Kabanata 9 PILIT na nagmartsa ang babaeng nag-e-eskandalo. Napatago naman siya nang kaunti para huwag magmukhang nag-u-usyoso siya. Mabuti na lang at walang ibang tao sa floor building na iyon. Mukhang kahit si Donatello ay hindi roon nakaupo. Mukhang sa lower floor iyon. Ang mga bodyguards ng CEO ay pinipigilan ang babae pero nagpapatuloy iyon kahit na halos makita na ang panty. Lumabas si Juan Miguel sa opisina, nakapamulsa. "What's your problem, Valeria?" Maawtoridad na tanong ng binata sa babae na kaagad na natigilan. Umakto iyon na parang bata, "You didn't call me kasi after last night." "And that makes you think you're free to come and make a scene here? Ang aga-aga pa at Martes pa lang. You will ruin the rest of this week's remaining days. Wala akong ipinangako sa iyo na tawag

