“A-ano?” Batid ni Nicollo na hindi ito ang tamang lugar at oras na sabihin kay Roshane ang mga nalaman niya. But what’s the point of keeping it a secret from her? Hindi maglalaon ay mapapansin din nito ang pagkawala ni Henry sa opisina at mapipilitan siya na sabihin ang lahat. “To be specific, she used Henry.” Mabilis na tinugunan ni Gale ang gulat na usisa ng dalaga. Nang hindi pa mapawi ang duda sa mukha nito ay tumango-tango na lamang ito habang nagmamaneho. “I know. Gulat na gulat din ako nung malaman ko. Pero iyon ang findings ng IT at Security department. Nakita namin lahat ng ebidensya.” “Gusto ko sana na si Henry mismo ang magsabi sa’yo,” dagdag pa ng binata at nagbuntong-hininga. “But seeing that you have no idea about it, I don’t think he has the guts to tell you.” “Pero

