RWMR 2-LOST PARCEL

2057 Words
Regina POV Namamaga pa ang kanyang mga mata ng maggising siya isang umaga dahil sa malakas na sigaw ni Thea sa labas ng pinto ng kanilang maliit na silid. Papungas- pungas pa siyang napabangon sa higaan, parang gusto niya pang matulog muli dahil nakulangan siya ng tulog dahil sa pag-iyak iyak niya kagabi. Naiinis siya sa sarili. Kinastigo niya ang kanyang sarili sa kadahilang halos bumigay na siya sa estrangherong nangahas na lumapa sa kanyang malalaking boobies. Hindi niya mawari ang sarili kung bakit tila hindi niya naramdaman na kabastusan ang ginawa ni Rogelio sa kanya. Bagkus nagustuhan niya pa iyon dahil hindi man lang siya pumalag. Naiinis siya sa sarili dahil hinayaan niyang gupuin siya ng tukso at init ng katawan. Halos limang taon niyang ikinubli at prinotektahan ang sarili sa mga manyakis at mapagsamantalang mga kalalakihan. Pero ano ang nangyari at kamuntikan niya ng isuko ang kanyang sarili. Kung hindi pa tumigil si Rogelio sa ginawa nito sa kanyang boobies ay tiyak na mas malalim pa ang maaring nagganap sa pagitan nilang dalawa. Isa pa sa kinaiinisan niya sa sarili ay nahuli siya ni Rogelio na nakaawang pa ang labi na tila nasasarapan at nagugustuhan niya ang kapangahasan sa kanya ni Rogelio. Napahiya siya sa ginawa ni Rogelio sa kanya. Hiyang- hiya siya dito dahil tiyak niyang nahuli ni Rogelio ang reaksiyon niya ng tumigil ito sa pagpapaligaya sa kanya. Batid nitong nagulat at naghinayang siya sa pagtigil nito. Mas lalo lang lumiit ang tingin niya sa sarili ng wala man lang itong reaksiyon o sinabi sa namagitan sa kanila. Maging siya ay wala ring namutawing salita pagkatapos ng mainit na eksena sa pagitan nila. Hanggang sa maihatid siya pauwi ni Rogelio sa kanyang tirahan ay wala silang imikan. Sobra pa sa nangangamatis ang pisngi niya sa pagkapahiya kaya't tulad rin ni Rogelio ay hindi na lamang siya nagsalita pa. "Ma--mina..... dali na gising na, may hanap sa iyo labas po, may da- ting parcel!," bungad sa kanya ni Thea pagkalabas niya ng pinto ng kanilang maliit na silid. Nawala ang antok niya pagkarinig niya na may dumating na parcel. Pero mas lalo siyang nagulantang sa anak niya na may bitbit na itong malaking stuff toy na kamukha ng bagong kinahihiligan ngayon na tawag ay labubu. "Thea, where did you get that?," koryoso niyang tanong sa anak na mas nakakaintindi at mas matatas magsalita ng wikang ingles. "Mr. Rider gave it to My-na," short for mommy Regina; hindi niya na lang talaga magets ang anak sa musmos nitong edad ay mas magaling pang magsalita ng ingles kaysa sa kanya marahil dahil na rin sa kakanood nito ng short video clips na Dharman channel sa youtube. Kahit na second year college lang naman ang natapos niya sa kursong commerce ay hindi naman siya nagkulang sa pagtuturo sa anak niya ng mga basic foundation sa pagkatoto. Sa opening nga ng classes ay ipapasok niya na sa kindergarten si Thea. Natapos na ito sa day care malapit lang sa kanyang tirahan kaya't nalalakad lang nilang mag-ina ang center. Bakasyon pa naman kaya't may iilang linggo pa siyang makakatulog ng want to sawa. Pero ngayon dahil nga ginising na siya ng anak ay pihadong mahihirapan na naman siyang makabalik ng tulog dahil ang daming gawaing bahay na nakaabang na sa kanya. Plano niyang hindi muna magbukas ng tindahan ngayon dahil hindi pa rin siya nakakaget- over sa nangyari sa kanya kagabi. "What? Ibalik mo iyan, naku, Thea, hindi ba sinabi ko sa iyo, don't you ever accept things from any strangers,hah?," pangungusensiya niya sa anak dahil hindi biro ang halaga ng presyo ng isang labubu doll na halos ilang buwan na rin nilang budget ni Thea kung saka-sakali. "But sabi niya, you knew him na...and your friends na eh!," pangangatwiran pa nito. "Sinabi niya iyon aba'y wala naman akong kaibigang mayaman at lalo na ng rider na .....!!!," hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla na siyang hinila ni Thea palabas ng maliit nilang teresa na napupuno ng mga halaman. "He is outside my--na... halika!!!," wala na nga siyang naggawa