TWME 4-See You Again

2115 Words
Dahil hindi ko pa makuha ang loob ni Joshua ay si Manay Lorna muna ang nag pakain at nag asikaso sa bata. Lagi niyang bukang bibig na susuko rin daw ako at iiwan siya kagaya ng mga nagdaang yaya niya. Para naman akong na-challenge sa tinuran ng bata. Matapos itong kumain ay nagpaalam na babalik na ulit sa kwarto niya. Tumulong na lang muna akong magligpit ng pinagkainan ni Joshua. After ko iligpit at hugasan iyon ay dumiretso ako sa kwarto nito. Hapon na rin kasi balak kong linisan siya upang maging maginhawa ang pagtulog niya mamaya. Lahat ng natutunan ko sa pag-aalaga ng bata sa ibang bansa ay balak kong gawin kay Joshua. Kumatok muna ako at humingi ng permiso sa kanya na papasok na ako. "Come in," tugon nito. Napangiti naman ako ng sumagot siya. Imagine a five years old boy, aakalain mong isang matured na bata kung magsalita at sumagot. Pinihit ko ang seradura ng pinto. Sinilip ko muna ang ibabang bahagi ng sahig bago ko ihakbang ang mga paa ko. Mahirap na. Baka maulit na naman ang nangyari kaninang tanghali. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong malinis ang sahig. Tuluyan ko ng binuksan ang pinto. Ngunit natigilan ako ng bumagsak sa akin ang lobo na punong puno ng tubig. Napasigaw ako dahil sa sobrang lamig ng tubig. Muli kong narinig ang tagumpay nitong tawa. Ako naman ay nakaramdam ng matinding lamig sa buong katawan. Nakatayo siya sa ibabaw ng kama habang tumatawa at nakahawak sa tiyan. Napalingon ako ng magsalita si Lola Madrid. "Joshua! Ano na naman ba ito?" Tila nauubusan ng pasensya na sita ni Lola Madrid kay Joshua. "Nothing, Lola…" sagot nito na parang hindi man lang natinag sa boses ng lola niya. Nagkibit lang ng balikat. "Sige na, Franchesca… magpalit ka na muna ng damit. Ako na muna ang bahala dito sa apo ko." Tumango na lang ako at hindi na tumanggi dahil talagang nilalamig na ako. Mukhang kailangan kong pag-aralan ang mga trip niya. Imbis na magalit ako ay nakaisip pa ako ng teknik kung paano sasabayan ang trip ni Joshua. "Maiwan ko na po muna kayo, Lola Madrid," tumatango habang nakakunot ang noo ni Lola. Naiintindihan ko siya kung bakit ako ang napili niya. Alam kasi ni Lola Madrid na mahaba ang pasensya ko sa mga batang katulad ni Joshua. Dumiretso na ako sa kwarto ko. May sarili naman itong banyo sa loob kaya hindi ko na kailangan lumabas para maligo. Habang naliligo ay abot tenga ang ngiti ko. Mabilis kong natapos ang paliligo ko. Pagbalik ko sa kwarto ni Joshua ay naglilinis na ang isang maid na sa pagkakatanda ko ay kurdapya ang pangalan. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. "Saglit na lang ito, Ate…" Nabasa ko naman na hindi pa nga pala ako nakapag pakilala sa kanya. "Iska na lang ang itawag mo sa akin, masyadong mahaba kung Franchesca." Nakangiti ko rin na sambit. "Sige, Ate Iska. Saglit na lang ito. Tutuyuin ko na lang ng tuyong basahan." "Tulungan na kita–" inagaw ko ang isang tuyong basahan na hawak niya. Pero agad din niyang inagaw iyon sa kamay ko. "Naku! Huwag na, Ate Iska. Ito ang trabaho ko dito. Baka makita pa ako ni Manay Lorna. Baka sabihin iniaasa ko sa iba ang trabaho ko," nakangiting sambit niya. Nauunawaan ko naman ang sinabi niya kaya hinayaan ko na lang siya. "Nasaan pala si Joshua?" Bigla na naitanong ko ng mapansin kong wala sa kwarto niya ang bata. "Ay nandoon Ate Iska sa banyo niya. Ganyan lagi ang batang iyan tuwing hapon ay nagbababad sa bathtub." Tumayo ako at tinungo ang banyo ni Joshua. Syempre inihanda ko muna ang sarili ko. Baka kasi may patibong na naman siyang ginawa para sa akin. Mabuti na yung handa at nag iingat. Dahan-dahan ko ulit binuksan ang pintuan, tumingin ako sa paligid. Ganun ulit. Walang maingay at kahit lagaslas ng tubig ay wala akong naririnig. Mukhang safe ako ngayon ah! Lihim na nagdiriwang ang isip ko. Namangha ako sa banyo ng bata. Halos kasing laki din ng kwarto niya ang banyo. Kumpleto ng gamit pampaligo. Hinanap ko pa siya sa paligid. Nakakunot ang noo ko. Bakit parang wala naman dito si Joshua? Pumasok ako sa sliding na glass door. At doon ko siya nakita. Lumapit ako pero napangiti ako ng makitang nakatulog na pala siya habang nakababad ang katawan sa bathtub. Nag alala naman ako na baka magkasakit siya kaya kumuha ako ng malinis na towel mula sa loob ng kabinet niya sa banyo. Dahan dahan ko siyang binuhat saka ko siya binalot ng tuwalya. Medyo nabasa ulit ako pero magpapalit na lang ako mamaya bago matulog. Paglabas ko ng banyo ay wala na si Kurdapya. Maingat na inihiga ko si Joshua sa kanyang malawak na kama. Dahan-dahan kong pinunasan ang basang katawan niya. At hanggang sa mabihisan ko na ay hindi naman siya nagising. Kinumutan ko ang kalahati ng katawan ni Joshua. Binuksan ko ang drawer niyang may lampshade sa ibabaw at doon ko nakita ang munting suklay niya. Ipinatong sa hita ko ang ulo niya saka ko sinuklayan ang medyo long hair na niyang buhok. Medyo kulot at alon alon na lalong nakapagpa cute kanyang tingnan. Gusto ko sana siya na pang gigilan kaso baka magising. Mabait pa naman si Joshua, kapag tulog nga lang. Napa Hagikhik ako sa aking tinuran. Pagbaba ko ay naabutan ko so Lola Madrid sa dining table. Umiinom ng tsaa niya. Mahilig talaga si Lola sa tsaa. Ganun din kasi ang nakikita kong iniinom niya sa Singapore noon. Ako naman amoy pa lang napapangiwi na ako what more pa sa lasa. Pero sabi naman ng iba masustansya daw ang tsaa sa katawan. "Kamusta ang apo ko, Hija?" Tanong agad sa akin ni Lola Madried habang sumisimsim sa kanyang tsaa. Nais kong matawa sa tanong ni Lola Madrid. "Ayos lang po, Lola. Mahimbing na po ang tulog," nakangiti kong sagot. Narinig ko ang buntong hininga ni Lola Madrid. "Pasensya ka na Iska sa apo ko ha… sanay pagtiyagaan mo siya," malumanay ngunit may bahid ng pakiusap ang sinabi ni Lola Madrid. Ngumiti ako at ginagap ang kamay ni Lola Madrid. "Huwag ka na pong mag-alala sa apo mo, Lola Madrid. Ako na po ang bahala sa kanya." Siya naman ang humawak sa kamay ko. "Maraming salamat, Hija. Napakabait mo talaga." Tipid na ngiti lang ang itinugon ko. Gusto ko sanang tanungin kung nasaan ang Mommy at Daddy ni Joshua kaso naumid na ang dila ko. At hindi ko na binalak pang itanong. Pagkatapos namin kumain ng dinner ay sinabihan kami Lola Madrid na magpahinga na rin. Bukas na daw ipagpatuloy ang trabaho dahil dapat daw sa gabi ay nagpapahinga na kami. Kapag alam kong tulog si Joshua ay tumutulong ako sa gawaing bahay para hindi ako naiinip. Katabi lang ng kwarto ko ang kwarto ni Joshua. Dito ako pinatuloy ni Lola Madrid para daw kapag umiiyak si Joshua ay maririnig ko rin agad. Gumising ako ng alas sais y media. Tulog pa si Joshua kaya tumulong na lang muna akong magluto kina Kurdapya at Manay Lorna. "Kurdapya, bilisan mo ang kilos mo dahil mamaya daw ay darating na si Señorito," rinig kong sabi ni Manay. "Akala ko po ba ay one week ang business trip ni Señorito, eh tatlong araw pa lang po ang lumipas nung umalis siya ah…" ani Kurdapya. "Di ka na nasanay dun. Walang nasasayang na oras sa batang iyon. Baka tapos na agad ang business proposal niya." Nag Uusap ang dalawa sa tabi ko. Ako naman ay nakikinig lang sa kanilang dalawa. Nakatingin ako sa may hagdan ng makita ko si Joshua na pupungas-pungas at kinukusot ang mga mata gamit ang dalawang kamay. "Teka lang ho Manay Lorna at Kurdapya. Gising na po si Joshua. Asikasuhin ko po muna." Paalam ko sa kanila. "Sige na, hija. Kami na ang bahala dito. Si Joshua naman talaga ang obligasyon mo rito," nakangiting tugon ni Manay. Si Kurdaya naman ay sumilay lang din ang munting ngiti. Pinuntahan ko si Joshua. Binuhat ko na rin siya pababa ng hagdan. Tinimplahan ko na rin ng gatas. Ganito pala siya pagkakagising. Medyo tulala at wala pa sa wisyo. Ang cute niya lalong tingnan. Lalong namula ang chubby niyang pisngi. Kumuha ako ng tinapay, nilagyan ko ng palaman. Ikinuha ko siya ng sariling plato. Nilagyan ko ng hotdog at bacon. Pansin kong nakatitig siya sa bawat galaw ko. Nginitian ko naman siya pero pinalobo