"Ahhh!" Napabalikwas si Alexa sa pagbangon. Halos 'di siya makahinga sa matinding kaba. "Thank God, that was a dream." Pinihit niya ang kanyang sintido. Hindi siya makapaniwala sa napaginipan niya, parang totoo ito. Tinignan niya ang alarm clock na malapit sa kama niya. It was 6:30 in the morning. Hindi niya akalain na agad siyang makatulog kahapon. Dala siguro sa matinding pagod dahil sa biyahe. Naalala niya na kailangan niya palang pumasok ngayon. Agad naman siyang tumayo upang maligo. Napatigil siya nang maapakan ang isang familiar na bagay. Hindi siya nagkakamali ito ang keychain na nakita niya kahapon. Biglang natakot siya dito dahil siguro sa masamang panaginip nito. Pinulot niya ito at isinantabi muna. Dali-dali siyang pumasok sa banyo upang maligo.
___
-NORTH THERESE ACADERMY-
-
Pagpasok ni Alexa ng North Therese Academy, agad niyang nilibot ang kanyang paningin. Tinignan niyang maagi ang campus. Tila nakakapanibago ang lahat sa kanya, marahil dahil sa kalagayan niya. Napakalawak nito, halatang may mga maykaya sa buhay ang nag-aaral dito. Talagang napaka-swerte niya sa kanyang ina dahil kahit papaano pinag-aral siya sa pribadong paaralan.
Sinimulan niya nang lumakad papasok ng pasilyo. May ilang mga estudyanting tumatambay sa labas ng kanilang room. 'Yong iba naman halos hindi magkamuyaw dahil excited itong makipag-chika sa mga friends nila.
Saglit siyang napatigil nang maalala na hindi niya pala alam ang papunta sa kanyang room. Ayaw niya namang magpahatid sa kanyang ina dahil magmumukhang bata ito.
"Hey, Alexa!"
Napatigil siya nang may tumawag sa kanya. Sa wakas kilala siya nito. Tiyak kaklasi niya ito. Tinignan niya ang babaeng papalapit sa kanya. Naka-eyeglasses ito, naka-ponytail ang buhak at may katangkaran sa kanyang pagtantiya nasa 5'6 ito. Mabilis itong naglakad papunta sa kanya.
"Hi, My name is Katherine Belasco. I know what happened to you. I'm glad that you're safe. By the way I'm the class president," pagpapakilala nito.
Lumapad ang ngiti ni Alexa. "Hello, Nice to meet you! ahmm... Clasmate ba kita?" Gusto niyang makapanigurado.
Tumango ito. "Yes, we're classmate and I am your class president, hmmm. gaano ba kalala ang condition mo?" tanong ni Katherine sa kanya.
"Ahh.. hmmp..Ang totoo, midyu nahihirapan talaga ako. I have a feeling that I was'nt belong here." ang pagsasabi ni Alexa ng totoo. Napakunot ang noo ni Alexa na masilayan niyang ngumuti ito.
"Oh, Sorry. Naninibago lang. That was the first time na marinig kitang nagsalita ng ganyang kahaba. I think just because of your condition. Let's go nandito yong room natin." mabilis na wika ni Katherine.
Nagtaka si Alexa sa kanyang narinig kay Katherine. Hindi niya maiisip kung papaano siya mamuhay noon. May gusto man ito itanong ay isinantabi mona. Ang gusto niyang unahin ang malaman ang classroom nito. Agad namang sumunod si Alexa Kay Katherine papunta sa kanilang room.
---
Ma-angas na palakad si Kenan Samonte papasok ng gate ng North Therese Academy. Tulad ng dati hinarangan siya ng guard ng School.
"Hoy, Samonte! talaga bang hindi ka nagtatanda huh!" bungad ng guard sa kanya.
Tinignan niya lang ito ng deritso. "Oh, Kasalanan ko?" painosinting tugon nito.
"May I.D ka nga, pero yong polo mo ibatunes mo!" bulyaw ng guard sa kanya.
"Sos, 'yon lang pala." Isinunod niya ang utos ng guard. Pero habang ginagawa niya ito nilagpasan niya na ito. Napailing nalang ang guard sa kanya. "kahit kailan, pasaway talaga." Rinig niyang sabi ng guard pero wala na siyang paki.
Paglagpas ni Kenan sa guard ay hindi na tinuloy ang pagbatunes nito. Bagkus ibinalik ito sa kinasanayan niya na. Nakabukas ang pulo nito habang kitang-kita ang white T-shirt sa loob. Kumuha siya ng bubble gum sa bulsa at nginuya ito.
"Girls, look who's there?"
Napangisi si Kenan nang makita niya si Seri Lopez kasama ang dalawang alipores nito. Ang mga maarte sa seksyon nila. Halos naka postura ang mga ito habang tinitignan siya. Wala itong paki-alam sa kanila. Pinagpatuloy niya lang ang paglalakad papunta sa kanilang room.
"Gosh, he's really hot," maarting sabi ni Dinna Montalban. Nang mapadaan sa kanila si Kenan.
"God, Din. Who cares? He is Nobody to me," pagre-react ni Seri at nag roll eyes ito.
Parehong napatingin ang dalawa sa kanya dahil hindi makapaniwala sa sinabi niya. Napataas ng kilay si Shenneth Angeles. "Ows, I thought Kenan is your Crush."
"Ew. As if," Depensa agad ni Seri na para bang kahiya-hiya.
Ilang beses ngumisi si Kenan sa mga narinig niya sa grupo ni Seri. Sabay nitong naalala ang mga nangyari sa kanila ni Seri two weeks ago. Sinong mag-aakala na naging girl-friend niya ito. Bakit? wala lang gusto niya lang pagtripan. Alam niya kasi na may pagtingin ito sa kanya noon pa. Kaya niligawan niya ito. Hindi naman siya nabigo dahil agad naman siya nitong sinagot. Their relationship was a secrete kahit ang dalawang alipores nito ay hindi alam.
Napaka-arte kasi ng babaeng ito at feel na feel ang pagiging maganda sa north therese academy. Hindi niyo naman masisi kasi maganda naman ito. 'Yon nga lang Sobrang nakakainis, sarap balian ng buto dahil sa subrang kaartihan. Kaya nang naging girl-friend niya ito inilampalos niya ng todo. Sinaksak ng pinong-pino, nilagay sa sako at sabay na tinapon sa ilog pasig. Sumalangit nawa ang kanyang kalulamuwa haha. Pero siyempre, joke lang.
Sempli lang naman ang ginawa niya. 'yong magde-date sila tapos paghintayan niya nang ilang oras bago sipotin. 'Yong ang gaganda ng suot nito tapos dadalhin niya sa pipitsuging kainan. 'Yong manonood sila ng sini tapos bigla niya nalang itong iwan. At kung ano-ano pang katarantaduhang ginawa niya hanggang sa nainis ito ng todo at nakipag-break sa kanya.
Napahagikgik siya ng kunti nang maalala ang kagaguhang ginawa niya kay Seri. "Arte ng babaeng to kala niya naman type ko. Pwe!" Sa isip nito.
Kaya hindi niya masisi kung ganon nalang ang pandidiri sa kanya ni Seri.
Malapit na siya sa room.
Akmang papasok na siya nang saktong palabas si Maven Santiago. Ang kanyang mortal enemy since Birth.
Pareho silang napatigil.
"Anong tingin-tingin mo, huh," pagsisiga ni Maven sa kanya. Habang inaangasan siya ng tingin.
"Tss." Hindi niya alam kung bakit kumukulo ang dugo niya tuwing nakikita niya ito. Inangasan niya rin ito ng tingin. "Wala lang, gusto ko lang ipaalala sayo na mas pogi ako," sarcastic nitong sagot.
Napabuga ng hininga si Maven. Kahit kailan talaga ginagalit siya nito. Ayaw niyang magpatalo sa mokong na ito. Kaya ngumisi ito at lumapit sa kanya. "Alam mong ayoko sa mga katulad mo ' di ba? Naalibadbaran ako at biglang nanganagti ang kama-o ko gusto mo suntok?" paghahamon nito, habang titig na titig kay Kenan. Talagang basagulero ang isang to.
Hindi naman nagpatinag si Kenan. Talagang gustong-gusto niyang gingalit ito. Masyado siyang nai-enjoy. "Patikim nga ng suntok mo, Tignan natin kung maging pangit ako. Nakakapagod kasing maging pogi araw-araw" muli niyang pagiinis sa kanya.
Hindi na kinaya ni Maven ang sarili talagang malakas ang apog ng Kenan na to. Akmang susuntukin niya ito nang tinawag siya ni Jared Velasquez ang siga ng section A.
Hindi na natuloy ni Maven ang gustong gawin kay kenan. Tinignan niya sa labas ng pinto. Nando'n si Jared naka-abang kasama niya ang barkada nito na sina Meguel, Peterson at Nicholo. Sumenyas ito na lumapit sa kanya.
Agad namang tumingin si Maven kay Kenan. Tingin na para bang sinasabi na swerte nito tinawag siya. Hindi naman nagpa-apekto si Kenan sa tingin niya. Pinakita niya dito na hindi siya natatakot.
"Hindi pa tayo tapos," huling sabi ni Maven bago lumapit sa mga barkada ni Jared.
"Anong tataposin eh walang tayo. ulol!" pelosopong sagot ni Kenan sa kanya.
Dahil sa bangayan nila ni Maven ay tinamad na siyang pumasok. Maven Santiago is his mortal Enemy. Kaaway niya na ito mula pagkabata. Kahit simpling bagay pinag-aawayan nila. Walang gustong magpatalo sa kanila. Siguro dahil pareho silang siga. Ang pinagkaiba lang, siya ay isang poging siga.
Iilan palang ang mga kaklasi nila. Halatang nasanay na ito sa bangayan nilang dalawa. Deretso siyang lumakad papunta sa kanyang upu-an.
"Ows." Tumaas ang kilay nito. Hindi niya inaasahan na papasok na si Alexa. Ang kaklasi niyang matagal ya nang seatmate, kung bibilangin 9 years yana itong katabi sa upuan. kaklasi niya ito since Elementary. Hindi niya alam kung bakit laging nagtatagpo ang landas nila. Nagkakataon na lagi niya itong clasmate dahil laging parehong school ang pinapasukan nila. Hindi sila close, sadyang magkatabi lang. Besides wala siyang mapapala sa babaeng ito. Kung hindi Oo ang isasagot tatango lang ito. Mahal siguro ang laway nito kaya niya tinitipid.
Nabalitaan niya ang nangyari rito, kahit papaano naawa siya rito.
Tinignan niya ito. Tulad nang dati nakayuko ito at tahimik na naka-upo sa kanyang upuan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit masgusto niyang tumabi dito. Mahiyain ito at bihira lang pagnagsalita. 'Yan tuloy laging masarap ang tulog niya. Walang-imik na umupo si Kenan sa kanyang bangko.
Napayoko si Alexa nang biglang sumakit ang ulo niya. Napatingala siya nang naramdaman na may umupo sa tabi niyang upuan. Tinignan niya ito at ngumiti ng malapad.
"Hi. good morning," pagbabati ni Alexa sa katabi.
Ows, What a miracle, nginitian at binati siya nito. anyare? Nalunok ba nito dila niya at nagtanda na.