“Ang ganda ng bahay n’yo,” komento ni Roshane habang iginagala ang kanyang mga mata sa kusina. “Ngayong taon lang kayo lumipat dito?”
Tumango-tango si Leontine habang abala na kinukuha mula sa oven ang nilutong lasagna. Inilapag nito ang tray sa kitchen counter bago muling binaling ang tingin sa dalagang kaharap.
“Yup. Malapit sa beach ‘yung unang bahay namin bago ko ipanganak si Louvelle,” sagot nito at tinanggal ang mittens mula sa mga kamay. “We figured she doesn’t like the sound of the sea at night, kaya lumipat kami sa medyo malapit sa metro.”
“Well, you three looked happy here. So I guess it turned out to be for the best.”
“Oh, Shane, We’re barely hanging. Ang hirap mag-alaga ng dalawang bata.”
Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. “Dalawang bata? Di ba isa pa lang ang anak ninyo ni Nathan? Did I miss something? Buntis ka ba ulit?”
“Me? Buntis? No, no. That’s not what I mean.” Humalakhak ito sabay wasiwas ng kamay sa ere. “It’s just Louvelle and Nathan. Dalawang bata. Get it?”
“Ah, I see. Akala ko pa naman nahuli na ‘ko sa balita.”
“Ikaw? Kamusta ka naman? Nakapag-adjust ka na ba sa Pilipinas?”
“It’s been months, so of course. Ilang taon lang naman ako nawala rito. It’s not like I forgot how it really is here.” Kinuha niya mula kay Leontine ang mga plato at inilapag mga ito sa hapag-kainan. “Bukod sa init ng panahon, wala naman akong masyadong kinakaharap na problema.”
“Really?” Tumigil sa paggalaw ang kaibigan at pinukulan siya ng isang makahulugang tingin. Itinuro nito ang hawak na siyansi sa direksyon ng sala saka siya pinanlakihan ng mata. “Talaga bang wala ka masyadong problema ngayon?”
“We’re on good terms, Tine. It’s not what you think.”
“On good terms, I see. Kaya pala sobrang awkward ninyo kanina.”
Napasapo ang dalaga ng batok at humugot ng malalim na hininga. “Right. Hindi naman kasi ako na-inform na nandito siya. I was caught off guard. Mabuti na nga lang nasabi kaagad ni Nathan sa pinto.”
Pinagpag ni Leontine ang mga kamay sa apron bago humakbang papalapit sa kanya. Tinapik-tapik nito ang mga balikat niya at lumabi.
“I’m sorry. Hindi ko talaga alam na ngayon siya darating.” Inikot nito ang mga mata saka umiling-iling. “Hindi nasabi sa’kin ni Nathan dahil busy rin siya nitong mga nakaraang araw. Nasayang lang ang effort ko na i-schedule yung pagbisita ninyo.”
“I-It’s okay. Hindi naman namin pwede iwasan ang isa’t isa habang-buhay.”
“You don’t look okay.”
Unti-unti na napawi ang ngiti sa mga labi ng dilag. Sinundan ito ng isang malalim na hugot ng hininga hanggang sa hinawakan nang mahigpit ng kaibigan ang kanyang kamay. Hindi ito nagsalita, ngunit nangungusap ang mga mata nito na tila ba naiintindihan ang nais iparating ng naguguluhan niyang damdamin.
“Sigurado ka ba na kaya mo siyang haarapin ngayon?” seryoso na tanong nito. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala. “If you want, I can’t tell them that you’re not feeling well. Marami pa namang chances para makapag-bonding tayo kasama si Luvie.”
It was an enticing idea. Batid kasi ng dilag na hindi magiging komportable para sa kanya o sa kahit kanino ang gabi na ito. Napawi lamang ang ideya na ito sa kanyang isipan nang makita ang hapag-kainan na puno ng pagkain na inihanda ni Leontine.
“No. It’s your father’s birthday, Tine. Ayokong sirain ang araw na ‘to para sa inyo.”
“Okay. Pero kung magbago isip mo, huwag kang mag-atubili na magsabi sa’kin o kay Nathan, okay? My father’s long dead, I’m sure he can understand if we halt the celebration for a bit.”
Kasabay ng pag-ngisi ng kaibigan upang pagaanin ang kanyang loob, hindi na naiwasan ni Roshane na matawa. Sinabayan naman siya nito kaya pabiro niya na siniko ang tagiliran nito.
“There, smile.” Kinindatan siya ni Leontine bago magpatuloy sa paglalatag ng mga pagkain sa hapag. “Nico isn’t a big deal, wag kang magpa-apekto. Lalo na ngayon na inaaligiran ka ng bunso ng mga Lorenzo.”
Nanlaki ang mga mata niya. “H-how did you….”
“Oh, please. I have eyes and ears in Baltazar Events.”
“It’s Gale, isn’t it?”
Mas lumapad ang ngiti sa labi nito. “Tawagin ko na sila. Kakain na tayo.”
Maya-maya pa’y natagpuan na lang ng dilag ang sarili sa hapag-kainan kasama ang pamilya ng dating kasintahan. Maliban sa iilang ngitian, hindi sila nagpalitan ni Nicollo ng kahit anong kataga. The talks on the dinner table revolved around Nathan, Leontine, and their three-year-old daughter Louvelle.
“What’s your nwame?” untag ng paslit sa dilag sa gitna ng kanyang pananahimik. “Dwo ywou like cwarrots? Luvie dwon’t like cwarrots.”
Hindi pa siya nakakasagot ay inilagay na nito ang piraso ng carrots sa gilid ng kanyang plato. Dahil sa biglaang gawi ni Louvelle ay sumiklab ang halakhakan sa mesa.
“Luvie, what did I say about eating your veggies?” May awtoridad na bulalas ng ina nito na si Leontine. “You can’t just give it to Ninang Shane.”
“Ninwang Shwane?”
“Yeah, remember the video calls we did? The ninang from Australia?” Itinuro ni Nathan ang daliri kay Roshane. “The one who sends you boxes of chocolates.”
“Luvie, don’t you remember me?” Pabiro na ngumuso ang dalaga habang hinahawi ang nakaharang na buhok sa noo ng bata.
“The chocolate giver?”
“Yes, Ninang Choco.”
“Ang weird naman pakinggan ni Ninang Choco,” komento ni Nicollo kaya’t muling nagtama ang mga mata nila. Mabilis naman ito umiwas ng tingin at muling bumaling sa pamangkin. “You should call her Ninang Shane, Luvie.”
Tumango-tango ang paslit at ngumisi sa dalaga. “I lwike Nwinang Shwane. She prwetty.”
“Thank you, Luvie. You’re super pretty, too.”
Inusog ni Louvelle ang sarili malapit kay Roshane at sinalinan ng pagkain ang kanyang plato gamit ang maliit nitong kutsara. Nagpalitan sila ng tingin ng ina nito kasunod ng kapwa nilang pagngiti.
“Luvie must really like you,” wika ni Leontine. “Hindi siya mahilig mag-share ng food kahit samin ni Nathan.”
“Si Nico lang din madalas niyang bigyan ng pagkain,” dagdag pa ni Nathan. “Siguro may mga tao lang talaga na natural na sa mga bata. You two seem really good with kids.”
Tanging ngiti na lamang ang naitugon niya rito. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya rin ang paglambot sa ekspresyon ni Nicollo. Hindi na niya ito ikinagulat, sapagkat madalas nila itong pag-usapan noong sila pa.
They used to talk and dream about how they’ll build a family and how they’ll treat their future kids. Ngayon, isa na lang itong pangarap na hinding-hindi na matutupad kailan pa man. Napukaw lamang ang katahimikan sa paligid nang tumunog ang telepono mula sa sala.
“I’ll go get it,” maagap na saad ni Nathan. Tumayo ito mula sa hapag at nakipagpalitan ng tingin sa asawa.
“Anyway, how’s Vanessa nga pala?” pagbabago ni Leontine sa usapan nang makaalis ito. “Balita ko sa team mo siya napunta, Shane?”
“A-ah, yeah. She’s jolly. Siya ang pinaka-bata sa’min kaya napapagaan niya ang mood namin kapag sobrang busy ng lahat.”
“Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinasok mo siya sa kompanya, Tine.” May himig ng disgusto ang tono ng boses ni Nicollo kaya kapwa napatingin sa kanyang direksyon ang dalawang babae sa hapag. Nagbuntong-hininga ang binata at inilapag ang hawak na tinidor sa ibabaw ng mesa. “Miski noong nagdesisyon kayo na i-hire siya sa Baltazar’s Finest bilang intern, it still doesn’t feel right.”
“Nico, she may be my step sister but we’re all on good terms now.” Bumaling si Leontine sa anak at sinubuan ito ng pagkain bago muling inilipat ang tingin sa binata. “O baka naman may iba kang issue about Vanessa?”
“Wala akong issue sa kanya.”
Luminga ito kay Roshane at napa-iling. “Is it because she’s openly showing her admiration towards you?”
“Tine,” saway ni Nicollo sa hipag. “Hindi ‘yan ang point ‘ko.”
“What do you think, Shane? If you’ll tell me na wala siyang naitutulong sa team mo, I can tell her to quit right away.”
Napalagok ng tubig ang dalaga. “Well, she’s doing her job. Wala naman akong nakikitang disadvantage sa pananatili niya sa team ko.”
“For now,” mariin na dugtong ng dating kasintahan. “Anyway, she’s a temporary member of your team. Kapag natapos ang platform project, baka ilipat din siya ng HR.”
“Shouldn’t I be the one to decide that?” Napataas ang kilay niya kasunod ng pagpukol ng isang makahulugang tingin sa kausap. “You put me in-charge of a team. Hindi ba dapat ako ang mag-determine kung fit o hindi ang isang empleyado sa team ko?”
“Iba ang kaso sa employment ni Vanessa. She’s a referral….”
“O baka naman tama si Leontine, does this involve your personal issue?”
Napa-ubo nang malakas si Leontine bunga ng kanyang sinabi. Iniwas nito ang tingin mula sa kanya habang tila nagpipigil ng pagtawa. Nang hindi nito makayanan, tumayo ito mula sa upuan at luminga sa direksyon ng sala kung saan nagpunta si Nathan kanina.
“I-I’ll just go check Nathan. Kanina pa siya sa phone, eh.”
Muling nabalot ng nakakabinging katahimikan ang paligid. Nagpatuloy sa pagkain si Roshane sa kabila ng pagtuloy na pagtitig ni Nicollo sa kanyang direksyon. Lihim na kinakastigo ng dilag ang sarili dahil sa kanyang ibinulalas.
“Why arwe ywou fwighting?” basag ni Luvie sa pananahimik nilang dalawa. “Why arwe ywou nwot fwends?”
Pilit na ngumiti si Nicollo. “No, Luvie. Ninang and I aren’t fighting.”
“Ywou have a crwying fwace.”
“I don’t have a crying face,” tanggi nito. “It’s just dust….”
“Nico,” putol ni Nathan sa pagpapaliwanag nito habang humahangos mula sa sala kasunod ang asawa. “Kailangan natin pumunta ng ospital. Let’s go.”
“Ospital? Bakit?”
“Si Nicoleen, nagla-labor na. Nasa ospital na siya kasama si Papa at Paix.”