“Roshane, pumasok ka sa loob.”
Ito ang bungad ng ama ni Roshane nang makita na kasama nito si Nicollo. Hindi na ito ikinabigla pa ng binata. Hindi na ikinabigla ng binata ang matalas na tingin nito sa kanyang direksyon. After all, the man did warn him to never show himself in their household ever again.
Sa eksaktong lugar kung saan siya nakatayo ngayon, sinubukan niya na magmakaawa kay Roshane na makipagbalikan sa kanya. Ilang araw pa lang noon mula nang hindi niya tanggapin ang proposal nito sa harap ng kanilang mga pamilya at kaibigan.
Sariwa pa ang matinding galit nito sa kanyang alaala. It was the first time he saw him in a full-blown rage. Kilala kasi bilang mahinahon at mabait na tao ang ama ng dalaga.
“Papa,” may himig ng pagsusumamo ang tinig ng dilag. Hinawakan nito sa braso ang ama sa pagbabaka-sakali na mapigilan ito. “Please, don’t. Hinatid niya lang ako rito.”
“Reema, ipasok mo sa loob ang kapatid mo. Ngayon na.”
Mula sa likuran ng nakatatandang Montallana, kasunod ang kanilang ina, lumitaw si Reema. Katulad ng ama’y pinukulan siya nito ng isang masamang tingin bago hinila si Roshane palayo sa kanya.
“Anak, halika na.” Tuluyan na lumapit ang kanilang ina nang magpumiglas ang dalaga mula sa nakatatandang kapatid. “Hayaan muna natin silang mag-usap.”
Bumaling ng tingin si Nicollo sa dating kasintahan at marahan na tumango kasunod ng isang malumanay na ngiti. He wanted to soothe her worries, but he knew there’s a very little chance she would feel at ease given the situation they’re in.
Hinintay niya na makapasok sa loob si Roshane kasama ang ina at kapatid nito bago ibalik ang tingin sa kaharap. Sa matigas na ekspresyon ng mukha nito’y batid niya na hindi siya nito iimikin hangga’t di niya ipinaparating nang ayos ang kanyang intensyon.
“I have something to tell you, sir.”
“Hindi ba binalaan na kita?” tanong nito imbes na tugunan ang sinabi ni Nicollo. “Bakit, hijo? Hindi ka ba naniniwala na makakaya kong gawin ang sinabi ko?”
“Wala po akong masamang intensyon sa pagpunta rito,” kalmado na pagpapatuloy niya. “Gusto ko lamang po na humingi ng pabor sa inyo. Isang pabor na alam kong kayo lamang ang makakagawa.”
“Hijo, noong araw na sinaktan mo ang anak ko, nawalan ka na rin ng karapatan na humingi ng kahit anong pabor sa’kin.”
“Alam ko po. Pero mangangahas pa rin po ako na sabihin ito sa inyo dahilan alam ko na ito lamang ang solusyon upang ma-protektahan si Roshane.”
Napahawak ang binata sa kanyang batok. Saglit siyang natahimik, sinubukan na hanapan ng tamang salita ang nais iparating. Dahil dito’y nagsalubong ang kilay ng kausap. Tila nadama nito ang bigat ng sitwasyon na kanyang kakaharapin.
“Anong ibig mong sabihin? Tungkol ba ‘to sa pagpasok niya sa kompanya ninyo?”
Kasunod ng kanyang pagtango ay ang pagpinta ng dismaya sa mukha nito. Hinilamos ng matanda ang magkabilang mga palad sa mukha at saglit na napapikit upang kalmahin ang sarili.
“I’m sorry, sir. I know this will sound ridiculous to you, pero gusto kong protektahan siya.”
“Protektahan? Napakalaking bagay niyan para manggaling sa tao na wala nang kinalaman sa buhay ng anak ko,” mariin na puna ng ama ni Roshane. “Lilituhin mo na naman ba siya? Hindi pa ba sapat na tinitiis niya ang mga bulung-bulungan sa opisina ninyo?”
