Rodge Winter POV
Kanina pa siya titig na titig sa mga nakahelerang mga laruan sa toy section sa isang sikat na mall dito sa Milan habang ang kasama niya ay abalang- abala sa pagsusukat ng mga branded outfits sa fitting room sa katabing wardrobe section.
Gusto man niyang bilhin ang lahat na maibigan upang ibigay kay Thea ay nagdadalawang- isip siya dahil ang alam ni Regina ay isa lamang siyang hamak na parcel delivery rider.
Iyon palang ngang isang labubu doll ay ang dami ng katanungan sa kanya ang mommy ni Thea, ano na lang kaya kung magreregalo na naman siya ng mga toys kay Thea pagbalik niya sa tahanan nila Regina.
Hindi pa oras upang ilantad niya ang totoo niyang katauhan sa mag-ina. Naaaliw pa siya sa kanyang pagpapanggap. Kakaibang satisfaction at happiness ang kanyang nadarama kung kasama niya si Regina at ang anak nitong si Thea.
Ang gaan gaan kasi ng pakiramdam niya sa batang anak ni Regina. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit malapit ang loob niya kay Thea. He hates kids. Pakiramdam kasi ang gulo- gulo ng mga ito.
Pero pagdating kay Thea ay nacucutan siya sa kakulitan nito at parang matanda kung mag-isip at umasta. Marahil dahil anak si Thea ni Regina na kinababaliwan niyang babae ngayon.
He had to flew here in Australia shortly after a day of conversing and flirting with Regina. Kung hindi pa dahil sa Mamita niyang super kulit na samahan niya si Sherin ay hindi siya paparito.
Sherin is the only daughter of her parents' business partners na sina Don Silvistre at Donya Guada. Mamita is her loving grandmother na gusto na siyang ipakasal ky Sherin. Gusto na daw nitong makita ang mga apo nito sa tuhod.
His mamita Donya Josefa is a pure Filipina who is married to a hunky and bachelor Australian business tycoon na si Richard Winter. Isang single hot momma din ang kanyang mamita ng makilala ito ng kanyang lolo.
Nainlabubu agad sa karisma ng kanyang mamita ang kanyang lolo kaya't pinakasalan agad nito noong unang tapak palang nito sa Pilipinas. Kaya lang napaka- unfair ng kapalaran para sa kanyang mamita kung saan pa nakahanap na ng forever ay agad din itong binawi sa kanya kasama pa ang kanyang anak sa pagkadalaga.
Anim na buwan pa lang sa sinapupunan ng kanyang mamita ang kanyang daddy Ritchie ng madisgrasya sa minamaneho nitong kotse ang lolo niya at tito niya na noon ay nasa apat na taong gulang pa lamang.
Kagagaling lang ng mga ito sa mall at bumili ng pasalubong para sa buntis niyang mamita pero nawalan ng preno ang manobela nito ng pauwi na sa mansiyon ng mga Winter. Nangyari ang trahedya sa Australia kung saan nakabase ang malaking kumpanya ng lolo niya.
Simula ng trahedyang iyon ay hindi na muling nag-asawa pa ang kanyang mamita. Itinaguyod nitong mag-isa ang kanyang daddy Ritchie. Sa bilyones na mayroon ang kanyang lolo Roger ay namuhay ng marangya ang kanyang mamita kasama ang nag-iisa nitong anak ang daddy Ritchie niya.
Hanggang nasa hustong edad na ang daddy Ritchie niya at nakapagtapos na rin ng finance course ay ito naman ang humalili sa sandamakmak na mga brand companies ng pamilya nila na mag-isang pinatakbo ng kanyang lola mamita sa mahigit na dalawangpung taon.
Matalino din naman kasi ang mamita niya dahil nakapagtapos din naman ito ng kursong Commerce kaya lang nabuntis ito ng boyfriend nitong walang bayag dahil matapos nitong buntisin ang kanyang mamita ay basta- basta nalang itong iniwan.