kung hindi sumunod sa anak. Hindi pa man niya naaangat ang tingin sa harap niya ay may narinig na siyang baritonong boses na tila pamilyar sa kanya. Gayun na lang ang pagregedon ng puso niya ng pag-angat niya ng tingin ay sabay tanggal ng bonnet sa mukha ng lalakeng plano niyang iwasan. "Magandang umaga, Mam Regina!," bati sa kanya ni Rogelio na malapad ang ngiting nakatunghay sa kanya, kitang-kita niya ang pantay- pantay nitong mapuputing ngipin. "Ahmnn... mor-- ning!!!," natataranta niyang sabi ngunit ang bastos na Rogelio ay nakangisi lamang sa kanya at ang mga mata nito ay nakatoon sa kanyang dibdib. Saka niya pa naalala na nakasuot lamang pala siya ng manipis na kamesita at walang bra sa loob kaya't bakat na bakat ang n*****s ng boobies niya at kitang- kitang ang mga ito. Agad siyang napayakap sa kanyang dibdib upang ikubli ang kanyang hangtad na hinaharap. "Bastos!!!," imbes matinag si Rogelio sa kanyang pang-iinsulto ay ngumisi lamang ito na tila nagugustusan pa ang kanyang pagkatuliro, pagkapahiya at lalong- lalo na ang pamumula ng kanyang pisngi. "My, what's bastos?!!!," usisa naman ni Thea sa kanyang gilid. "Oh, hi... Thea, ahmmn... bastos means thank you," nakangiting sagot naman ni Rogelio na pinandilatan niya ng mga mata ngunit hindi tumigil sa pagsasalita. "Oh, that's a new word, thank you in Filipino is salamat,... but my, bastos what's that word?," seryosong tanong ng anak na nilagay pa ang hintuturo sa gilid ng noo nito na tila malaking taong nag-iisip. "Hey, baby, go and search that to google, pasok ka muna sa loob anak, okay?," pinapasok niya na si Thea sa loob bago hinarap ang lalakeng gustong- gusto niya ng kutasan sa pagtuturo ng mali sa anak. "Hep...hep... ang aga- aga Mam Regina, nakabusangot na iyang magandang mukha mo!," saway pa sa kanya ni Rogelio ng sila na lang dalawang naiwan sa teresa. "Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong pagmumukhang iharap sa iyo,eh... sino ba naman ang hindi mabubuwesit sa umagang kay ganda sana kung hindi ka lang dumating dito sa pamamahay ko!," hindi na nga niya napigilang magmaldita sa kaharap. "Sige ka Mam Regina ang mahal pa naman magpabotox ng mukha, tutubuan kayo ng maraming wrinkles niyan kung palagi kayong galit!," dagdag saway pa nito sa kanya. "At sino nagsabi sa iyong palagi akong galit, aber!," duro ng isang kamay niya kay Rogelio na imbes na matakot sa kanyang inasta ay tila nakangisi pa itong pinagmamasdan ang kanyang boobies na nahantad na dahil sa pagduro ng kamay niya dito. "Huwag ninyo ng takpan Mam Regina nahawakan at natikman ko naman iyan kagabi!," nakangising turan pa nito sa kanya. "Bastos, umalis ka na nga...haist!," biglang nanlisik ang mga mata niya sa inis kay Rogelio na puro kabastusan ang lumalabas sa bibig. "Oi, kalma, mam Regina, totoo naman ah! Oi, aminin, nagustuhan mo rin naman ang ginawa ko sa iyo kagabi, hindi ba?," hindi pa rin maawat si Rogelio sa panunukso sa kanya. "Leche kang lalake ka, ang bunganga mo puwede ba hinaan mo!! baka marinig ka ng anak ko..haist, mali na nga ang tinuro mo kanina dagdagan mo na naman ulit, kainis kang lalake ka, umalis ka na kasi!!!," taboy niya kay Rogelio. "Oi graveh!, wala man lang thank you sa paghatid ko sa iyo kahapon!," pasaring muli naman nito. "O sige para makaalis ka na, salamat at huwag na huwag ka ng bumalik dito!," tangka na sana siyang tumalikod para siya na lang mismo ang umiwas dito ng magsalita ito muli na ikinalingon niya. "Dala ko na ang nawawala mong parcel, Mam Regina," malumanay na imporma pa nito. "Hah.... talaga, asan? Akin na...," bigla siyang nabuhayan sa sinabi nito hindi rin kasi maliit na halaga ang laman ng parcel na iyon. "Hep... hep... ibibigay ko lang sa iyo sa isang kondisyon!," bigla siyang napaangat ng isang kilay sa muli na naman nitong hirit sa kanya "Hoy, ikaw na lalake ka, nakakarami ka na, talaga bang wala ka ng mabuting idudulot sa umaga ko, ha?!," buwelta niya. "Hala, Mam Regina, dala ko kaya ang parcel mo, o hindi ba suwerte iyon!," saad pa nito na nakapaskil pa rin ang pagkaaliw nito sa kanya. "Oo nga kaya ibigay muna ang parcel ko at makakaalis ka na, bastos!," bulalas niya pa. "Aba'y nakakarami ka na ng salitang bastos mam, bad iyan! Isa pa at hahalikan na kita!," untag pa nito na ikinaurong ng kanyang dila; hindi maaaring makaisa na naman sa kanya itong hudyong nasa harapan niya. "Ahmmm... o sige, ano ba kailangan mo kapalit ng parcel ko?," walang anu- anong tugon niya. "Ayan mam Regina, maayos ka naman palang kausap, haist... salamat!," turan pa nito na walang paalam na naupo sa isang monoblock chair nasa entrada mismo ng terasa. "Ano na kasi para makaalis ka na?," untag niya. "Hep..hep..hep.. papahingahin mo muna ako mam Regina napagod ako kakahanap ng parcel mo!," para naman siyang nakonsensiya sa sinabi nito. "O sige magpahinga ka diyan hangga't gusto mo basta ba akin na iyang parcel ko, asan na ba kasi?," inilibot niya ang kanyang paningin kay Rogelio at sa dala nitong motorsiklo ngunit wala namang parcel itong dala. "Kiss muna!," biglang hirit na naman muli nito. "Ulol!!! Pinagloloko mo lang naman siguro ako wala ka namang parcel na dala... haist, alis na dali bago pa magdilim ang paningin ko baka may mataga pa kita!," naiiinis niyang sabi. "Dala ko nga Mam Regina nasa labas, isang sakong parcel kasi ang dala ko, ang bigat na sa motor ko kaya naiwan ko sa labas ng bakod mo, wait at kukunin ko," tumayo ito ay naglakad palabas ng munti niyang kahoy na bakod. Doon niya lang napagmasdan ang tikas ng magandang katawan ni Rogelio na palagay niya ay nasa five eight ang height, malaking tao pala ito atang yummy pa ng pang-upo nito na namumukol pa at ang lapad pa ng likod nito. Kinastigo niya ang sarili sa pagpapantasya sa lalakeng matabil ang dila at mapangahas na sumalakay sa kanyang boobies. Hindi rin nagtagal ay may bumalik na ito at may bibit ng malaki- laking kahon na tiyak niyang iyon na nga ang nawawala niyang parcel. "O ayan Mam Regina, ito na ang nawawala mong parcel," kunwaring abot sa kanya ni Rogelio ngunit ng kukunin niya na ay mahigpit nitong hinawakan at hindi ibinigay sa kanya. "Ano ba? Akin na iyan," hablot niya sa parcel mula kay Rogelio ngunit nahuli lang nito ang kamay niya kaya't bigla siyang nakadama ng bolta- boltaheng kuryente umakyat mula sa pagkadikit ng kanilang mga balat, iiwas niya pa sana ngunit huli na at naikulong na siya sa matipunong bisig ni Rogelio. "Ibibigay ko ito sa isang kondisyon, Mam Regina," saad pa nito na halos ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha sa isa't isa. "Ahmn... anong kondisyon?," abot- abot ang kabang nadarama niya sa muli nilang paglalapit ni Rogelio. "Eat me!," deretsang sabi nito na ikinadilat ng kanyang mga mata. "What?," ganti niya. "Ah... este... kain tayo, pakakainin mo ako, gutom na gutom na ako, eh!," biglang layo nito sa kanya na ipinagpasalamat niya dahil kung hindi ay baka atakehin na siya npsa sobrang pagkalabog ng kanyang dibdib. "Ahmmm... hindi pa ako nakapagluto eh, bigyan na lang kita ng tip sa paghanap mo ng parcel ko...do---on ka na lang kumain sa karenderya," pagtataboy niya kay Rogelio. "Gusto ko kasi ang lutong bahay Mam Regina at gusto ko rin magpahinga ang dami ko pang ihahatid na parcel, maawa ka naman sa akin," paawa pa nito na pinapuppy eyes pa ang mga mata nitong paningin niya ay may lahing banyaga. "Sige na nga!!! Basta ba huwag kang magrereklamo sa pagkaing iluluto ko sa iyon aba'y mahirap lang kami ng anak ko," sa huli ay nakiuyon na rin siya dahil naisip niyang baka totoong napagod ito sa kahahanap sa nawawala niyang parcel. "Alright, siyempre hindi nuh, lutong bahay nga ang hanap ko ibig sabihin simpleng pagkain lang!," nangingiting saad pa nito sa kanya na naghubad na ng suot nitong jacket. Wala na. Wala na talaga siyang takas kay Rogelio. Imbes na iiwasan niya na ito ay kusa pa itong lumapit sa kanya. Pambihira namang buhay niyang ito. Kung dati ay nawawalang parcel lang pinoproblema niya ay ito na namang rider na kulang sa pansin ang pilit na isinisiksik ang sarili sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD