mga mata nito dahil sa kabilang banda ng utak at puso niya ay nagseselos siya. Aminin niya man o hindi ay may namuo ng pagtingin siya sa binata. Kahit pilit niya mang supilin ang nadarama para sa binata ay kusa itong kumakawala sa kaibuturan niya. Kaya't sa tuwing naglalapat ang kanilang balat sa isa't isa kahit sa simpleng himas lang sa kanya ni Rogelio ay nadadarang siya kaagad at natutupok ang kanyang paninindigan na kahit kailanman ay hindi siya padadala sa karuwagan at kahinaan niya pagdating sa mga lalake. Ngunit bakit pagdating kay Rogelio ay nawawala siya sa kanyang sarili. Isa siyang astig at matapang na hot momma. Ang dami ng mga kalalakihan mahirap man o mayaman, police man o pangit ang nangahas na pumorma sa kanya ngunit hindi man lang ito nakakatuntong sa first base ay agad niya ng binabasted at iniiwasan. Hindi niya talaga maintindihan kung anong mayroon kay Rogelio na bigla - biglang sumulpot na lang sa buhay nilang mag-ina at kabago- bago pa lang niyang nakilala ay halos kampante na itong nakapasok sa buhay nilang mag-ina. "Ooopss, my sweet Ina, bakit ang tahimik mo? Siguro pinagnanasaan mo ako diyan sa isipan mo nuh?," tukso pa sa kanya ni Rogelio na nilagpasan na siya sa paglalakad at biglang humarap sa kanya at mapanuring tumitig sa kanya. "Hmnp," tangi niyang nausal at ibinaling ang tingin sa gilid niya at pasimpleng nagtingin- tingin sa mga panindang nakadisplay. "Huwag mong sabihing nagseselos ka, ah-ah aminin...kaya pala magkasalubong iyang mga kilay mo at pulang- pula iyang ilong mo sa pangungutya diyan sa isipan mo sa mga babaeng nadaraanan natin, hayaan mo sila maglaway sa akin sweety, I am all yours wala kang kahati sayo lang ako!," tila siguradong- siguradong turan nito sa kanya. "Tse... asa ka pa, paraan nga!," pasupladang niyang iwas sa binata dahil totoo naman ang pinagsasabi nito pero sa kabilang banda ay kinilig siya sa loob- loob niya dahil sa sinabi nitong loyal ito sa kanya at sana nga ay totoong siya lang ang gusto nito. ROGELIO POV "Okay, I get it na aking prinsesa! Alam ko na paano mawala iyang bad trip mo, ahmnn... sagot ko lahat ng bibilhin mo, pumili ka lang ng gusto mo sweety Ina baby, ako na bahala sa bayad," mungkahi niya kay Regina. "Nahihibang ka na nga Rogelio! Mabuti pa bumalik ka na sa trabaho mo, baka sakaling doon magkakapera ka pa!," supalpal pa nito sa kanya na tila hindi nga ito naniniwala sa sinabi niyang siya ang sasagot sa mga bibilhin nito. Sabagay mahirap nga naman ang pagkapapakilala niya sa kanyang sarili kay Regina. Isang hamak na delivery rider lang naman siya sa mata ni Regina kaya't napakaimposibleng kaya niyang bayaran lahat ng bibilhin nitong paninda. "Wala ka bang tiwala sa akin, may ipon naman ako, kahit ngayon pa lang kaya na nga kitang pakasalan sabihin mo lang, sweety Ina!," bulalas niya pa rito. "Hoy, Rogelio! Magkalinawan nga tayong dalawa, aba'y namumuro ka na sa akin, kanina ka pa sa bahay! Hindi kita syota at kailanman ay hindi ako magpapakasal sa iyo nuh!," pagdidiinan pa nito sa kanya. "Ang sakit mo naman magsalita Ina, aba'y ano ba iyong ginagawa natin hindi ba't gawain iyon ng magsyota... eh di syota na kita kaya puwede na kitang librehin ng pangshopping galore mo!," balik niya sa hot mama. "Ah ganun, hindi ibig sabihin naglaplapan na tayo at halos na nalawayan mo na lahat ng bahagi ng katawan ko ay may karapatan ka ng tawagin akong syota dahil sa pagkakaalam ko ang pagkakaroon ng syota ay mutual understanding iyan ng dalawang taong nagmamahalan hindi tulad natin nah... ahhh... nagtake advantage ka sa akin.. ganun!," mahabang paliwanag pa nito. "Owwws... aminin, nagkakaintindin naman ang mga katawan natin na gusto natin ang isa't- isa kaya't hayaan mo na lang na ipang-shopping kita, Ina!," he keeps on insisting. "Baliw ka talaga Rogelio, hindi sabi eh! Sige ka kung ipipilit mo iyang gusto mo, hindi na ako makikisakay sa iyo pag- uwi. "Ang harsh mo naman, labs... okay kung ayaw mo.. sige na nga, huwag na lang. Ipupunin ko na lang ang pera ko pandagdag sa kasal natin!," tawang- tawang pang-aasar niya kay Regina. "Haist.... ambrooot sa iyo Rogelio!," napahinto ito sa pagsasalita ng may isang sales lady na lumapit sa kanila at kinausap si Regina. "Wow...Congratulations po Mam, kayo po ang lucky customer namin ngayong araw to get a 5k for free shopping coupon. Maari na po kayong pumili ng gusto ninyong items worth 5k,okay po ba kayo doon Mam?," matatas na sabi ng sales lady na kanina ay tinawagan niya ang manager nito habang abala si Regina sa pamimili ng mga items. "Talaga, baka binobola mo lang ako Miss. Wala akong oras sa scam mo. Tayo na nga Rogelio! Napakaimposible naman kasing magpacoupon kayo ng 5k free... tsskkk.. tiyak na scam iyan!," hindi magkamayaw na tanggi pa ni Regina. "Totoo po ito Mam, ito po katibayan sa napanaluhan ninyong coupon, bale system generated po kasi ang result Mam, hindi ba kanina before kayo pumasok dito sa loob ay naglog- in muna kayo?," mabuti na lang talaga magaling magpalusot itong nakontsaba niyang sales lady pati ang manager dahil mahirap talagang konbinsihin si Regina sa mga bagay tulad mga pafree dahil isa din itong seller. "Patingin nga Miss,....ahmmnn... hmp... oo nga pero bakit kilala mo ako si Regina?," usisa pa ni Regina. "Mam my CCTV po kaya kitang-kita po ang pagmumukha ninyo sa screen, ako po ang nakaassign sa mga lucky winners, part po kasi ito ng anniversary program ng Stop and Shop," giit pa ng sales lady na pahapyaw na bumaling sa kanya kaya't nagthumbs up siya. Wala na ngang naggawa si Regina kung kaya't tinanggap na lang nitong nanalo siya ng 5k for free shopping coupon. Kung siya lang ang masusunod ay hindi lang 5k ang ipanglilibre dito. Gusto niyang ibigay at busugon ito ng mga bagay bagay pero baka makahalata na nga ito. Napangiti siya sa sarili ng nagsimula ng mamili ng mga RTWs at iba pang mga items si Regina. At least natutupad din ang mga plano at gusto niyang mangyari. Umaayon din talaga sa kanya ang panahon. Kahit palihim ay nagagamit niya pa rin ang kanyang salapi at kapangyarihan upang mapaligaya lang ang babaeng kanyang natitipuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD