Chapter 10 - The pain that won’t heal

2284 Words
Holidays are right around the corner. At katulad ng nakasanayan, hindi magkamayaw ang mga dagsa ng kliyente sa Baltazar Events. Ito ang mga panahon na hindi rin mawalay si Nicollo sa tambak na trabaho. Halos araw-araw ay ginagabi na siya ng uwi sa dami ng projects na kailangan niyang i-review at aprubahan. “Sir?” untag ni Jasmine sa kanya habang nakasilip sa pintuan ng opisina at sukbit-sukbit ang bag sa balikat. “Sigurado po ba kayo na hindi niyo na ko kailangan? Pwede naman po akong mag-stay hanggang matapos kayo.” Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi niya kasunod ng pag-iling. “No, it’s fine. Umuwi ka na at maaga pa ang meeting natin with the board bukas. You need rest, Jas.” “Okay, sir. Tawagan ninyo na lang po ako kung may kailangan kayo. I’ll drive right over.” “Noted and thank you. Great job today. Good night.” “Good night, sir.” Nang makalabas na ang sekretarya, luminga siya sa orasan na nasa ibabaw ng kanyang office desk. Hindi niya napigilan na mapangiwi nang makita na malapit na mag-alas nuwebe ng gabi. Nalimutan na rin niya na kumain ng hapunan bunga ng sobrang ka-busyhan sa trabaho. Tinapos niya lamang ang pirmahan ang ilang mga papeles at nagpasya muna siya na mag-break. Kumalam na rin ang kanyang sikmura kaya naman sinamantala na niya ang pagkakataon. “Nicollo, ba’t andito ka pa?” bati ni Gale sa kanya nang makasalubong niya ito sa hallway. May hawak na itong bag sa kamay, kaya’t nahuhulaan niya na pauwi na ang dilag. “Don’t tell me nag-oovertime ka na naman? Gosh, that’s so OA na ha? Take a break, ikaw kaya ang boss dito.” “I am taking a break,” itinaas niya ang susi ng sasakyan sa harapan nito. “Kakain muna ako ng dinner bago ako bumalik. How about you? Pauwi ka pa lang?” “Well, luckily, hindi kami masyado ginabi ngayon dahil sa mga pinagawa mo.” Pabiro na hinampas nito ang braso ng binata. “Pero may isang BD team pa na naiwan don.” Kaagad napukaw ang interes ni Nicollo sa narinig. “BD team? Whose team?” Being the quick wits that she is, Gale darted him a knowing look. Winasiwas nito ang daliri sa harapan niya at tumawa. “It’s not Shaney’s team, unfortunately for you. Maaga siyang umalis dahil may networking party siya na pupuntahan.” Nagsalubong ang kilay niya. “Networking party? Saan ‘yon?” “Sa Manila Aeroclub. You know that org that’s very exclusive for elite pilot groups lang. Cailen, that prick, invited Roshane.” Tila nagpintig ang tenga niya nang marinig ang pangalan ng bunsong Lorenzo. Maliban sa naging banggaan nila sa anniversary party ng Lorenzo’s Snap Kitchen, matagal na rin na may namamagitang tensyon sa kanila. Kahit pa mas malapit ang edad nila kaysa kay Caizen, ang kompetisyon na namuo bunga ng expectations ni Cain ay naging mitsa para magkalamat ang pagkakaibigan nila. “I see.” Siniko ni Gale ang tagiliran niya. “Move it, Baltazar. Huwag kang patumpik-tumpik.” “Huh?” Tinaasan niya ng kilay ang dilag. “Wala. Sabi ko kumain ka na, mahirap na…..” Tumingkayad ito at bumulong sa kanyang tenga. “Baka maubusan ka.” Hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Gale na makasagot dahil kumaripas na ito ng takbo palayo sa kanya. Pinandilaan siya nito at kumaway-kaway na tila nang-aasar pa. Ang tanging nagawa niya na lamang ay kawayan ito pabalik. He’s used to Gale, anyway. Sa katunayan, malaki rin ang pasalamat niya sa overly friendly attitude nito sapagkat ito ang naging kasangga ni Roshane sa maraming chismis sa opisina. Considering their past relationship, he's sure there are some nasty opinions going around the office even until now. Matapos kumain ng club sandwich, sinubukan niya na bumalik sa pagtatrabaho. Subalit bumabalik ang kanyang isipan sa mga sinabi ni Gale kanina tungkol sa party na inattendan ng dating kasintahan. The thought of her spending time with Cailen Rex Lorenzo infuriates him. “Come on, Nicollo. Why can’t you focus?” Halos sabunutan na niya ang sarili bunga ng inis na nadarama. Sa kabutihang palad, natapos niya ang mga ginagawa. Mag-aalas onse na ng gabi nang makalabas siya sa opisina at nakapagmaneho pauwi sa kanyang condo. Bunga ng sobrang pagod, napagpasyahan niya na huminto sa isang coffee shop upang bumili ng kape. Hindi pa siya nakakahakbang papasok ay natigilan na ang binata. Humigpit