niya ang kanyang pisngi. Lalo akong napangiti. I know one of these days. Makukuha ko rin ang loob ni Baby Joshua. Pagsapit ng alas dyes. Pinaliguan ko na si Joshua. Nagbabad pa siya bago naisipan umahon na mula sa bathtub. Hindi ko na naman napaghandaan ang sunod niyang ginawa ng pasiritin niya ng b-day niya na puno ng bula at tumapat iyon sa mata ko. Napasigaw ako sa sobrang sakit ng mata ko. Agad kong binanlawan ang mukha ko gamit ang tubig sa bathtub niya. Nakalimutan kong puno din pala ng sabon iyon kaya sa lababo na ako dumiretso. Narinig ko ang lakas ng tawa niya sa kabuuan ng banyo. Kahit nabanlawan ko na ang mata ko ay nagluluha pa rin ako. Pagtingin ko sa salamin ay pulang pula ang mga mata ko. "Sabi ko kasi sayo Yaya, susuko ka rin at aalis ka rin sa bahay na ito," sabi pa niya habang tumatawa. Feeling ko tuloy ang laki ng galit niya sa mga nagiging yaya niya. Napa Buntong hininga na lang ako ng makita kong nagsuot na siya ng roba at lumabas na ng banyo mag-isa. Pinalampas ko ang ginawa niya. Binihisan ko na siya. Nilagyan ko ng skin care ang balat niya. Kumpleto kasi siya niyon kaya siguro mamula-mula ang kutis niya. Pero ang mata ko, nagluluha. Pakiramdam ko nagkasore eyes ako ng wala sa oras. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na ulit si Joshua. Muli akong humarap sa salamin. Namumula talaga ang mga mata ko. Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang shades ko. May kalakihan pa naman ito kaya halos matakpan na ang kalahati ng mukha ko. Bumaba ako ng hagdan na suot ang salamin ko. "Oh, hayan na pala siya apo," naulinigan kong bigkas ni Lola Madrid. Dumiretso ako sa kusina, saktong kumakain sila ng tanghalian. Napansin ko ang bulto ng isang lalaki. Malapad ang likuran niya. Naka long sleeves pa siya ng puti. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Ito na siguro ang apo ni Lola Madrid. "Maupo kana dito Iska. Kumain kana…" aya sa akin ni Lola Madrid. Umiling naman ako. "Mamaya na lang po, Lola. Sasabay na lang po ako kina Kurdapya at Manay Lorna," batid ko ang tingin ni Lola na may pagtataka. Siguro dahil sa salamin ko. "Teka? Bakit ba nakasalamin ka? May ginawa na naman ba sayo ang apo ko?" Takang tanong ni Lola. "Wala naman po, Lola…" tanggi ko. Baka sabihin ni Joshua ay isinumbong ko siya. Baka lalong magalit sa akin ang bata. Ako na lang ang bahalang magpatino dito. Determinado kong sambit sa isipan ko. "Mabuti naman kung ganun, hija. Sa tingin ko ay tumitino na ang apo ko." Natutuwang sabi nito. Nais kong mapangiwi sa sinabi ni Lola. Kung alam niyo lang po lola, mas malala ang ginawa niya sa akin ngayon. "Iska, ito nga pala ang Daddy ni Joshua, si Lorenzo," pakilala ni Lola. Natigilan ako sa aking paghakbang. Napapikit ako. Magka Pangalan lang siguro? At saka hindi naman mayaman si Enzo. Humarap sa akin ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi maaari! B-bakit nandito siya? Paano siya naging apo ni Lola Madrid? "M-magandang Tanghali po, S-señorito L-lorenzo…" Nais kong tampalin ang bibig ko sa pagkaka buhol-buhol ng dila ko. Bahagya akong yumuko upang magbigay galang. Para na rin sana maitago ang mukha ko ngunit sa kasamaang palad ay nalaglag ang salamin ko sa sahig pagyuko ko. Napapikit ako. Dinampot ko ang salamin ko. Napa aray ako ng tumama ang ulo ko sa matigas na bagay at pagmulat ko ay si Lorenzo pala ang nauntog ko dahil pinulot niya ang salamin ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Pero agad ding nagbago ang reaksyon niya. Gumalaw ang panga niya. Nag isang linya ang labi niya at ang mga mata ay parang naging kutsilyo sa talas ng tingin sa akin. Iniwan niya ako at humarap siya kay Lola Madrid. "Lola Madrid, doon na muna ako sa kwarto ko. Nais ko munang magpahinga." "Sige, Apo. Rest well." Nakasunod ako ng tingin sa likuran niya. Umaasang lilingon siya pero hanggang sa makaakyat na siya sa hagdanan at mawala na sa paningin ko at hindi man lang siya nagtapon ng tingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD