Malamig ang ihip ng hangin sa camping grounds ngunit tila nagliliyab ang buong katawan ni Nicollo habang patuloy na inaangkin ang labi ng dalagang si Roshane. Habang lumalalim nang lumalalim ang halik na iyon ay unti-unti rin nawawaglit sa kanyang isipan ang katotohanan na hindi na niya kasintahan ang dilag. Nothing else mattered to him right now. Awtomatiko na gumapang ang kamay niya mula sa balikat pababa sa bewang nito. Mas lalo pa niyang hinila ito palapit. Habang ang dilag nama’y walang nagawa kung hindi paatuloy na tanggapin ang malambing niyang pagsusumamo. “Mahal kita,” hingal na bigkas niya sa pagita ng mapupusok niyang mga halik. “I don’t think I can ever stop.” Matapos bigkasin ang mga kataga na iyon, naramdaman ng binata ang pagtulak nito palayo. Ito ang nagpabalik sa kan

