Chapter 12 - Accepting limitations

2310 Words
“The preparation for InnovoTech convention is on its last phase,” wika ni Gale habang inilalapag sa kanyang harapan ang mga papeles. “If everything goes well, we may finish a lot earlier than expected. Magkaka-time pa tayo na i-double check ang lahat tutal ito ang isa sa mga major events na hawak natin.”  “That’s good to hear. Great job, Gale. Pagkatapos ng mga preps sa natitirang events natin this year, I’ll ask the HR department to organize something to thank the entire BD department.”  “A dinner will do. Masyado na kaming pagod para sa team building,” pabiro na bulalas ng dilag kasunod ng isang halakhak. “Bago ko makalimutan, may upcoming presentation daw ulit ang team ni Shane with the investors? Ilang approval pa ba ang kailangan ninyo?” Tumango-tango ang binata at nagbuntong-hininga. “This will be the last one. Kailangan namin matapos lahat bago matapos ang taon.”  “Oh, yeah. You’re supervising and assisting Roshane ‘nga pala.”  “Yup,” tipid na sagot niya.  Nang magtama ang kanilang mga mata, kaagad na napansin ni Nicollo ang malisya sa tingin ng kaibigan. Dahil dito’y tumigil siya sa pagtitipa ng keyboard at tinaasan ito ng kilay.  “What now?”  Ngumuso si Gale at itiniklop ang magkabilang braso. “Balita ko may date kang ginulo nung nakaraan, ah? Hindi naman ako na-inform na nambabakod ka pala ng ex-girlfriends.”  Kinagat ng binata ang labi at umiling. “Hindi ko siya binabakuran. What happened was a pure coincidence. Don’t put malice in it, Gale.”  “Really? Hindi ba dahil ‘yon sa advice ko?”  “No,” mariin na sagot niya at tumayo mula sa kanyang office desk. “When did I ever took your advice outside of work?”  “Right. Pero hindi pa rin ako kumbinsido na hindi ka nate-threaten kay Cailen Rex Lorenzo. Knowing that ego of yours? I’ll bet all my fortune.”  Hindi kaagad nakasagot si Nicollo. Sa halip, humakbang siya palapit sa kahoy na sampayan at kinuha mula roon ang kanyang coat. Habang isinusuot ito’y nagbalik sa kanya ang imahe ni Roshane at ang ipinangako niya rito noong gabi na na-ospital ang kapatid nito. He traced a bitter smile and shifted a defeated gaze toward Gale.  “Don’t tell me sumusuko ka na kaagad?” May himig ng gulat ang boses ng kaibigan. Nagsalubong lalo ang mga kilay nito nang nagkibit-balikat siya. “Siguraduhin mo lang na final decision mo na ‘yan, ha? Hindi kaya ng atay ko umattend ng dalawang inuman.”  “Wala naman nang dapat pagdesisyunan sa pagitan namin,” hinigpitan ng binata ang necktie niya at ipinukol ang tingin sa body mirror upang suriin ang kanyang repleksyon. “At kung mangyari man ‘yan, you should go join her and not me.”  “What do you mean? Kaibigan mo ‘ko bago ko siya nakilala. Of course, I’ll join you first.”  “Well, I’m the jerk in this story.”  “And I’m obviously the jerk’s friend as well,” bumungisngis ang dalaga at inunat ang mga braso sa ere. “Hay nako. Tama na nga. Huwag na natin pangunahan ang mga mangyayari. Malay mo, hindi inuman ang puntahan ko kundi kasalan. There’s no telling the future, Nicollo.”  “That’s unlikely even with the best will in the world.”  “Never say never,” isang misteryosong ngiti ang ipinukol sa kanya ni Gale at kumindat. Tumayo na rin ito habang bitbit ang mga papel na ipinakita nito sa kanya kanina. “Uuwi ka na ba? It’s Friday night. Don’t tell me mag-oovertime ka na naman?”  “Gusto ko sana, pero may lakad ako ngayon.”  “Himala!” Pumalakpak ang dalaga sa galak. “May date ka?”   “You’re relentless, Gale. Wala akong panahon sa ganyan ngayon.” “What a bummer,” maktol nito. “Eh saan ka naman pupunta? Don’t tell me work-related pa rin ang lakad mo?”  “Hindi. Mago-overnight ako kina Nathan. Magluluto si Tine para sa birthday ng late father niya. Dadalawin ko na rin ang pamangkin ko.”  “That’s good. Mag-relax ka para makapag-isip ka nang maigi.” Ilang buwan na rin ang nakalipas mula noong huling bisita ng binata sa bahay ng nakababatang kapatid. Simula ng kinasal kasi ito’y pinili nito na magpakalayo-layo sa mata ng media at nagpagawa ng bahay malayo sa kabihasnan. Madalas man sila na magkita kapag may pagpupulong ukol sa kompanya, hindi na sila nakakapag-usap tungkol sa mga personal na bagay tulad dati.  “Tantan,” nakangiti na tawag niya sa palayaw ng kapatid kasunod ng pagbaba mula sa sasakyan. Sinalubong naman siya nito ng mahigpit na yakap. “Pasensya na at late ako, sobrang traffic dahil friday night.”  “No worries. Buong weekend ka naman nandito.” Kumalas ito mula sa kanyang bisig at kinuha ang inabot niyang malaking paper bag. “What’s this? Hindi ka na dapat nag-abala, nagluluto na si Tine.”  “It’s a gift. Pambawi ko kay Louvelle. Ang tagal ko rin di nakita ang pamangkin ko.”  “Oh, speaking of that. Kanina ka pa niya hinihintay. She’s so thrilled to see her Tito.” Ngumiwi si Nathan kasunod ng isang buntong-hininga. “Tara na sa loob at nang makapagpahinga ka muna.”  Nathan's home resembles their childhood home. Hindi kalakihan, ngunit masinop ang pagkaka-ayos ng mga gamit at puno rin ng dekorasyon para sa paparating na kapaskuhan.  Hindi pa siya nakakalayo sa entrada papasok ng bahay ay narinig na niya ang mga yabag ng paslit na si Louvelle. Nagpalitan sila ng ngiti ni Nathan kasabay ng paglitaw nito mula sa pasilyo ng kusina.  "Tito Nicwo!" malakas na hiyaw nito habang kumakaripas ng takbo sa kanyang direksyon.   Yumukod nang bahagya si Nicollo upang salubungin ang humahangos na paslit. Maya-maya pa’y naka-akap na ito nang mahigpit sa kanya at humahagikgik. Binuhat niya ito sa kanyang braso at pabirong pinisil ang ilong nito.  “Looks like someone missed me.”  “I missth you,” humalik si Louvelle sa pisngi ng binata. “Tito Nicwo, gift?”  “Luvie, what did I tell you about asking gifts?” Umiiling-iling na saway ni Nathan sa tatlong-taong gulang na anak.  “Pwease? Gift, pwease?”  “It’s okay, Tan. Minsan lang naman.” Itinuro niya ang daliri sa supot na hawak ni Nathan at bumaling sa pamangkin. “Tito Nico brought you a play tent. Buksan na ba natin?”  “Yes, pwease!” Masiglang kinuha ng manghang paslit ang inabot na supot ng ama. “What’s a pwaytent? Cwan I opewn it?”  “Luvie, later na. Okay? Tito Nico is tired. Ise-set up ni Papa for you later, okay?” Kinuha ng kapatid ang anak mula sa bisig ng binata at hinawi ang buhok nito. “Hep, don’t cry. What did I say about being patient?”  “But…” Nagsimula na humikbi si Louvelle. Maya-maya pa’y tumulo na ang malalaking patak ng luha sa gilid ng mapupungay na mga mata nito. “I wanna pway with Tito Nicwo now.”  “Hush. You will. Tito Nico will stay overnight,” paninigurado ni Nicollo sa pamangkin habang marahan na tinatapik ang likod nito. Nang magbuntong-hininga si Nathan ay binalingan niya ng mapang-asar na tingin ang kapatid. “Parang alam ko na kung kanino nag-mana si Luvie.”  “Shut it, Nicollo.” “Hon, bakit pina-iyak mo na naman si Louvelle…” Mula sa kusina, natigilan sa pagsasalita si Leontine nang makita ang binata. Nanlaki ang mga mata nito na tila ba hindi makapaniwala na narito siya. “Nicollo? You’re here? Akala ko bukas ka pa makakapunta para mag-overnight?”  “Ah, yes. Pero pinilit ako ni Tantan na pumunta na ngayon. I heard it’s your father’s birthday.”  “Yes, Hon. Hindi ko ba nasabi?”  “Long time no see, Nicollo.” Lumakad palapit si Leontine at nakipag-beso kay Nicollo bago muling bumaling sa asawa. “You didn’t. Kakauwi mo lang galing business trip, ‘di ba? Paano mo masasabi sa’kin.”  May himig ng inis ang boses nito kaya nakipagpalitan ng tingin ang binata sa kapatid. Tila wala rin itong ideya sa inaakto ng asawa kaya namannapa-iling na lamang ito.  “Kung di mo alam, why are you cooking so much food for guests?” balik usisa ni Nathan. “I assumed that’s because Nico is coming.”  “No, it’s not Nico.” Napasapo ng noo si Leontine at pinukulan ito ng matalim na tingin. Nagbuntong-hininga ito bago luminga pabalik kay Nicollo. “I’m sorry, Nicollo. Hindi ko alam na mangyayari ‘to. I actually invited Shane.”  It was a bomb dropped right in front of him. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla nang tumunog ang doorbell at mas bumakas ang dismaya sa mukha ng mag-asawa. Napahawak siya nang mahigpit sa dalang bag kasunod ng isang pilit na ngiti.  “It’s okay,” saglit siyang napalunok. “We’re in good terms. Wala kayong dapat ipag-alala.”  Hindi kaagad sumagot ang dalawang kaharap. Kapwa nakikiramdam at iniisip kung ano ang ibibigay na reaksyon sa kanyang sinabi. Nang tumunog muli ang doorbell, tumango na lamang ang binata upang muling kumpirmahin ang kanyang desisyon.  “I’ll get the door,” anunsyo ni Nathan at ibinigay si Louvelle sa bisig ng asawa. “Tine, papasukin mo muna si Nico. Give him juice or something.”  “O-okay.”  Sinundan niya si Leontine patungo sa sala kung saan siya sinalubong ng mga kasambahay nito at kinuha ang mga dala niyang gamit. Tahimik siyang umupo roon matapos magpaalam ng asawa ng kaapatid na kukunan siya ng inumin. Sinamatala niya ang pagkakataon upang isaayos ang kanyang sarili.  Kahit na nagkikita naman sila ng dating kasintahan tuwing may meeting sa opisina, they never crossed paths in an informal setting. At hindi nakakatulong na sa bahay ng kapatid niya pa sila magku-krus ng landas.  “Tough luck,” bulong niya sa sarili.  Dagli-dagli niyang ibinalik sa normal ang kanyang postura nang marinig ang mga yabag papunta ng sala. Nang umangat siya ng tingin, nagsalubong kaagad ang mga mata nila ni Roshane. Ngumiti ito na tila ba inasahan na ang kanyang presenya. Nahulaan niya na kinausap na ito ni Nathan sapagkat pinukulan siya ng kapatid ng isang makahulugang tingin.  “You’re here.”  “Yeah. You too.” “A-ah, here.” Inilapag ni Leontine ang tray na may pitsel ng strawberry juice at baso. At nakasunod sa likuran nito ang paslit na si Louvelle. “Uminom muna kayo ng juice. I’ll just finish up sa kitchen, then call for you all kapag handa na ang pagkain.”  “You’re the one cooking? Hindi si Nathan?” Manghang usisa ni Roshane.  “Well,” binuhat nito ang anak at pinukulan ng nakakalokong tingin ang asawa. “He might be the chef, but he can’t lay a hand on my kitchen without my permission.”  “Right. Simula nung natuto siyang mag-luto, hindi na ko nakahawak ni kaldero sa bahay na ‘to,” naka-ngiti na segunda ni Nathan habang umiiling-iling.  “That’s sweet,” komento ni Roshane at humalakhak. “Mama, who ish that?” sabad ni Louvelle sa usapan kasunod ng pagturo ng daliri sa direksyon ng dilag. “Tito Nicwo’s gwerlfwend?”  Halos maibuga ni Nicollo ang iniinom na juice. Habang kapwa naman na natahimik sina Nathan at Leontine.  “Where did you learn that word, Luvie?”  “Papa.”  “Anak, that’s Tita Shane. Friend ni Mama and Papa,” maagap na wika ni Nathan. Kumunot nang bahagya ang noo ng bata. “Tito and her are nwot fwends?” Umubo ng malakas si Nathan at bumaling sa asawa. “Why don’t you go back to cooking? Ako na bahala kay Luvie at Nicollo. You can show Shane the kitchen na rin.”  “Y-yeah,” sang-ayon nito at ibinigay ang paslit dito. Kinuha ni Leontine ang bitbit na bag ni Roshane at inilapag ito sa sofa. “Tara sa kusina. Hayaan mo muna sila rito.”  “O-okay.”  Nang makaalis ang dalawa sa sala, kapwa nakahinga ng maluwag ang magkapatid. Nagtama ang kanilang mga mata at hindi nila naiwasan na napa-ngiti at umiling-iling. It was an awkward moment brought by a kid. Who would’ve expected that? “Hindi ko talaga alam kung kanino ka nagmana ng kadaldalan,” bulalas ni Nathan at ibinaba sa crib si Louvelle. “Tine and I aren’t even this talkative.”  “Probably Nicoleen? Mana sa tita,” sagot ni Nicollo saka nilapag ang hawak na baso ng juice.  “What’s kadwaldawalan?”  “Kadaldalan,” paguulit nito. “Ka, dal, dalan. It means being talkative, Louvelle. Madaldal. You're madaldal.”  “Kadawaldan. But I’m nwot madwaldal.” Hindi naiwasan na matawa ng binata sa pag-uusap ng mag-ama sa kanyang harapan. Dahil dito parehong napatingin sa direksyon niya ang dalawa at pinukulan siya ng kapatid ng masamang tingin.  “It’s not as fun as you think, Nico. Try talking to her every single day for hours.”  “I know,” saad niya. “Natutuwa lang ako. I never thought fatherhood would suit you this well. Sa ating dalawa, ikaw ang hindi mahilig sa bata.”  “Yeah. I’m sure you’ll handle being a father better than I do. Gustong-gusto ka nga nitong si Louvelle.” “As an uncle,” mabilis na pagtatama niya rito. “At isa pa, parang malabo pa sa malabo na maging tatay ako.”  Bumaling ng tingin si Nathan pabalik sa anak at ngumisi. “Huwag tayong magsalita ng tapos, Nico. We don’t know what the future holds.”  “We don’t,” huminga siya ng malalim at luminga sa direksyon ng kusina kung saan nagpunta sina Roshane at Leontine. “But we all have to accept our limitations in life.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD