Sinasabi ko na nga ba saliwaan ‘yan, eh. What a user.
Why is she still at the company?
Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya?
Malanding tunay. Kaya siguro sila naghiwalay noon, no?
Ilan lang ito sa mga komento sa isang group chat kung saan kumalat ang litrato ni Roshane kasama si Cailen at Nicollo. Umaalingawngaw sa isipan ng dalaga ang mga ito habang tinatahak niya ang daan palabas ng ospital.
Tila umiikot ang kanyang paningin. Kahit saan siya tumingin, pakiramdam niya ay pinagtatawanan at minamata siya ng mga tao na kanyang dinaraanan. Hindi niya na alam kung gaano kalayo ang kanyang narating, basta’t nagpatuloy siya sa paglalakad habang wala pa sa tamang wisyo.
“Are you okay?”
Ang pamilyar na tinig na iyon ang nagpabalik sa natutuliro niyang isipan. Dito na siya natigilan at umangat ng tingin. Nang bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng dating kasintahan, mas lalo lamang bumigat ang kanyang dibdib. Everything finally sank into her, and she bursts into tears.
Kaagad siya na dinaluhan ng binata at ikinulong sa isang mahigpit na yakap. Hinaplos-haplos nito ang kanyang likuran habang siya naman ay patuloy sa paghagulgol. Pilitin man niya ang sarili na kumalma, patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.
“It’s okay. Everything will be okay,” bulong nito sa kanya.
She knows it won’t. Sa wangis pa lamang ng binata kanina, batid na ni Roshane na hindi isang simpleng gulo ang kinasangkutan niya. Higit sa mga masasakit na salita sa group chat na ‘yon, mas nangangamba siya sa kahihinatnan ng kanilang mga proyekto.
Lahat ng pinagpuyatan ng kanyang team at ni Nicollo ay nanganganib na nawala dahil lamang hinayaan niya ang sarili na ma-involve kay Cailen Lorenzo. If she wasn’t so keen on getting on with something new just to get over her past relationship, this wouldn’t have happened!
“I ruined the project, Nicollo. Masasayang lahat ng pinaghirapan….”
“Shh. Wala kang sinira. It’s not your fault,” mariin na putol nito sa pagsasalita niya. Nakayuko man siya at patuloy na umiiyak, halata sa himig ng binata ang determinasyon. “I won’t let that happen. Don’t worry.”
Hindi malaman ni Roshane kung gaano katagal siyang umiyak. Ang suno na lamang niya na napagtanto ay naka-upo na siya sa loob ng sasakyan ni Nicollo at nasa andungan niya ang kahon ng tisyu na inabot nito.
“I’m sorry,” mahinang bulalas niya kasunod ng pagdampi sa gilid ng kanyang mata. “Masyado lang akong nagulat sa mga nangyari. I’ll find a way to fix this as soon as I can to calm the investors down.”
“Why are you saying sorry? May ginawa ka bang masama?”
Yumuko ang dilag at pinisil ang sariling palad. “Hindi dapat ako nakipaglapit kay Cailen Rex Lorenzo. No matter how insistent he was, I should’ve known it would cause conflict of interest.”
Hindi ito kaagad sumagot. Mula sa gilid ng kanyang mga mata’y nadarama niya ang pagtitig nito sa kanyang direksyon. Sa hindi malaman na dahilan, nanaig sa kanya ang pagkailang. Bigla niya naalala ang pagyayakapan nila kanina at ang paghagulgol niya sa harapan nito.
Nag-init ang magkabila niyang pisngi, kaya naman luminga siya sa labas ng bintana upang huwag itong ipahalata. What was she thinking? Wala lang ba siya sa wisyo kaya niya hinayaan ang sarili na makulong muli sa bisig nito?
“Hindi ka pa rin nagbabago. Palagi mo pa rin sinisisi ang sarili mo sa mga bagay na hindi naman ikaw ang may kasalanan.”
“Then, whose fault is it?”