ang hawak niya sa kanyang necktie nang masaksihan sa glass window ng cafe sina Roshane at Cailen na masayang nag-uusap. Pakiramdam niya’y may nagsindi ng nagngangalit na apoy ssa bawat sulok ng kanyang katawan habang pinagmamasdan ang bawat pag-angat ng labi ng dating kasintahan. Sa pagtatagpo ng kanilang mga mata, kaagad na napatayo ang dilag sa gulat. Dahil dito’y napatingin na rin sa direksyon niya si Cailen. Halata sa mukha nito ang disgusto sa hindi inaasahang pagpapakita niya, kaya naman pinilit niya na ngumiti upang ikubli ang nadarama. “Nicollo, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Roshane sa kanya nang makapasok siya sa coffee shop. “Papauwi pa lang ako galing opisina. I live around here and thought I should get some coffee.” “What a convenient coincidence. Pinagtatagpo talaga tayong tatlo ng tadhana,” pabirong saad ni Cailen. Imbes na bigyan ng pansin ang komento nito, nanatiling nakatingin si Nicollo sa dilag. As if acting like the man wasn’t there at all. “Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” “A-ah, I went to Manila Aeroclub’s party.” Napahawak sa tenga si Roshane at inilipat ang tingin sa mga kamay. “I’m just having some coffee with Cailen before going home.” “I invited her for a friendly date,” dagdag pa nito na mas lalong nagpadilim ng ekspresyon ng binata. “Dahil pareho kami ng passion sa photography, I took interest in getting to know Roshane more. I hope you don’t mind?” Sapat na ang pangungutya sa mga mata ni Cailen upang malaman niya ang totoong intensyon nito. The man wanted to get on his nerves by using his ex. Hindi na rin niya ito ikinagulat, lalo at kalat na kalat ang balita ng pagpapadala nito ng sandamakmak na rosas sa opisina para kay Roshane. “No, I don’t really mind.” Saglit niyang pinukulan ng tingin ang dilag bago bumaling muli sa binatang naka-upo. “She’s not restricted by company to meet people. I’m sure she’s wise enough to know people’s intentions toward her.” “Nicollo,” saway ni Roshane sa kanya. “I’m sorry. Masyado ko na yata kayong naiistorbo. I should….” Naputol ang pamamaalam niya nang tumunog ang telepono ng dilag mula sa lamesa. Nabasag nito ang tensyon na namamagitan sa kanila. “Sorry, I’ll just get this.” Dagli-dagling dinampot nito ang cellphone at umatras mula sa kinatatayuan upang sagutin ang tawag. Samantala, nanatili na nagpapalitan ng matalim na tingin sina Nicollo at Cailen. Wala ni isa sa kanila ang may balak na magsalita. “A-ano? Paanong na-ospital si Roanna?” Kapwa napukaw ang atensyon ng dalawa sa biglang pagtaas ng boses ni Roshane. “Dinugo siya? Oh my gosh. Saang ospital siya ngayon? Text it to me. Pupunta ako.” Nakatalikod man ang dalaga, alam ni Nicollo na nagpa-panic na ito sa tono pa lamang ng boses nito. Nang humarap ito sa kanila ay halata ang pamumutla ng labi nito at ang panginginig ng mga kamay. “I-I’m sorry. I need to go.” Akma pa lang sana na magpiprisinta si Cailen, subalit mabilis na hinawakan na ng binata ang kamay ng dating kasintahan at hinila ito palabas. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na makapag-protesta ang dilag Sa halip, pinasakay niya ito sa front seat ng kanyang sasakyan na nakaparada sa harap ng coffee shop. “Give me the address,” wika niya nang makasakay na rin sa driver’s seat. Wala sa wisyo ang dilag ngunit nagawa nito na ibigay sa kanya ang telepono. “Don’t worry. I’ll drive as fast as I can para makarating agad.” Hindi kalayuan ang ospital na pinagdalhan kay Roanna. At dahil magmamadaling-araw na, mas mabilis ang kanilang naging biyahe papunta roon. Pagkababang-pagkababa pa lamang ni Roshane mula sa sasakyan ay tumatakbo na ito papasok sa ospital. “Shane,” tawag ni Rowela nang makita siya na paparating. Natigilan ito pagka-kita sa binata. “Kasama mo pala si Nicollo.” “Kamusta si Roanna? Ang baby niya? Ayos lang ba sila?” “Muntik na siyang makunan,” pahayag ni Reema sabay pukol ng masamang tingin kay Nicollo. “Dahil sa kaibigan mo na ayaw tumuloy magpakasal at panindigan ang ginawa niya. Fck that Simon!” “What?” naguguluhan na tanong ni Roshane. “Ema, ano ba?” Saway ni Rowela sa kapatid. “Ayos na sila, Shane. Mabuti na lang at hindi siya nakunan. Pumasok kayo sa loob. Kanina ka pa niya hinahanap.” Hindi na nagsalita ang dilag at dumiretso na sa silid. Habang si Nicollo naman ay nanatiling nakatayo sa labas at hindi nagtangka na sundan ang dating kasintahan. “You should go inside, too.” Tinapik ni Rowela ang balikat ng binata at tumango. “Ate Ela, bakit mo naman siya papapasukin?” “Ema, stop it.” Nagbuntong-hininga ang nakatatandang Montallana. “Kailangan mo rin malaman ang nangyari. Sigurado akong makakatulong din sa inyo ito.” Nagdadalawang-isip man, sinunod niya ang sinabi ni Rowela. Tahimik siyang pumasok sa silid ni Roanna. Tumambad sa kanya ang nakaratay na dilag at si Roshane na nakahawak sa kamay ng kapatid. “Anong nangyari, Ana? Hmm? Ayos lang ba ang pakiramdam mo?” “Oo naman,” mahinang sagot ni Roanna at tinapik ang kamay ni Roshane. “Huwag kang mag-alala, safe kami ni baby. Mabuti na lang din at andoon sina Ate Ela noong dinugo ako.” “Ano ba kasing nangyari? Di ba sinabi ko sa’yo huwag kang magpapa-stress?” “Sorry,” humikbi ang dilag. “Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, Shane. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang.” “Shhh.” Inakap ni Roshane ang kapatid at hinaplos ang buhok nito. “Huwag kang umiyak. Hindi makakabuti sa’yo at sa baby.” “Binigay ko lahat, Shane. Kahit ikaw dinamay ko pa, pero sa huli hindi pa raw siya handa na pakasalan ako.” Patuloy na humagulgol si Roanna habang nasa bisig ng kapatid. “Sinuportahan ko siya sa abot ng makakaya ko. Ano pa bang hindi ko nagagawa? Ano bang mali sa’kin?” “Walang mali sa’yo, Roanna. Wala. I know how much you love him. He’s the problem, not you.” Tila isang patalim na sumaksak sa dibdib ni Nicollo ang nasaksihan. Sa gitna ng mga pangyayari, bumabalik sa kanya ang naging paghihiwalay nila noon ni Roshane matapos niyang tanggihan ang alok nitong kasal. All Roanna’s misery playing in front of him was a reminder of what Roshane had gone through because of him. Now, he wondered if she blamed herself too after their break up. Matapos ang emosyonal na tagpong iyon, napatulog ni Roshane ang kapatid. Nagpasya sila na pumunta sa cafeteria ng ospital upang magpahinga dahil nagpresinta na rin ang mga kapatid nito na bantayan si Roanna. “Salamat, ha.” Basag nito sa katahimikan habang nagka-kape sila. “I was out of it kanina kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. If I drove here, it would’ve been a big disaster.” “No worries. Alam ko naman kung gano katindi ang mga panic attacks mo.” “I know right. Matagal na rin mula noong inatake ako,” luminga ang dalaga sa suot na relo. “You should go. Lagpas alas tres na ng madaling araw, may pasok pa bukas.” “It’s okay. Natapos ko naman na ‘yung mga kailangang gawin.” Sa ikalawang pagkakataon, muling namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Tanging ang init ng hawak na kape ang nagpapalakas ng loob ni Nicollo ngayon, ngunit batid niya na hindi siya maaaring umalis ngayon nang hindi nasasabi ang kanyang nais. “Now I completely understand why you can’t get back together with me,” panimula niya na nagdulot upang mapalingon ang dilag. Isang mapait na ngiti ang ipinukol niya rito. “Matapos kong marinig ‘yung mga sinabi ni Roanna kanina, napa-isip ako kung ganon din ba ang naramdaman mo noong sinabi ko na hindi pa ko handang magpakasal? Did you blame yourself as well?” Hindi sumagot ang dilag at napapikit na laman. Hinawi nito ang buhok kasunod ng paghugot ng malalim na buntong-hininga. “You’ve been there for me, and I was a fool to let you go.” “Nicollo, we’re done reminiscing. Napag-usapan na natin ‘to hindi ba?” “Yeah, I know.” Humigop siya ng kape mula sa tasa. “Hindi ko na hihilingin na makipagbalikan ka pa sa’kin, Roshane. You don’t deserve to be with a scum like me.” “You’re not a scum,” wika ni Roshane. “Siguro hindi lang tayo para sa isa’t isa. But we had a good run, didn’t we? We had good memories.” “We did. But I don’t think the pain I inflicted on you could heal easily. Masyado akong naging makasarili. Tama ka.” Inilapat niya ang kamay sa balikat ng dilag at ngumiti. This was his declaration of defeat. Mula noong naghiwalay sila, ang buong akala niya’y siya ang pinaka-miserableng tao sa mundo. Ngunit ngayon na mas naiintindihan na niya ang pinagdaanan nito, batid niya na siya ang may sala sa mga nangyari. He’s the one who had doubts. “I’m letting you go, Roshane Montallana.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD