Chapter 3

2294 Words
***Tala POV*** "THANK you so much, sir. Come back again." Magiliw na turan ko sa customer na lalaki nang iabot ko sa kanya ang order nyang kape, at kahit ilang na ilang ay pilit pa rin akong ngumiti sa kanya. "Sure. I will come back.. Thanks." Aniya at kinuha ang cup. Pero imbes na cup lang ang hawakan nya ay hinawakan din nya ang kamay ko na ikinapitlag ko. Mabilis ko namang binawi ang kamay. Ngumiti naman ang lalaki at binigyan pa ako ng makahulugang tingin bago tumalikod. Napakunot noo na lang ako habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Mukha naman syang disente base na rin suot nya. Katamtaman lang ang height nya at pangangatawan. Mukhang nasa bente lang din mahigit ang kanyang edad. May suot syang salamin at may suot ding ID. Mukhang empleyado sya na nagtatrabaho lang sa malapit na building. "Kilala mo ba yung customer na yun? Ngayon ko lang yun nakitang pumasok dito." Untag sa akin ni Ethel. Lumingon ako sa kanya. "Hindi ko sya kilala. Ngayon ko nga lang din sya nakita eh." "Talaga? Pero kung titigan ka parang gusto ka ng lusawin ah." "Kaya nga eh. Ang weird nya." Sabi ko. "Akala ko nga kilala mo, eh." "Hindi, no." Kinalimutan ko muna ang tungkol sa weird na lalaking customer ng sunod sunod nang pumasok ang mga estudyante. Present din ang tatlong makukulit na kolokoy boys na nagpaunahan pang lumapit sa akin. Natatawa at naiiling na lang ako sa kanila. Mga senior high school sila at nag aaral sa private university. Galing sa may kayang pamilya. Wika nga ni Ethel, sanaol. Mabilis kong dinukot sa bag ang de-tupi kong payong dahil pumapatak na ang ulan. Agad ko yung binuksan at sumilong. Malalaki ang hakbang kong tinungo ang waiting shed kung saan pwedeng sumakay ang mga pasahero ng jeep. May ilan ilan na ring pasaherong nag aabang doon. May mga estudyante at workers ang naroon. Bahagya pang lumakas ang buhos ng ulan. Mabuti na lang at pinaalala ni Lola Puring kanina ang payong bago umalis. May humintong jeep sa harapan namin. Pinauna ko munang sumakay ang mga nauna sa aking nag abang hanggang na mapuno na yun. Meron namang sumunod na jeep na huminto din at doon na ako sumakay. "Bayad po." Wika ko at inabot ang bayad sa unahan. Nagmagandang loob na kinuha naman yun ng isang high school student at inabot sa driver. Nagpasalamat naman ako. Umayos na ako ng upo at tumanaw sa labas ng pintuan ng jeep. Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan. Medyo nababasa na nga ang nasa unahang jeep dahil umaanggi ang ulan kaya binuksan na nya ang payong na hawak at pinangsangga. Swerte naman na nasa bandang gitna ako kaya di ako naanggihan. Bumuntong hininga ako. Medyo masikip sa kinauupuan ko dahil puno. Pero mamaya lang ay luluwag na yun kapag may bumaba na. Nilibang ko na lang ang sarili sa pagtingin tingin sa labas ng jeep. Dumako ang tingin ko sa itim na sasakyan na kasunuran lang ng jeep. Buti pa ang mga mayayaman. Nakasakay sa mamahalin nilang sasakyan at di alintana ang malakas na ulan sa daan dahil hindi naman sila nababasa. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaunting inggit. Kaya nga ako nagsusumikap sa buhay para maging magaan ang buhay ko at buhay ng pamilya ko. Someday magkakaroon din ako ng sasakyan. Pagdating sa bahay ay may bisita kaming hindi inaasahan. Si papa at ang pangalawang asawa nya kasama ang dalawa nilang anak na lalaki. "Tala, dumating ka na pala. May dala kaming pagkain ng Tita Risa mo. Magmeryenda ka." Nakangising anyaya sa akin ni papa nang makita ako sa pintuan. Bumuntong hininga ako. Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko nang makita sila dito. Paghubad ko ng sapatos ay pumasok na ako sa loob ng bahay at sinabit ko ang bag sa may pako na nasa dingding. Lumapit ako kay Lola Puring na nasa kusina at nagmano. Tumingin sya sa akin at ngumiti lang. Dama kong may gusto syang sabihin pero piniling manahimik muna. Nilapitan ko naman si Maki na nasa mesa at sarap na sarap sa kinakaing pansit. Bukod sa pansit na nasa bilao ay meron ding lumpia at ice cream. "Ate, kumain ka na. Ikukuha kita ng plato." Yaya sa akin ni Maki at akmang aalis sa upuan para ikuha ako ng plato pero pinigilan ko sya. "Hindi na. Mamaya na ako kakain." Tinuloy na ng kapatid ko ang pagkain. Hinarap ko ang ama at ang pamilya niya. Magagada ang bihis nila. Bagong gupit si papa at bago ang damit pati na sapatos. Si Tita Risa naman ay posturang postura at namumula pa ang pisngi sa blush on. Pulang pula din ang lipstick nya at bagong rebond pa ang buhok na kulay brown. Mas maputi sya ngayon kesa noong huli ko syang nakita. Mukhang lumalaklak ng gluta o kaya nagtuturok. Kumikinang din ang suot nyang gold na kwintas, relo, bracelet at singsing na may malaking bato pa. Ang dalawa nilang anak na lalaki ay magaganda din ang bihis at halatang bago ang damit. May hawak pa ang mga itong tig isang tablet. Parang biglang pumait ang panlasa ko at nakaramdam ako ng inggit at awa para sa kapatid ko. Buti pa ang dalawang anak nila ay magaganda ang damit at may tig isa pang tablet. Samantalang ang kapatid ko ay halos puro luma na ang mga damit at nagtitiyaga lang manghiram ng lumang cellphone sa kalaro o kaya sa cellphone ko. "Ang sabi ng lola mo may bago ka na raw na trabaho. Anong trabaho mo?" Tanong ni papa. "Sa coffee shop po." Tipid na sagot ko. "Sa coffee shop? Eh magkano lang ang su-swelduhin mo doon? Kung gusto mo irerekomenda kita sa kakilala kong may ari ng — " "Ano po palang ginagawa nyo rito?" Tanong ko at hindi pinatapos ang sasabihin ng ama dahil hindi naman ako interesadong marinig yun. "Ah, nandito kami para dalawin kayo ni Maki. Birthday kasi nitong bunso nyong kapatid na si Roni. Kumain lang kami sa restaurant tapos nag take out kami at bumili na rin ng ice cream para sa inyo ni Maki." Sagot ni papa. "Ang sarap ng pansit, papa. Salamat po." Wika ni Maki na puno pa ng pansit ang bibig. "You're welcome, anak. Kain lang ng kain." Nakangising sabi pa ni papa. "Mas masarap kaya yung kinain namin kanina sa restaurant. Lechon at fruit salad. May cake pa." Pagyayabang ni Ryan ang panganay na anak ni papa at Tita Risa. Mas bata ito ng isang taon kay Maki. "Quiet ka na lang anak. Baka mainggit yan sayo." Saway ni Tita Risa sa anak. Ngumisi ako. Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila ni Tita Risa. Sya kasi yung klase ng kabit na mas matapang pa sa tunay na asawa. Naalala ko pa noon, inaway away pa nya si mama. "Hindi inggitero ang kapatid ko." Turan ko. Taas ang kilay na lumingon sa akin si Tita Risa at ngumisi rin. "Talaga lang, ha? Eh kanina nga gusto nyang magpabili din ng tablet kay Fred eh." Kung gaano kataas ang kilay nya ay tinapatan ko yun. "Ano naman kung magpabili ang kapatid ko ng tablet kay papa? Karapatan naman nya yun dahil anak sya." Hindi nakaimik si Tita Risa at inirapan ako. Inirapan ko rin sya. Kung dati ay hindi ko sya malaban dahil bata pa ako, ngayon ay hindi ko sya uurungan. "Tama na nga yan. Sige na, ibibili ko ng tablet si Maki." Wika ni papa. "Talaga po, papa? Ibibili nyo na ako ng tablet?" Tila di makapaniwalang bulalas ni Maki. "Oo, 'nak. Ibibili kita." "Sigurado bang ibibili nyo sya ng tablet?" Naninigurong tanong ko. "Oo, ibibili ko sya. Ito naman nagdududa pa." "Sigurado po yan papa, ha. Dati kasi nagpabili ako sayo ng cellphone di mo ko binili. Tapos nag promise ka sa akin ng bibilhan mo ko ng bagong sapatos pero wala naman." Nakangusong wila ni Maki. Tumingin ako sa ama at ngumisi. Kumamot naman sya sa batok na tila ba napahiya. Pero alam ko namang walang hiya sya. Magaling lang sya sa pangalawa nyang pamilya at tira tira lang ang binibigay nya sa amin ng kapatid ko. Kahit nga hindi na ako at ang kapatid ko na lang. Pero madalas ay wala syang binibigay maski tira. "Ang dami mo naman kasing hinihingi sa papa mo. Ano bang akala mo sa papa mo, mayaman?" Ani Tita Risa. Napayuko naman si Maki at tinuloy na lang ang pagkain. "Uulitin ko Tita Risa, may karapatang manghingi si Maki kay papa. Obligasyon nya si Maki dahil anak nya ito. Lehitimong anak." Mariing wika ko at bumaling kay papa. "Sana naman po, pa, kung mangangako kayo kay Maki tuparin nyo naman, hindi yung lagi nyo na lang syang pinapaasa." "Eh ano ang gagawin ko? Minsan walang wala ako." Akmang sasabat pa ako pero tinawag na ni Lola Puring ang pangalan ko. Napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko pa sanang makipag talastasan sa ama pero pinigil ko na lang ang sarili. Siguradong mauuwi lang kami sa pagtatalo. Idagdag pa na gatungera ang pangalawang asawa nya. Umakyat na lang ako sa taas para magbihis. Nag stay lang din ako doon at hindi muna bumaba. Ng tumila naman ang ulan ay nagpaalam na rin sila papa kay Lola Puring at Maki. Saka lang ako bumaba ng wala na sila. . . ***Garrett POV*** "SIONIE, may delivery akong darating. Ikaw ang mag receive." Bilin ko sa kasambahay pagbaba ko ng hagdan. "Opo, ser. Anong oras po darating?" "Hindi ko alam ang eksaktong oras. Siguro ay before lunch." "Sige po, ser." Anang kasambahay at inabot na sa akin ang leather briefcase ko. Kinuha ko naman yun at naglakad palabas ng maindoor. Lumapit ako sa sasakyan ko at binuksan yun. Umupo ako sa driver seat at nilapag sa passenger seat ang briefcase. Sinarado ko ang pinto at kinabit ang seatbelt. Binuhay ko ang makina at minaniobra na ang sasakyan palabas ng gate na binuksan na ng security. Kasalukuyan kong tinatahak ang kahabaan ng kalsada patungo sa office nang tumunog ang cellphone ko na nasa dashboard. Dinampot ko yun at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makitamg ang secretary ay agad ko yung sinagot. "Good morning, sir." Bati ng secretary ko sa kabilang linya. "Is there a problem?" Kunot noong tanong ko. "Eh parang ganun na nga po, ser." Lalong kumunot ang noo ko. "Anong problema?" "Nasa loob po ng office nyo si Ma'am Bethany. Kadarating lang po nya at hinihintay kayo." Bumuntong hininga ako. "Ano raw ang kailangan nya?" "Wala pong sinabi, ser. Basta hihintayin daw nya kayo." "Alright. Hindi muna ako didiretso dyan." "Eh, ano po ang sasabihin ko ser kapag nagtanong kung bakit wala pa kayo?" Ngumisi ako. "Ikaw na ang bahala Jel. May bonus ka sa akin kapag napaalis mo sya." "Sige po, ser. Ako na po ang bahala. Tawagan ko na lang po kayo kapag umalis na sya." Binaba ko na ang cellphone at pinatay sabay ngisi. Alam kong kayang gawan ng paraan ng secretary ko na mapaalis si Bethany. Kung bakit ba naman kasi ang aga aga ay pumunta na sa opisina ang babaeng yun. Wala akong panahon sa pangungulit nya. Si Bethany ay kinakapatid ko. Anak sya ng ninang ko sa binyag. Makulit ang babae at hindi naman lingid sa kaalaman ko na gusto nya ako. Pinangalandakan pa nga nya yun noong birthday ng papa ko. Natuwa pa si papa at boto sya sa dalaga. Simula noon ay lakas loob ng nangungulit sa akin si Bethany. Minsan ay kakuntyaba pa nya ang mommy nya. Muli akong bumuntong hininga at umiling iling. Maganda naman si Bethany. Maganda ang katawan at galing sa prominenteng pamilya. Yun nga lang ay spoiled brat at masyadong liberated. She is not my ideal woman. Isa pa ay may nagugustuhan na akong babae. Napangisi ako nang maisip si Ciella. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ng dalaga. Kinabig ko ang manibela at nag u-turn. Pupuntahan ko na lang muna ang dalaga sa coffee flower shop nya habang naghihintay ng tawag ni Jel. Bibili na rin ako ng kape. "Good morning." Bati ko sa kaibigan ni Ciella na syang naabutan ko sa counter ng flower shop at abala sa sinusulat sa resibo. Nag angat sya ng tingin at ngumiti nang makita ako. "Ay, ikaw pala yan, Garett. Good morning. Long time no see, ah! Saka parang lalo kang gumugwapo." Bati nya at hinagod pa ako ng tingin. Napangisi na lang ako sa sinabi ni Pinky. "Yeah, long time no see. Napadaan lang ako para bumili ng kape. Where's Ciella?" Tanong ko sa kanya. "Wala sya, eh. Three days na. Medyo busy kasi ang lola mo." "Ganun ba." Nanghihinayang na sabi ko. Akala ko ay makikita ko ang dalaga dito. "Oo, ganun na nga. Uy, bili ka na ng bulaklak. Pang buena mano." "Aanhin ko naman ang bulaklak?" "Pwede mong ilaga at gawing tsaa kung bet mo." Kinunutan ko sya ng noo. "Charez lang! Syempre, ibibigay mo sa someone special mo maliban lang kay Ciella dahil hindi na sya available — I mean hindi sya available today dahil busy sya. Sige na, bili ka na. Pang buena mano lang." Pangungulit pa nya. "Oo na, bibili na." "Yess! Hindi ka lang super gwapo, the best customer ka pa! As usual ba?" Nangingising tumango ako at inabot ang card sa kanya. Nag excuse ako at pumasok sa coffee shop para bumili ng kape. May mangilan ngilan ng customer na nagkakape sa loob. Lumapit ako sa bakanteng counter. Lumapit din ang isang crew na babae na ngayon ko lang nakita dito sa shop. "Good morning, sir. Welcome to Haven La Fleur Cafe. What can I get for you?" Umawang ang labi ko habang nakatitig sa magandang mukha ng babae na may matamis na ngiti sa labi. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD