***Tala POV*** GINALA ko ang mata sa paligid ng malawak na living area ng ancestral house ng lolo ni Garett. Malawak yun. Mataas ang ceiling na may nakasabit na chandelier lights. Ang sahig ay yari sa kahoy pero nangingintab sa barnis. Nalalatagan lang ng alpombra ang living area. Ang sofa set ay pang royalty. Classic ang interior design ng ancestral house. Halos puro antigo din ang mga gamit na nakikita ko lalo na ang piano na nasa tabi ng main staircase na yari din sa kahoy na nangingintab. "Are you okay, babe? Ang tahimik mo?" Untag sa akin ni Garett na nasa tabi ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Ayos lang ako. Sinisipat ko lang 'tong loob ng ancestral house ng lolo mo. Para akong bumalik sa lumang panhaon. Wala bang multo rito?" Mahina syang tumawa at inakbayan ako. "Takot

