***Tala POV*** PINARK ni Sir Garett ang sasakyan sa gilid ng kalsada na katabi ng vulcanizing shop. Napansin ko namang nakatingin sa amin ang mga taong naroon sa vulcanizing shop partikular sa sasakyan na lulan namin. Pinatay na ni Sir Garett ang makina at in-unlock ang pinto. Tinanggal ko naman ang seatbelt at binuksan na ang pinto sabay baba. Nasurpresa pa ang isa kong kapitbahay na namamasukan sa vulcanizing shop nang makita ako. "O, ikaw pala yan, Tala. Hanep ang service mo, ha. Mersedes!" Nakangising bulalas ni Kuya Buyong. Nginisihan ko rin sya. "Sa kaibigan ng boss ko yan. Pwede bang maki-park muna dito?" "Walang problema." Ani Kuya Buyong. "Is there a problem, Tala?" Nilingon ko si Sir Garett na nasa likuran ko na pala. Bitbit nya ang binili nya kaninang dalawang box na

