***Garett POV*** "GARETT!" Patiling tawag sa akin ni Bethany nang makita ako at malapad ang ngiting patakbong lumapit sa akin. Napapatingin pa nga sa kanya ang ilang bisita. Paglapit nya sa akin ay agad nya akong niyakap at hinalikan sa gilid ng labi na hindi ko agad naiwasan. "You're late. But it's okay. What’s important is that you’re here now." Ngiting ngiting sabi nya. "May importante lang akong ginawa kaya ngayon lang ako nakarating." "No problem, Garett!" Ngiting ngiti na wika ni Bethany na parang teenager pa na kinikilig. Pero alam kong arte lang nya yun. Ganito sya sa harap ng maraming tao. "How do I look, Garett? Bagay pa sa akin ang dress ko?" Tanong nya at bahagyang umikot para ipakita sa akin ang suot nyang dress na halatang designer. Maganda si Bethany. Bagay sa ka