“I don’t know. Perhaps, the world is just too narrow minded.” Nagbuntong-hininga si Nicollo. Sumandal ito saka hinagod ang anit gamit ang mga daliri. “Ituturo nila ang mga daliri nila sa mga bagay na sa tingin nila magpapa-angat sa mga dignidad nila. They’d act high and mighty, pretending they have the right to throw rocks at someone.”
“Hindi ko alam na makata ka pala,” sarkastikong puna niya rito at tuluyan na sinalubong ang tingin nito. “Regardless, I should be the one fixing this. You’re already caught in the middle, ayoko na mas maapektuhan ka pa dahil dito.”
“No, I’ll handle this.”
“Nicollo…”
“Labas na ang nakaraan natin sa bagay na ‘to. You work for my company, and I have the responsibility to defend my employee if I think na hindi siya natatrato ng tama.”
“Pero alam mo na mas lalala lang ang sitwasyon kapag nangialam ka,” may himig na ng inis ang tinig ng dilag. “You’ll just prove them right.”
“Who cares what they think? Gagawin ko ‘yung alam kong tama. You know me, Shane.”
“Yeah, I know you. Alam ko na hindi mo papalampasin ang ganitong mga bagay,” napahilamos ng mukha si Roshane. “But what about me? Doing this makes me feel pathetic.”
Nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Hindi niya sinasadyang sabihin iyon. Sadyang awtomatiko na lamang na lumabas sa kanyang bibig ang tunay niyang nadarama. Nang makita niya ang bahagyang pag-awang ng labi ni Nicollo, alam na niya na hindi matatapos nang maganda ang kanilang pag-uusap.
“Doing this makes you feel pathetic?” paguulit nito sa kanyang sinabi.
Hindi na niya malaman kung paano tutugunan ang binata kaya tuluyan na napapikit si Roshane. Bahagya niyang sinabunutan ang sarili upang gisingin ang kanyang diwa at tumagpi ng mga kataga sa kanyang isipan. She tried to think, but there was no other way to put it.
“Yes. Wala na tayo Nicollo. I can’t keep relying on you.” Kinagat niya ang kanyang labi saka muling bumaling sa dating kasintahan. “I feel pathetic because I still find myself comfortable crying in front of you. Hindi na dapat, eh. I shouldn’t lower my guards around you, but I still did.”
Unti-unti na nanlambot ang ekspresyon sa mukha ni Nicollo. Pakiramdam niya’y matutunaw siya habang patuloy silang nagpapalitan ng tingin. If she was standing, there’s no doubt that she’d feel weak in the knees with the way he was staring at her.
“Do you have any idea how much you make me feel so restless?” saad nito kasunod ng bahagyang pag-iling. Ang buong akala niya ay magpapatuloy pa ito sa pagsasalita ngunit bumaling na ito sa manibela at binuksan ang makina ng sasakyan. “Ihahatid na kita pauwi. Kailangan mong magpahinga.”
“No, it’s okay. May sakayan naman ng taxi malapit dito.”
“Sa tingin mo hahayaan kita umuwi ng mag-isa sa ganyang kalagayan mo?”
Napatingin si Roshane sa kanyang repleksyon. Maga ang mga mata, magulo ang buhok, at gusot ang damit. Nagkukumahog niyang isinuklay ang mga daliri sa mga hibla ng kanyang buhok at pinukulan ng masamang tingin ang binata.
“Bakit hindi mo sinabi na ganito ang itsura ko?”
“Why?” he smirked and began driving. “Wala namang kakaiba sa itsura mo, ah.”
“You…” Natigilan siya nang mapagtanto na gumagalaw na ang sasakyan. “Hey!”
“Don’t worry, kabisado ko pa naman ang daan.”
“Nicollo, andoon si Papa. If he sees you…”
“That’s good, I have to talk to him anyway.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Kakausapin mo si Papa? Nahhihibang ka na ba? Do you remember what he told you last time you saw each other? Hindi siya nagbibiro.”
“I know, but I’ll still take the risk. After all, alam ko na siya lang naman ang pakikinggan mo.”