Pagkapasok namin ay agad niyang isinarado ang pinto. Unti-unti siyang humarap sa akin na titig na titig sa mga mata ko. "Lorenzo..." mahinang sambit ko sa kanyang pangalan. Kinakabahan ako dahil sa matalim niyang titig sa akin na para bang m,ay ginawa akong kasalanan sa kanya. "B-bakit mo ako dinala rito sa silid mo-" itatanong ko sana pero pinutol niya ang sasabihin ko. "Who's your talking earlier?" iyon agad ang bungad niya sa akin. Narinig ko pa ang pag-lock ng pinto kaya nahigit ko agad ang aking hininga. "D-diba sinabi ko naman sa'yo na kaibigan ko ang kausap ko kanina." Alibi ko pero talagang kinakabahan ako sa tuwing magsisinungaling ako. "Who?!" mas malakas ulit na tanong niya. Napakagat ako sa aking ibabang labi ng unti-unti na siyang maglakad papunta sa akin habang ako nama

