"Manay Lorna, magpapaalam po sana ako–" "Bakit naman anak aalis kana kaagad? Hindi mo na ba kaya si Joshua?" Eksaherado na sambit agad ni Manay Lorna hindi ko pa man tapos ang sasabihin ko. "Manay naman e, kung anu-ano po ang iniisip mo diyan. Patapusin mo po muna kasi ako," wika ko habang nakanguso. "Akala ko naman aalis kana…" natatawa ng sambit ni Manay. Naghihiwa sila ng mga ingredients para sa lutuin na ulam sa hapunan. "Sobrang sakit po kasi ng mata ko. Bibili lang po ako ng eye-mo," Wika ko. Ginawa ko na kasi ang lahat. Iminulat ko na sa tubig. Masakit pa rin talaga. Mukha naman na natutulog pa si Joshua. "Bakit Hija? Anong nangyari sa mata mo? Siguro, umiyak ka nuh?" Nag Aalalang tanong ni Manay Lorna. Umiling ako at tinanggal ang sunglasses sa harap nila mismo at ipinakita sa

