"Oh? Hi! Baby Joshua! You are still cute as ever!" aniya ng babaeng nakaabresiete kanina kay Lorenzo. Bumitaw kasi ito kaagad ng makita kami at agad na pinirot ang pisngi ni Joshua. Ibig sabihin, kilala ni Joshua ang babae? "Karla, stop piching my chicks!" saway ni Joshua sa babae. So, Karla pala ang name niya. Titig na titig naman sa akin si Lorenzo hanggang sa biglang dumating si Joaquin na hinihingal pa. "Ba't ang tagal nyo? Kanina ko pa kayo hinihintay sa exit ng mall!" "Uhm, sorry. Nakita kasi ni Joshua ang daddy niya." wika ko at ngayon lang napagtanto ni Joaquin na nasa unahan namin si Lorenzo. Bahagya lang siyang yumuko din at ibinaling sa akin ang tingin. "Tara na?" aya sa akin ni Joaquin kaya naman inginuso ko si Joshua na pilit kinukulit nung Karla. "Tita Karla, I sai