“That’s why I’m not trying to solve it myself. Kaya po lumalapit ako sa inyo. Because I know that she wouldn’t accept my help no matter what my intentions were.”
Matapos ang mga katagang iyon ay tahimik na pinakinggan nito ang kanyang suhestiyon. Ipinaliwanag din ni Nicollo ang bawat detalye ng mga pangyayari upang maintindihan nito ang maaaring maging epekto ng mga tsimis na iyon sa karera ni Roshane.
Kinahapunan, dumiretso ang binata sa opisina. Hindi na niya naasikaso pa ang welcome party ng kapatid na si Nicoleen at ng bagong pamangkin. Pinakiusapan na lamang niya si Nathan at Leontine na ayusin ito.
“Sir, calls from investors and members of the board are flooding in.” Bakas sa mukha ng sekretaryang si Jasmine ang pagka-bahala habang hawak ang telepono. “Sinabi ko po na naka-day off kayo dahil iyon ang nasa schedule, pero tumatawag pa rin po sila.”
Napasapo siya sa noo at tumango. “Arrange a meeting tonight. If possible, schedule them all at the same time and place. Wala na tayong oras para isa-isahin pa sila. We’re talking about one issue anyway.”
“Noted, sir.”
“And oh,” tumayo siya mula sa kanyang office desk at inilapag ang hawak na papel. “Na-track na ba ng IT department kung saan at kanino galing ang post sa bulletin? O kung paano nabuo yung groupchat na puro empleyado natin ang kasali? Was our system breached?”
“Yes, sir. I have it right here.” Pumindot si Jasmine sa hawak na tablet PC bago inilapag ito sa harapan ng binata. “Based on reports, na-track nila na pinost ito galing sa isa sa mga PC sa team ni Ms. Montallana.”
“What?” Napalakas na tanong ni Nicollo saka tinignan ang screen ng tablet na inabot ng sekretarya. “Her team?”
“Yes,” huminga ng malalim si Jasmine. “Kahit po ang group chat, it was created anonymously in a software na naka-install sa kaparehong computer.”
“And whose computer is it?”
“Bagong order po iyon ng team kaya wala pa rin na naka-assign na employee number sa unit, pero….”
“Pero? You know who it belong to?”
Tumago ang kanyang sekretarya. “It was for the new employee. Yung referral po na pina-process ninyo from Baltazar’s Finest.”
“Vanessa,” halos sabay nila na naibulalas habang nakatingin sa isa’t isa.
“However, we can’t be so sure,” mabilis na agap ni Jasmine. “Lalo na, hindi tayo sigurado kung may ibang naka-access sa unit niya. We can’t just jump into conclusions that it was her.”
“Did you check the CCTV? See if she’s in the office the time it was posted.”
“Ginagawa na po ngayon ng security team. We’ll here from them in an hour or two.”
“Good. That’s good.”
“Sir,” pigil nito sa akma niyang pagbalik sa kanyang lamesa. “May kailangan pa po kayong makita.”
“What now? Another problem?”
“Here,” inabot nito ang mga papeles sa kanya.
“What’s this?” Nagsimula ang binata na basahin ang mga nakasulat dito. “Revised proposal?”
“It was sent to my email last night. Dapat sa Monday ko na lang po ipapakita sa inyo pero noong kumalat ang litrato ni Ms. Montallana, I thought this could be a related incident,” paliwanag nito.
“Kanino ito galing? From Vanessa?”
“No, sir. It was from Henry.”
“Henry?” Tumaas ang kilay ni Nicollo. “The senior team member of the team? Iyong kasama ni Roshane magpresent? Is that right?”
“Yes, sir. It’s him.”
“At sa tingin mo related ang proposal revision na ‘to sa mga nangyari?”
“The timing is impeccable, sir.” Napakagat ng labi si Jasmine. “At isa pa, revisions mostly came from Ms. Montallana herself. Ito ang unang beses na si Henry ang nag-send sa’kin ng email regarding the project.”
“That’s odd.”