Chapter 11 - What Does It Take To Forgive

2267 Words
Bunga ng nangyari kay Roanna, nagpasya si Roshane na hindi muna magtrabaho ng ilang araw upang alagaan ang kapatid. Dahil nasa ibang bansa pa ang kanilang mga magulang at may kanya-kanyang trabaho ang mga kapatid, siya ang nag-prisinta na gawin ito. Inabot lamang ito ng tatlong araw sa ospital. Kaya naman nakabalik na siya sa trabaho nang sumunod na linggo. Katulad ng kanyang inasahan, natambakan siya ng mga gawain sapagkat patungtong na ng phase one ng development ang platform na prinopose ng team niya. Napadalas din ang mga all-nighter nila kaya naman halos sa opisina na rin siya nanatili nitong mga nakaraang araw. “Hello, mars.” Masiglang lumitaw si Gale sa pintuan ng kanyang opisina. Mula nang makabalik siya’y ito ang unang beses na nakita niya ang katrabaho. “Oh, bat haggard na haggard ka d’yan? Mag-break ka nga muna.” Inilapag nito sa kanyang harapan ang isang cup ng milktea at kumindat. Hindi naman niya naiwasan na mapangiti sa ginawa nito. “Salamat, Gale. You’re the best.” “Ah, sus. Nambola ka pa, bakla ka ng taon.” Ngumuso ito at umupo saharap ng office desk niya. “So, ano na nangyari dun sa invite ni Cailen? Tinapat ka na ba? Did he ask if he can court you? Dali, spill the tea!" Pinukulan niya ng masamang tingin ang katrabaho bago humigop ng milktea gamit ang straw. "Talagang sinuhulan mo pa 'ko ng milktea just to get updates?" angil ng dilag dito. "We did go on a brief coffee date. Pero hanggang doon lang 'yon." Halos mapatalon sa kinauupuan si Gale dahil sa sinabi niya. She even leaned closer to her desk to contain her excitement. "And then? Anong nangyari? Magde-date ba kayo ulit? Kailan? Saan?" "Hindi namin napag-usapan. Isa pa, hindi naman din nagtagal ang date na 'yon." "What?" Napalakas na bulalas nito kaya bahagyang napatingin ang mga ka-team ni Roshane. "I mean, bakit? Hindi ba naging maganda chemistry ninyo? Na-turn off ka?" "Something came up, so I had to leave." Ibinaba niya ang cup ng milktea sa ibabaw ng desk at ibinalik ang tingin sa computer screen. "Bigla rin lumitaw si Nicollo kaya mabuti na rin na na-cut short ang date na 'yon. Those men are always at each other's throats." "Nandoon din si Nicollo?" Napa-iling na lang si Roshane sa alaala ng gabing iyon. Muli rin nagbalik sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ni Nicollo sa ospital. Ilang araw na ang lumipas, ngunit nahuhuli pa rin niya ang sarili na sinasariwa ang mga kataga ng dating kasintahan. What's wrong with her? Why is she acting weird these days? "Huy. Andun nga siya?" muling untag ni Gale nang di siya sumagot. Nang tumango diya upang kumpirmahin ito'y napapalakpak ang kaibigan sa ere. "Wow, he's really taking my advice , huh?" "Advice? Anong advice?" "H-ha? Wala." Kumamot ito ng ulo at ngumisi. "Anyway, paano pala kung magyaya ulit si Cailen ng date? Tatanggapin mo ba?" Napakagat ng labi si Roshane. Pinakiramdaman niya ang sarili. Did she feel excitement at the mention of his name or a possibility of a second date? Strangely, there was none. Pakiramdam niya'y hindi siya nananabik na mangyari uli ang bagay na iyon o kahit ang muli nilang pagkikita. "I don't know," tumigil siya sa pagtitipa sa keyboard at sinalubong ang tingin ni Gale. "Should I?" "Well, you don't look very thrilled." "Is that a bad thing?" Nagbuntong-hininga ang kaibigan at napahawak sa sentindo. "The Nicollo magic is hard to dispel, isn't it?" "Shut it," inis na saad niya at inirapan ang kaharap. "Bumalik ka na nga sa office mo. Marami pa kong tatapusin." "Huy, affected?" Natatawa na pambubuyo ni Gale bago tumayo mula sa kinauupuan. "Alam mo, Shane, you're wearing your heart on your sleeve. You should tuck inside quite a bit, or else it'll be the same thing over and over again." Kumunot ang noo ng dalaga at tiniklop ang magkabilang mga braso. "Why are you so against Nicollo? I'm not saying na magkakabalikan kami, ha? I just noticed that you don't approve of him." "Well, did you know that 80 to 90% of love advices from friends are often contradicted?" "Saan mo naman nabasa 'yan?" "Purely from experience," bumungisngis ito bago tuluyan siyang talikuran at lumabas ng silid. "Bye, Felicia. Malaki ka na. Take my advice or leave it, it's all up to you." Hindi pa nakakalipas ang limang minuto nang umalis si Gale, may kumatok muli sa kanyang opisina. Akma na sana siyang magsasalita sa pagaakalang ang kaibigan uli ang bumalik sa kanyang silid, ngunit tumambad sa kanya sa Henry na may kasamang isang bagong mukha. "Hi, Ms. Shane. You got a minute, po?" "Sure, Ry. Come in, come in." Nang makapasok ang dalawa ay tinanggal ni Roshane ang suot na reading glasses. "So, what do we have here?" "Ah, this is Vanessa po. New Associate natin, and she'll be under my supervision." "Oh," tumayo siya mula sa kinauupuan at inilahad ang kamay sa harap ng dalaga. From the looks of it, the lady had a face of a fresh grad. "Nice to meet you, Vanessa. I'm Roshane." "Nice to meet you po. Kuya Nicollo told me a lot of things about you, hope we get along po." Masigla na nakipag-kamay ang dilag habang abot magkabilang tenga ang ngiti. Ang kaswal na pagbanggit nito ng pangalan ni Nicollo ay bahagyang nagpa-kunot ng kanyang noo. "A-Ah, I see." "She's from Baltazar's Finest po," maagap na paliwanag ni Henry nang makita ang pagkalito sa kanyang mukha. "Sir Nathan referred her to me." "Ah, okay. That's great. Welcome to the team." Noong sumapit ang hapon, naging bulung-bulungan ng lahat ang bagong pasok na si Vanessa. Sinubukan ni Roshane na hindi pansinin ang mga ito at mag-pokus sa trabaho, ngunit kahit saan yata ay pinag-uusapan ito. Apparently, it was a big deal to get accepted through connections in this company. Bigla tuloy siyang napa-isip kung ganito rin siya pag-usapan noon ng mga katrabaho noong bagong hire pa lamang siya. “Ms. Shane?” untag muli ni Henry sa pananahimik niya sa loob ng kanyang opisina. “May naghahanap po sa inyo.” “Sa’kin? Sino naman?” “Si Mr. Simon Go po. Gusto niya raw po kayong maka-usap nang personal,” malumanay na wika ng binata. “Ihanda ko po ba ang conference room?” Saglit na napapikit ang dalaga at sinapo ang mga daliri sa dulo ng kanyang ilong. The sudden thought of Roanna in the hospital bed made her infuriated. Gusto niyang magwala nang marinig ang ngalan ng lalaking ‘yon, ngunit kinakailangan niya na kontrolin ang sarili. “Yes, please. Pakidala na lang siya roon, Ry.” Nagpalipas si Roshane ng ilang minuto bago magpasya na puntahan si Simon sa meeting room. Natatanaw pa lamang niya sa glass door ang binata ay nanginginig na ang mga kalamnan niya sa katawan. “Let’s calm down,” humugot siya ng malalim na hininga bago itinulak pabukas ang pintuan ng silid. Napatayo naman kaagad ito nang makita siya. “Sit down. We don’t need formal greetings, do we?” “S-shane, kamusta si Roanna? Ayos lang ba siya? May nangyari bang masama sa baby namin?” Malumanay na umupo sa kabilang dulo ng mahabang lamesa ang dilag sa gitna ng sunod-sunod na pagtanong ng binata. Imbes na sagutin ito, tiniklop niya ang mga kamay at tinaasan ito ng kilay. “Now, you’re worried?” sarkastiko niyang bulalas. “Ni hindi mo nga dinalaw ang kapatid ko sa ospital noong muntik na siyang makunan, tapos ngayon nagtatanong ka? Siraulo ka ba?” “Shane, just tell me how she is. Please.” Napahilamos ng mukha si Simon. “Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sinubukan kong pumunta sa bahay ninyo pero nakaharang lagi si Tyrone at Rowela. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko.” “What did you expect? We’ll welcome you with open arms matapos ang ginawa mo sa kapatid ko? Nahihibang ka na ba?” Tumaas na boses ni Roshane kasunod ng malakas na paghampas ng palad sa ibabaw ng mesa. “Muntik na malagay sa peligro ang kapatid ko at ang pamangkin ko. You should know that the only thing preventing me from punching you in the face right now is the fact that we’re in the office.” “I’m sorry. Ikaw na lang ang naisip kong paraan. Alam kong maiintindihan mo ‘ko.Naguluhan lang ako, pero ayokong mawala siya sa’kin.” “Maiintindihan ko? Bakit naman kita iintindihin?” “You know, because this happened to you and Nicollo. At hindi ba napatawad mo na siya?” Tila napigtal ang natitirang pasensya niya sa narinig. Tumayo siya sa kinauupuan at pinukulan ng matalim na tingin ang kasintahan ng kapatid. If she could rip his face off, she would. “Don’t compare yourself with Nicollo. Iba ang naging sitwasyon namin,” mariin niyang komento. “At isa pa, hindi siya katulad mo na walang sense of responsibility. Magkaka-anak na kayo, pero hanggang ngayon hindi mo pa rin kayang harapin ang problema nang mag-isa. You’re a coward.” Matapos ang maaanghang na katagang iyon, nag-martsa na palabas ng silid si Roshane. Hindi niya na binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag pa muli ang binata. After all, she’s not one to decide. Iiwan niya ang desisyon sa kamay ng kapatid na si Roanna. Bunga ng pagaalala, maaga siyang umuwi ngayong araw. Hindi pa kumakagat ang dilim ay nagmaneho na siya papunta sa kanilang bahay. Ngayon ang uwi ng kanilang mga magulang mula sa business trip sa Singapore, kaya may kaunting salo-salo rin sila mamaya. Kakaparada pa lamang niya sa garahe’y napansin na niya ang kaguluhan sa loob ng bahay. Dahil dito’y dagli-dagli siyang bumaba ng sasakyan at kumaripas sa loob upang alamin ang nangyayari. “Ano ba, Roanna? Mahina ka pa. Huwag ka nang mapilit at magpahinga ka na lang muna.” Kunot-noo na nakayapos sa magkabilang balikat ni Roanna ang nakatatandang kapatid na si Rowela. “Hindi ka dapat nagpapa-apekto sa kanya. Baka mapano na naman kayo ng baby mo.” “Ate, kailangan ko siyang makausap. Hinahanap niya ‘ko. Kailangan namin pag-usapan ang kasal.” Humahagulgol na ito habang pilit na hinahawi ang kamay na pumipigil sa kanya sa pagtayo mula sa sofa. “Hindi ninyo naiintindihan, eh. Ayokong mawalan ng ama ang magiging anak ko. Kailangan na matuloy ang kasal.” “Nahihibang ka na ba, Roanna?” bakas ang galit sa boses ni Reema habang nakatayo sa likod ni Rowela. “Umatras na nga siya, di ba? Bakit mo ipagpipilitan ang sarili mo sa taong hindi naman sigurado sa’yo.” “N-nalito lang siya, Ate Ema. Natakot lang siya. Pero mahal niya ‘ko, paninindigan niya ‘ko.” “Huwag kang magpaka-tonta katulad ni Roshane, pwede ba?” Natahimik ang lahat sa sinabi ni Reema. Lahat ng mga mata sa bahay ay napako sa kanya, at tanging nagawa niya na lamang ay magbuntong-hininga. Sinenyasan niya ang nakatatandang kapatid na bitawan si Roanna. “Shane, please let me meet him.” Tumakbo payakap sa kanya ang kapatid habang umiiyak. Hinaplos niya ang likod nito. “Please, please, please. I want to see him. ” “Shh. Calm down. Huminga ka ng malalim.” “Shane, please.” “Kumalma ka muna. Walang magagawa ang pag-iyak mo. Makakasama lang ‘to sa baby mo.” Hinila niya ang kamay nito at inupo muli ito sa sofa. Naglalaban ang kanyang kalooban habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na itsura ng kapatid. Subalit naiintindihan niya rin kung bakit buong mithi ang pagpigil ng mga kapatid sa nais gawin ni Roanna. “He went to see me,” pag-amin niya. “He did? Anong sabi niya? Hinahanap niya ba ‘ko? Itutuloy na ba namin ang kasal?” Tumango-tango siya at hinawi ang hibla ng buhok na nakaharang sa noo ng kapatid. “Lahat ng sinabi mo ngayon, iyon din ang mga sinabi niya. Nothing new. No mention of the wedding, just him trying to make excuses for himself.” “Shane,” tawag ni Rowela sa kanyang ngalan. Tila nagsusumamo ito na huwag nang ituloy ang pagsasalita. “Roanna, more than anyone else, alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon.” Kinagat niya ang kanyang labi at nakipagpalitan ng tingin kay Reema. “Nagpaka-tonta ako nang ilang buwan bago kami tuluyan na naghiwalay. Sinubukan ko na paganahin yung relasyon na walang direksyon, kahit na alam ko na hindi na magwo-work.” “Hindi ganon si Simon,” pasigaw na saad nito. “Nangako siya sa’kin na hindi na mauulit. Humingi na siya ng tawad. He said he’d treat me better.” “I’m sure he will,” putol niya sa pagsasalita nito. “Pero hindi na babalik yung kumpiyansa mo sa relasyon ninyo, Roanna. You’ll always question yourself from now on. Hindi ka matatahimik dahil iniisip mo kung ano bang kulang sa’yo. You loved him, supported him with anything, and now a baby. Ang dami mo nang ibinigay. Bakit ikaw lagi ang nagbibigay?” Naghatid ng mas malalaking patak ng luha sa mata ni Roanna ang kanyang mga kataga. She knows her sister. She may be crazy in love right now, but she’s the logical one out of all the siblings. Ito rin ang naging sandigan niya noong naghiwalay sila ni Nicollo, kaya batid niya na naiintindihan nito ang mga nais niyang iparating. Inakap niya muli ito. “Everything will be alright. Sa ngayon, kailangan mong pagtuunan ng pansin ang magiging anak mo. If he’s really serious about your relationship, Simon will come by. He’ll grow balls to come here and beg for forgiveness.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD