RWMR 3- KAINAN AT HARUTAN

1405 Words
Regina's POV "Mmmm... ang sarap mo pa lang magluto Mam Regina, puwede ka ng mag-asawa!," komento pa ni Rogelio ng imbitahan niya itong kumain sa maliit nilang hapag kainan. "Hmnp, bolero, kunwari ka pa diyan, daing at kamatis, masarap na sa iyo? Hanep ka rin nuh!," angal niya pa. "I --am not lying,.... ah-- eh... hindi ako nagbibiro!," biglang napaangat siya ng tingin dito dahil bigla na lang itong nagsalita ng slang english,napagtanto na baka may lahing banyaga ito dahil na rin sa mga mata nitong abuhin. "Oi, marunong ka palang mag-ingles hanep nakakain lang ng daing speaking dollar na eh!!," pagbibiro niya pa upang alisin ang tensiyong nadarama dahil kanina pa itong titig na titig sa kanya habang sumusubo ng pagkain na nakakamay lamang. "My, I am full... ayaw na kain!," saad pa ni Thea na nakanguso na at hinihimas- himas ang tiyan. "Alright, let's wash your hands na baby, tapos na rin ako!," sabi niya pa sabay tayo upang agakin ang anak na papunta ng maliit nilang lababo. "Nope, my- na, stay here, I can manage, usap pa kayo tito rider," tila matandang taong usal ng anak niya. "Oh ha, sabi na ni Thea, dito ka muna mam Regina, samahan mo muna akong kumain..hehehe," pang-aasar pa ni Rogelio sa kanya sabay kindat. "Heh, tumigil ka nga! Tapusin muna iyang pagkain mo at makakaalis ka na!," sita niya kay Rogelio sa mahinang tinig lamang baka kasi marinig siya ni Thea. Siya rin kasi ang dapat sisihin kung bakit magiliw ang anak niya sa mga bisita nila sa kanilang tahanan. Lagi niya kasing pinaalala kay Thea ang pagiging magalang sa kanilang mga bisita. Kahit limang taon pa lang ang anak niya ay matanda itong mag-isip. "Ooops... ikaw naman Mam Regina, hindi mo nga ginagalaw ang pagkain mo, kain ka rin oh...," hindi man lang ito nahiya o natinag sa pagtataboy niya. "Ikaw ha, sumusobra ka na talaga, pinakain na nga kita humihirit ka pa! Nawalan na ako ng gana, mamaya na lang ako kakain kung aalis ka na!," matigas niyang sabi. "Weeeh... eh, kaninong tiyan iyang umaalboroto na, malabong akin eh... hindi naman kay Thea nuh!," hirit pa nito. "My- na your tummy rumbles...oh no, kain ka na!," sabat naman din ni Thea na kagagaling lang sa paghuhugas ng kamay nito. "Oh... okay lang ako anak! Kakain din ako mamaya- maya," naiiling niyang sagot dahil totoong gutom na siya ngunit hindi nga siya mapakaling nasa harapan niya lang si Rogelio na binabantayan ang kanyang mga kilos tila kasi natutunaw siya sa mga titig nito na ginagantihan niya na lang ng pagsusuplada upang pagtakpan ang kaba niya sa dibdib. Hindi niya rin kasi maintindihan ang sarili kung bakit nagkakaganito na siya ngayon sa pakikipag- usap kay Rogelio. Kahapon naman na hindi pa nangyari ang kapangahasan ni Rogelio sa kanya ay normal lang ang kabog ng dibdib niya. "Naku, Mam Regina, sabayan muna ako sa pagkain, bawal pa naman magkasakit ang isang tulad mo na hot single mommy... tingnan mo si Thea, sino mag-aalaga at mag-aasikaso sa kanya kapag may nangyaring masama sa iyo," mahabang parangal at pangungunsensiya sa kanya ni Rogelio. "Oi sobra ka naman may mangyayari agad... huwag kang mag- aalala wala kang pakialam kung paano ko dadalhin ang sarili ko bilang ina ni Thea, sino ka ba?" mahinang bulong niya upang hindi marinig ng anak na naglakad na papunta sa masikip nilang sala at kinuha ang toy doll na bigay ni Rogelio. "Oi, siyempre kaibig-- an na tayo ngayon, siyempre concern na ako sa iyo!," lumunok muna ito bago uminom ng tubig at nagsalita na tila buo ang kumpiyansa sa sarili. "Excuse me, sinong nagpahintulot sa iyo na ideklarang magkaibigan na tayo, ha, pinatuloy kita sa pamamahay ko dahil nga sa paghatid ng nawawala kong parcel, hanggang doon lang iyon, kaya mister puwede ka ng umalis," may pinaliad niyang sabi at akma ng tatayo ngunit agad nitong nahagip ang kanyang siko kaya't napabalik siya ng upo. "Mam Regina, ikaw naman nagbibiro lang naman ako, nagsusungit ka na agad... pero bagay sa iyo, lalo kang nagiging maganda sa paningin ko!," hindi na talaga siya nakapagpigil at hinampas niya ang balikat nito sa inis. "A--ray!!! Sakit nun ah!!! Oi gus- to niya palang maganda siya sa paningin ko kaya nagsusungit siya sa akin! Okay lang Mam Regina magalit ka pa..," pang- ookray pa nito sa kanya. "Wala ka na ba talagang alam kung hindi inisin ako! Haist... aywan ko sa iyo... Sige, oh, ngi-ngi-ti na ako, matigil ka lang...hah!?," pinaskil niya ang malapad ngunit pilit na ngiti kay Rogelio. "Whatever, nakangiti o nagagalit, magandang- maganda ka pa rin, Mam Regina," naaaliw nitong wika at agad na baling ang pansin kay Thea na lumapit muli sa kanila. "Ah, mister rider, thank you so much for this labubu doll, I love it po," nakangiting saad ng anak niya na nakanguso ng humalik sa pisngi ni Rogelio. Talagang sweet at magiliw sa tao si Thea lalo na kung mabait sa kanya ang bagong kakakilala. Nagpapasalamat nga sa Diyos dahil biniyayaan siya ng anak na super lambing at bibong bata. "Oh, your welcome Thea, just call me tito- Ro okay?," ganti naman ni Rogelio kay Thea na saglit itong niyakap. Saglit din siyang nakadama ng pagkabagabag para sa anak. Siguro ganito na lang ito kasabik sa pagmamahal ng isang ama dahil halos kumapit na ito ng mahigpit kay Rogelio. Gabi- gabi ay nagdarasal ito na sana ay makahanap na raw ako ng mapapangasawa para magkaroon na daw siya ng daddy. Ang alam kasi ni Thea ay namatay na ang ama nito dahil sa sakit na pneumonia. Napakabata pa nito para malaman ang totoo na iniwan at inabandona na sila ng totoong ama nito. Ayaw niyang sa batang isip nito ay mamuhi na ito sa kanyang ama. "Okay alright tito- Ro, you are so cool!!!," sambit ni Thea na humiwalay na sa pagyapos kay Rogelio. "Sige baby girl, usap muna kami ni my- na ha?," rinig niyang sabi naman ni Rogelio na hinimas- himas pa ang ulo ni Thea. "Sige po, my- na please be good to tito- Ro coz he is good hah?," bilin pa nito sa kanya bago nagmartsa papasok sa kanilang silid bitbit ang labubu doll nito. "Hoy, kung sa tingin mong mabibilog mo ang anak ko diyan sa labubu doll mo, nagkakamali ka, ibabalik ko iyon sa iyo at saka ang mahal na mahal kaya nun hindi ko iyon afford nuh at ayaw ko namang palakihin ang anak ko sa karangyaan na hindi ko naman kaya!," singhal niya kay Rogelio na sa wakas ay tumigil na rin sa pagkain. "Okay lang yan Mam Regina, bigay lang din iyan sa akin ng isa kung customer na online seller din tulad mo, tulad mo nawala din kasi iyong parcel niya at nahanap ko rin," kalmadong imporma pa nito. Naiinis siya sa sarili dahil si Rogelio pa ang relax at panatag lang sa pakikipag- usap sa kanya. Samantalang siya naman ay gigil na gigil at mataas ang emosyon sa mga pinagsasabi at pinaggagawa nito sa loob- loob niya just merely staring at her. "O siya, eh... di salamat kung ganun! Mayaman pala iyang customer mo... o sige, tapos ka na, puwede ka ng umalis at tirik na ang araw nuh, ang dami mo pa namang ededeliver na parcels," pahayag niya na tila nagkukumahog na siyang paalisin na talaga si Rogelio sa pamamahay niya. Tumayo siya at naglakad papunta sa lababo para maghugas ng kamay at para iwasan ang mga titig sa kanya ni Rogelio. Pero laking pagsisisi niya dahil sumunod pala ito sa kanya at biglang pumuwesto ito sa likuran niya at inilapit ang sarili nito sa kanya at ang dalawang braso nito ay ikinulong siya. "Hmp... so sweet and so salty, ang bango pa rin ng pawis mo, Mam Regina," inamoy- amoy nito ang batok niya habang ang mga kamay nito ay minaobra ang pagbukas ng gripo sa harap niya. "Uhmnn...," sa munting dampi ng labi nito sa balat niya ay umalpas agad ang halinghing sa labi niya. "Salamat sa masarap na agahan, Mam Regina, sa susunod uli," mabilis siya nitong kinintalan ng halik sa kanyang pisngi matapos nitong hugasan ang mga kamay at agad ding lumayo sa kanya at tuloy tuloy na lumabas ng munti niyang tahanan. "Sheetty..... niknik mo Regina, s**t, ang tanga- tanga mo talaga!," tila naman hindi pa siya nakahuma sa biglang pagregedon at pagtahip ng kanyang dibdib sa ginawang pananabik sa kanya ni Rogelio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD