Chapter 9.1 "WALA po akong itatanong. Bakit po? M-May dapat ba akong itanong?" Parang kinakapos ang hininga na sabi ni Helena. Ilang na ilang siya sa hindi makatarungan na titig nito sa mukha niya. He is so intimidating, so confident. Why wouldn't he? He is a billionaire. Natawa ito bigla sa sinabi niya, "You know it to yourself if you have something to ask. Besides, sumisilip ka sa peephole kahit alam mong wala ka naman makikita." "N-Napasilip lang po ako. Babalik na po ako sa elevator. Bababa pa po ba kayo? Pasensya na po at nakatulog ako sa oras ng trabaho." Iniba na lang niya ang usapan. Baka lalo siya nitong mapagkamalan na spy at magnanakaw dahil sa pagsilip niya. "Should I say it's okay?" Kibit ng lalaki. "Hindi po. Pwede niyo po akong parusahan kung gusto niyo." Ngumiti ito