Mabuti na lang ay kasabay ng pagbubuntis ng kanyang mamita ay natapos din ito sa kinukuhang kurso. Mag-iisang taon ang kanyang daddy Ritchie ng magkita ang kanyang mamita at lolo sa isang mall na pinagtratrabahuan ng kanyang mamita and the rest is hostory.
Mag- aapat na taon din ang pagsasama ng kanyang lolo at mamita. At sa mga taon na iyon ay matiyagang tinuruan ng kanyang lolo Roger ang kanyang mamita sa pasikot- sikot ng kanilang family businesses.
Madali rin namang natuto ang kanyang mamita kaya't ng pumanaw ang kanyang lolo Roger ay hindi na nga nangapa sa dilim ang kanyang mamita. Marami ngang nagsasabi na napakaimposible ng karanasan sa buhay ng mamita niya sa tuwing nagtatalumpati ito sa anniversary gatherings ng mga branded companies nila.
But it is what is. From rags to riches ang buhay ng kanyang mamita. Isang disgrasyada at batang ina na pinaulanan ng maraming biyaya ng Maykapal. Suwerte o kapalaran? Basta para sa kanya ang lahat ng tinatamasa ng buo niyang pamilya at lalong- lalo na ni mamita ay bunga ng pagpupunyagi at pagsisikap.
It is day by day hard- earned endeavors and workmanship. It is a whole amount of dedication, commitment and perseverance to reach the highest ladder of success. Winter branded companies has been the leading businesses worldwide and it remains on the top since then and now.
"Holy s**t, Rodge, you are just here, I have been searching for you all over the place!," singhal sa kanya ng bratty lady na si Sherin.
"Oh! Are you done? Let's go!," wala sa loob na sabi niya ngunit si Sherin ay panay pa rin ang daldal at reklamo na hindi niya na lang pinansin at inakay na ito palayo sa toy section.
Kumapit naman sa kanya si Sherin na tila batang paslit na takot mawala sa loob ng mall. Dalawang taon lang ang tanda niya sa sopistikadang dalaga ngunit mas matured na siya kung mag-isip. Palibhasa laki sa layaw ito ng mga magulang.
Sherin is half- Filipina also. Ang ina nito ay isang bisaya at ama nito ay Australian na kaklase ng daddy Ritchie niya. Pareho lang sila ng estado ni Sherin they were half- Filipinos, his mommy too is a bisaya na kaibigan din ng mommy Celine niya. Kaya't napakaclose ng pamilya ni Sherin sa kanyang mga magulang.
"Rodge, let's eat first, I am starving and maybe we can watch a movie together, there is a good film I want to see... please..." malambing na ungot sa kanya ni Sherin habang naglalakad pasakay ng escalator pababa sa first floor ng mall.
"Alright, let's eat, gutom na rin ako but sorry for you my dear She, hindi kita masasamahan sa panonood ng sine... I have so many things to do. Babalik na agad ako ng Pilipinas bukas," imporma niya sa dalaga.
"That too soon? Why are you always visiting your business there in the Philippines when in fact your presence here is far more important!," pagrereklamo pa nito na tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya.
Kung titingnan sila para talaga silang magsyota. Pero hindi sa totoong kahulugan 'nun. Wala na nga siyang choice kung hindi pakisamahan si Sherin dahil na rin ayaw niyang mastress ang kanyang mamita. Gusto kasi nito si Sherin para sa kanya.
Sherin and him knew each other since kids. Hindi niya ito nakikitang magiging future partner or wife niya. Sherin is not his type. Isang babae lang sa ngayon ang nagpapatibok ng puso niya at nagpapatayo ng kanyang alaga sa tuwing maglalapat ang mga balat nila sa isa't isa.
"Because my future fulfillment is there," nangingiti niyang turan na may dobleng kahulugan pero para sa kanya si Regina ang sinasabi niyang kukumpleto sa kanyang kinabukasan.