Mataas ang tirik ng araw at puno ng hagikgikan ang paligid habang naghihintay ang lahat sa tapat ng gusali ng Baltazar Events. Nang dumating ang mga bus na sasakyan ng mga empleyado, nagpalakpakan ang mga ito. Sa isang gilid ay walang sigla na nakatayo ang dalaga na si Roshane. Tinanggal niya ang suot na sunglasses saka isinukbit ang dalang backpack sa kanyang likod. Hahakbang pa lamang siya upang sumakay nang may kamay na humila sa kanyang braso. “You’re not planning to ride the bus, are you?” usisa ni Gale at tinaasan siya ng kilay. “Tara, doon tayo sa kotse ko. I’ll drive.” Luminga ulit ang dilag sa kanyang team na lumululan na sa bus. “Pero hindi ba magmumukha tayong snobs niyan kung hindi tayo makikisalamuhan sa kanila?” “Save it for the camp,” tumatawa-tawa na bulalas nito at

