“Oh, bat hindi kayo magkasama ng roommate mo?” untag ni Gale sa binata habang pinapanood nila na magtipon ang BD teams sa camp grounds. Siniko nito ang tagiliran niya nang hindi niya ito binigyang pansin. “Don’t tell me you didn’t make a move? Universe na gumagawa ng paraan oh.” Ngumiwi lamang si Nicollo at muling iginala ang kanyang mga mata. Sa isang gilid ay natagpuan niya sa wakas ang tanawin na hinahanap-hanap ng kanyang paningin. Nasa isang gilid ang dalagang si Roshane kasama ang mga ka-team nito. Mula noong naabutan siya nito na nagbibihis ay iwas na iwas na ang dilag sa kanya. Nagmamadali pa nga ito na lumabas kanina para lang huwag sila magkasabay sa pananghalian. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa tuwing naaalala niya ang kakatwang itsura nito. It’s been a while since he

