GOV. SANTIAGO Y. LOCSIN MEMORIAL HOSPITAL
Mandaue City, Cebu
Nahirapan man ay pilit na minumulat ng babae ang kanyang mga mata. Napakabigat ng kanyang katawan. Marahil dahil sa matagal nitong pagkakahiga. Inilibot niya ang kanyang paningin. Puro puti ang paligid sa kanyang pagtantiya nasa loob siya ng isang hospital. Sinubukan niyang isipin kung paano at kung bakit siya nandito? Gayon na lamang ang kanyang pagtataka nang walang pangyayaring bumalik tanaw sa kanyang isipan. Tumingin siya sa kanyang kanang bahagi. May isang Ginang natutulog malapit sa kanya. Mababakas sa kanyang mukha ang matinding puyat. Marahil ito ang nagbabantay sa kanya. Sinubukan niyang bumangon.Ginalaw niya ang kanyang katawan nang paunti-unti. "Ahh!" Napasinghap siya na may-kirot na maramdaman sa kanyang braso. Tinignan niya ito at may mga pasa at sugat siya roon.
Nagising ang Ginang nang marinig ang boses ng anak. Dali-dali siyang bumangon at nang makitang nagkamalay na ito. Halos mapaiyak siya sa saya. "Anak ko, Salamat sa Diyos at gising kana! " bulalas ng Ginang.
Sinalubong niya agad ng yakap ang anak. "Kamusta ang pakiramdam mo? may masakit ba sayo? Nagugutom ka ba?" Sunod-sunod nitong tanong waring nataranta sa kaligayahan niyang nagising na ang anak.
Tinignan niya ang mukha ng anak at hinaplos ito sa pisngi. "Alexa! Anak ko, ayos ka lang bah?" muli niyang sambit sa pagtatakang nakatitig lang ito sa kanya.
Nakauwang ang kanyang mga labi at unti-unting itong gumalaw upang makapag-salita. Titig na titig ito sa ginang waring hinahalungkat ang laman ng utak upang malaman kung sino ito sa buhay niya. Ngunit ni munting ala-ala ay walang matanda-an. "W-ho are y-you?" unti-unti niyang bigkas.
Parang nanghina ang tuhod ng Ginang sa sinabi ng Anak. Hindi siya makapaniwalang hindi siya kilala ng anak. Marahil dahil sa aksedinting nangyari ay nagkapinsala ang kanyang utak. "Alexa anak," muling niyang sambit. Awang-awa siya sa kalagayan ng anak. Halos napa-iyak na siya habang naka-titig sa anak.
"Alex-xa?" sambit niya nang marinig ito sa ginang. Nakakonot ang kanyang no-o at ang kanyang mata ay puno ng pagtataka. Muling niyang pinikit ang kanyang mga mata at sinubukan muling alalahanin ang mga bagay na tungkol sa kanya. "Ahhh!" Napasinghap siya nang may maramdamang kirot sa kanyang ulo. Na siyang dahilan ng pagdilim ng kanyang paningin at muling nawalan ng malay.
--
"Tama ka Mrs. Cuevas may amnesia ang anak niyo. She has traumatic head injury pero huwag kayo mag-alala hindi masyadong malala ang pinsala ng utak niya. Muling babalik ang kanyang mga ala-la pero ito ay paunti-unti. Huwag lang nating biglain, " Pagpapaliwanag ng Doctor. Tumingin ito kay Ginang Cuevas at muling nagsalita. "Sa ngayon ang nais natin gawin ay alalayan si Alexa para sa kanyang pagbilis ng paggaling. Ito ang bagong resita ko sa kanya." Isang maliit na papel ang inabot nito sa Ginang. Agad naman nitong tinanggap.
"Sa kalagayan ni Alexa may kunting obserbasyon pa kami sa kanya kaya may ilang linggo pa siyang pananatili dito sa hospital. Maiwan ko mona kayo Mrs. at marami pang naghihintay na pasyente,"
"Maraming salamat po Doctor," agad na sambit ni Ginang Helen. Pinahid ng ginang ang mga luhang tumulu sa kanyang pisngi. Mula pagkabata ay matinding paghihirap na ang sinapit ng kanyang anak. Kung tutuusin napakabaiit na bata si Alexa pero talagang mapait ang tadhana sa kanya.
--
Taytay, Rizal 2:30 p.m
Pagkababa ng Taxi. Agad naman inilabas ni Ginang Helen ang kanyang pitaka upang bayaran ang driver ng taxi. Tinulungan pa sila sa pagbaba ng kanilang mga gamit sa sasakyan at pagbaba agad naman itong umalis.
"Alexa!"
"Alexa!"
"Alexa anak, kanina pakita tinatawag ba't di' mo man lang ako nagawang lingunin, " anito ng kanyang ina.
Halos nakatingin lang si Alexa sa bahay nila sa Taytay. Pilit na inaalala ang kanyang mga nakaraan sa simpling bahay na nakatayo. Ngunit ni isa ay walang matandaan.Tumingin lang ito sa kanyang ina at makikita sa kanyang mga mata ang paninibago sa lugar na kinalakihan.
Napanasin ng Ginang na tila naninibago siya sa kanilang tirahan , maging sa kanyang pangalan animo'y Hindi siya sanay. Inisip niya nalang na marahi dahil sa kanyang karamdaman. "Halika kana at makapagpahinga ka sa loob," paanyaya ng Ginang sa kanyang Anak.
Tinulungan niya ang ina sa pagdala ng kanilang mga maleta upang pumasok sa kanilang bahay. Nang makapasok sila, agad nitong inilibot ang kanyang paningin.
"Sandali anak at ihahanda ko ang iyong kwarto. Tiyak marami nang alikabok doon," saad ng kanyang ina at Dali-dali itong umakyat sa hagdan pataas.
Napangiti si Alexa talagang napaka-swerti niya sa kanyang ina. Nakita niya ito kung paano mag-alala sa kanyang kalagayan. Ang pag-aalaga sa kanya sa hospital dahil sa aksidenting nangyari sa kanya. Na siya ring dahilan ng pagkawala ng kanyang alala. Na kahit mismong ina ay 'di niya nakilala pa. Kung ano man ang kanyang ginawa kung bakit siya na aksidenti ay labis niyang pinagsisihan dahil naawa siya sa kanyang ina.
Ngunit normal lang ba ang kanyang nararamdaman. Para bang nagising siya sa ibang katauhan. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Ganito ba ang epekto ng kanyang pagkabagok pati sarili ay 'di na kilala. Nagbuntong hinininga at Muli niyang dinilat ang mga mata.
Ordinaryo lang ang kanilang bahay ngunit may kagandahan ito dahil nailagay sa ayos ang mga gamit. May hagdanan pa punta sa taas kung saan makikita ang dalawang silid.
Tinignan niya ang kabuuan ng bahay, sa bawat sulok nito, maging sa mga letrato na nagkalap sa dingding. Tinignan niya ito pa isa-isa. Napaka-simpli niyang babae. Walang arte sa katawan at malimit kung ngumiti.Tanging ina niya lang ang kanyang kasama sa bawat mga letrato. Naikwento na rin sa kanya ina na maagang pumanaw ang kanyang ama. Kaya labis siyang nalungkot dahil kahit anino ay walang natirang alaala ng kanyang ama.
Napukaw ang atensyon niya sa isang litrato. Kung hindi siya nagkakamali litrato niya ito nong bata pa siya. Naka-upo siya katabi ang kanyang ina. Napakagaganda ng kanyang ngiti parang iba ang kanyang ngiti sa iba pa niyang litrato. Tiyak napakasaya niya nang araw na to.
Pababa ang Ginang ng makita niya ang anak na nakatingin sa mga litrato sa dingding. Alam niya na nahihirapan ang anak sa kanyang sitwasyon. Kung siya lang ang pipiliin mas mabuti nang hindi na bumalik ang mga alala sa nakaraan. Nanaisin niya nalang na magsimula ito ng panibagong buhay. Matinding pagalala niya sa nangyari kay Alexa sa Cebu pero kung makakabuti ito sa kanyang kalagayan upang matakasan ang nakaraan ay buong puso siyang nagpapasalamat. Dahil ang kanyang mga nakaraan ay parti na ng kahapon na dapat nang idaan sa limot. Alam niya ang totoo tungkol sa kung ano ang totoong ugnayan nila ni Alexa. Mas mabuti kung isintabi na muna niya ang tungkol sa kanyang pagkatao at hayaan muna para sa kanyang muling pagbangon.
Napangiti ang ginang na pinagmasdan ni Alexa ang kanilang litrato kung saan napaka bata pa niya. Sa kanyang pagtantiya anim na taon siya no'ng araw na 'yon. Hindi niya makalimutan ang araw na 'yon dahil isa iyong napakagandang pagtatagpo sa buhay niya. Ang unang litrato nila ni Alexa.
"Huwag kang mag-alala anak sabi ng doctor unti-unting babalik ang iyong mga alala," wika ng kanyang ina, habang papalapit sa kanya. Kinuha nito ang litratong hawak niya at ibinalik sa dingding.
"Ma-mama ano bang klasing tao ako?" anito sa kanyang ina para magkaroon ng kaisipan sa kanyang nakaraan.
Tumingin lang ang kanyang ina sa kanya at ngumiti.
"I mean may boyfriend ba ako? bestfriend at mga kaibigan? ano bang hilig ko?" Sunod-sunod nitong tanong.
Napailing ang kanyang ina. Simula nagising ito sa hospital napansin niya na madalas itong magsalita at malapad kung ngumiti. Hindi tulad sa dating alexa na malimit magsalita. Sa tingin niya ito ang mas maganda para sa kalagayan ni Alexa. "Wala kang boyfriend anak," sagot nito. napatigil ang ginang saglit, kung sinong sasabihin niya na Kaibigan dito.
Ayaw niya munang maisip pa nito si Jessica ang tanging kaibigan niya na yumao na."H-mm, m-may mga kaibigan ka sa eskwelahan 'yon ang mga kaklase mo, huwag ka mag-alala alam nila ang kalagayan mo," pagpapaliwanag nito. Tumingin ito sa mga mata ng anak at muling nagsalita. "Ikaw si Alexa ang mabait kung anak maganda at matalino," muling pagpapaliwanag ng Ginang.
Napanguso ito sa kanyang ina. Masyado syang perfect sa paningin nito. Naramdaman niya na marahil siya ang kabaliktaran sa sinabi ng kanyang ina. "Masyodo ba kayong strict?" nagtatakang tanong nito.
"Hindi naman, sakto lang," mitipid niyang sagot sa tanong ng anak. "Papasok kana ba bukas?" pagiiba niya ng usapan. Kinuha niya ang mga bagahe upang iakyat sa kwarto ni Alexa.
Dinala naman ni Alexa ang iba pang gamit para tulungan ang kanyang ina. "Sa tingin ko, mukhang kaya ko nang mag-aral. Magaling na ako at mahigit isang buwan din tayo sa Cebu. Kaya papasok na ako bukas nang sa gano'n unti-unti din akong makabawi," Anas niya sa kanyang ina.
"Well that's good at babalik na rin ako sa pagtuturo." nakangiti nitong sabi sa anak. Isang Elementary teacher sa Taytay Si Ginang Helen kaya mahilig ito sa mga bata. Ang pagiging guro ay tanging nagtataguyod sa kanilang pangangailangan ng kanyang anak.
--
Abala si Alexa sa pagligpit ng kanyang mga gamit sa loob ng kanyang silid. Binuksan niya ang kanyang aparador upang ilagay ang mga damit niyang nasa maleta. Pagkatapos nito ay agad siyang napahiga sa kama niya. Dinama niya ang kalambutan ng kanyang higa-an .
Pinikit niya ang kanyang mga mata. Naninibago siya sa kanyang sariling silid. Hinipo niya ang bedsheet na nasa kama niya habang naka-pikit ang kanyang mga mata. Napadilat siya nang may bagay na nakapa.
Agad siyang bumangon upang alamin ito. Natabunan ito ng bedsheet kaya isinuksuk niya ang kanyang kamay upang abutin ang bagay na nakapa. "Keychain?" sambit niya ng makuha niya.
Napangiti siya at umupo sa kama. Nagustuhan niya ang keychain na nakita niya. May maliit itong teddy bear na kulay pink. Hinawakan niya ito haggang sa may nakita siyang nakasulat doon. Binasa niya ito. "I need you Alexa." Kumunot ang kanyang noo. Alam niyang wala siyang maalala tungkol sa bagay na ito.
"I need you Alexa," Pag-uulit niya sa salitang binasa. Naging palaisipan ito sa kanya kaya tinignan niya muli. Inikot niya ang maliit na teddy bear. At may naka-sulat din sa likod nito. Yari sa itim na marker ito at nakasulat sa malalaking titik, kaya mabilis niyang mapansin. "SORRY," pagbasa niya.
Muling kumunot ang kanyang noo. Marahil nanggaling ito sa isang taong malapit sa kanya. Hindi niya man sabihin alam niyang nahihirapan siya sa kalagayan niya. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Bukod sa kanyang ina ay wala pa siyang taong nakakausap na talagang kilala siya. Ni hindi niya matandaan kung sino ang mga kaibigan niya. Ang buhay na meron siya sa eskwelahan at ang buhay niya rati. Ang tanging alam niya lang siya si Alexa Cuevas, 17 years old, grade 11 section B at may roong mapagmahal na ina. Malungkot lang isipin na hindi niya matandaan ang mga taong malapit sa kanya. Papasok na siya bukas tiyak magsisimula siya muli na parang bagong simula habang binabalik ang mga alaalang nawala.
Muli niyang tinignan ang keychain. Iniisip niya kung sino kaya sa mga kaklase niya ang bumigay nito sa kanya. At kung bakit may nakasulat na I need you Alexa, Bakit kaya kailangan siya nang taong ito? Napasimangot siya dahil sa nahihirapan sa kalagayan.
"A-lexa-h,"
Napapitlag siya nang may narinig na boses na tumawag sa kanya. Sa tingin niya ang boses ay sa loob ng silid at mukhang malapit lang sa kinaroroonan niya. Hinilamos niya ang kanyang mukha. Marahil guni-guni ya lang ito dahil sa pagod.
"I n-need yo-u A-lexa-h,"
This time, Napatayo na siya. Hindi na siya nagkakamali may malamig na boses na bumulong sa kanya. Paanong nangyari dahil nagiisa lang siya sa silid. Boses babae ito at hindi familiar sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin. Ramdam niyang hindi siya nag-iisa sa loob ng silid. Pinanayuan na siya ng balahibu.
"A-lexa-hh."
Sa pangalawang pagkakataong pagtawag sa kanya, nakaramdam na siya ng takot. Parang may umihip na hangin sa kinaroroonan niya. Niyakap niya ang sarili nang makaramdam ng lamig.
Tila hindi makakilos si Alexa sa kinatatayuan niya. Naramdaman niya na may nilalang sa kanyang likuran. Kung ano man ito ay natatakot siya. Tila may mga yapak na papalapit sa kanya. Kasabay nito ang pagbilis ng t***k ng puso niya at panlalamig ng kanyang katawan.
Linabanan niya ang takot na naramdaman. Pinilit ang sarili naiharap sa kanyang likuran. Tila tumigil ang hininga ni Alexa. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Naka-uwang ang kanyang labi. Parang pinagsisihan kung bakit pa siya humarap.
May isang babaeng papalapit sa kanya. Itim na itim ang ilalim ng mga mata. Suot nito ang uniporming puro dugo. Nangingitim ang kanyang mga labi na tila bumangon mula sa hukay. Matalim ang bawat titig nito mula sa kanya. Habang dahan-dahang humahakbang papunta sa kanya.
Lumaki ang mata ni Alexa sa gulat. Hindi siya makapaniwalang makakita siya ng multo. Nanalo na ang takot sa kanyang katawan kung kaya't hindi niya maikilos ang sarili. Gusto niyang sumigaw pero tila napatid ang dila niya. Ang nagawa niya lang ay humakbang ng paatras habang nanginginig sa takot.
Habang papalapit ito sa kanya mas-tumitindi ang kanyang panginginig. Ayaw niya na, mamatay na siya sa takot. Buong pwersa niyang kinilos ang sarili upang tumakbo.
Nang makatakbo ganon na lang ang kanyang pagkagulat. Nang tumakbo 'din ito. Narinig niya ang tila nababaling mga buto sa pagtakbo nito. Hahawakan niya na ang Door-knob nang masnaunang mahawakan siya nito sa braso at buong pwersa hinila papalapit sa kanya. Ramdam niya ang panlalamig nito nang hawakan siya, para itong yelo sa lamig. kasabay nito ang naglalagtukang mga buto sa bawat galaw nito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Natataranta na siya sa takot. She cried helplessly.
"Tama na! Ayokoh na! ahh!"
---