bc

MAGKARIBAL [SPG]

book_age18+
133
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
arranged marriage
badboy
powerful
heir/heiress
drama
bxg
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Si Alex Grey Priscela ang panganay na anak ng mag-asawang Priscela.Lumaki siyang kasa-kasama ang dalawang kambal na si Sofie at Sofia na anak ng kaniyang tito at tita. Ngunit hindi niya makasundo si Sofie at napaka-sungit at tahimik nitong babae.Samantalang si Sofia ang halos nakakausap at nakakasama niya. Nayayakap at nahaharutan at naisasama sa labas para mamasyal at kumain.Ngunit hindi niya inaasahan ang isang anunsiyo ng kaniyang mga magulang. Ang isang kasunduan ng mga ito na ipakasal siya kay Sofie Domingo!Ito na ba ang paraan para makuha niya ang puso nito?O ito ang magiging dahilan para mag-away ang dalawang kambal?Pero papayag nga ba ang isang Sofie Domingo? Kung sa una pa lang hindi man lang ito malapit-lapitan?Para bang kina-iinisan siya nito?Magagawa niya rin bang magpanggap na hindi niya ito gusto kahit ang totoo, matagal na niya itong pinapangarap?

chap-preview
Free preview
FLASHBACK
ALEX GREY PRISCELA Sunod-sunod na katok ang nagpagising sa akin. Bigla naman akong napakamot sa ulo at hinayaan ang kumakatok. "Son..." Lihim akong napabuntong-hininga. "Anak, nandiyan si Sofia." Bigla na lang akong napamulat. Nawala yata ang antok ko. Hindi dahil kay Sofia, kun'di dahil kay Sofie. Tiyak ko namang kapag nandiyan si Sofia, nandiyan din si Sofie. Kunwari akong tinatamad umupo kahit ang totoo gusto ko ng tumakbo papuntang banyo at makaligo at nang makababa na! "Good morning, mom." Umupo naman ito sa harap ko. Hanggang sa pisilin nito ang ilong ko. "Mom!" awat ko. Natawa naman ang mommy ko. "Ang guwapo-guwapo mo kasi anak. Mas guwapo ka pa sa daddy mo e!" Bigla akong napangiti. Lumaki yata ang tainga ko. "Pero 'wag mong sasabihin sa kaniya at tiyak magtatampo iyon." Bigla akong napahagalpak ng tawa. Ang cute talaga ng mommy ko. Niyakap ko naman ito. "I love you, mom." "I love you too, anak. Oh siya, bumangon ka na at ng sabay-sabay na tayong mag-almusal." Kaagad akong napatango. "Ang aga yata nila, mommy?" tanong ko. Lumingon ito sa akin. Patungo na kasi ito sa pintuan. "Si Sofia nagmamadaling pumunta rito. Kaya ayon, kinulit ang kakambal na samahan daw siya para makita ka." Napatikhim ako. Nagtaka ako ng titigan ako nito. "Yes, mom?" Bigla na naman itong lumapit. "Anak, kapatid ba talaga ang turing mo kay Sofia?" Napakamot naman ako sa batok. "Ilang beses ko na iyan sinagot, mommy. Hindi niyo pa rin natatandaan." Kunwari akong napasimangot. "Pasensya ka na, anak. Gusto lang ni mommy makasiguro. Noong five years ka palang kasi, best friend ang turing mo sa kaniya." Napatayo naman ako. Umunat ng katawan. "Kapatid at best friend pa rin naman ang turing ko kay Sofia, mommy. Hindi magbabago 'yon." Nagtaka ako ng lumawak ang ngiti nito sa labi. "Tama 'yan, anak. Sumunod ka 'agad ha?" Pagkalabas nito, nagmamadali akong napatakbo sa loob ng banyo. Sa edad kong 12 years old, matured na ako mag-isip. Malaking bulas din ako at napakatangkad na rin. May abs na rin at may muscles ang mga braso. Alaga yata ako sa gym. Ang sabi nga ng mga kaibigan at pamilya ko, mukha raw akong 18 years old kung pagbabasehan ang hubog ng pangangatawan ko. Hindi naman nakakapagtaka at napakaraming kababaihan ang halos mabaliw sa akin. 'Di lang sila makalapit sa akin at animo'y tuko na nakadikit sa akin ang kaibigan kong si Sofia. Hinahayaan ko naman ito at wala rin naman akong interesado sa mga kadalagahan. Dahil may iba na akong nagugustuhan. Pants at white t-shirt ang suot ko. Sinigurado ko talagang babakat ang muscles at abs ko. Naglagay din ako ng pabango. Sinigurado ko ring guwapo ako bago bumaba ng sala. Lihim akong napalunok ng makita ang mga ito sa malaking sala. Nagsisimula na namang lumakas ang t***k ng puso ko. "Kuya Alex!" bulalas ni Sofia. Ito kaagad ang nakapansin sa akin at paharap itong nakaupo sa tapat ng hagdan na kinaroroonan ko. Bigla itong tumakbo. Napangiti naman ako. Parang bunsong kapatid ang turing ko rito. Ang kulit-kulit at may pagka-pasaway. Pero napaka-lambing din nito. Bahagya akong napa-atras ng bigla na lang itong tumalon at magpakandong sa akin. Napapangiti na napapailing na lamang ako. Ngunit kaagad nawala ang ngiti sa labi ko ng mapatingin ako sa kinaroroonan ni Sofie. Lumingon ito sa akin. At katulad ng dati, blangko at walang kaemo-emosyon ang mga tingin nito sa akin. Kung minsan iniisip ko kung ano bang ayaw nito sa akin? Noong mga bata pa kami, palagi itong umiiwas. Hanggang ngayon, hindi rin nakikipag-usap. Kapag tinanong ko naman ito, isang tanong isang sagot lang. Kapag kinulit ko pa, bigla na lang itong magpapa-alam. Katabi nito si Nhikira. Habang nakangiting nakatingin naman sa amin si mommy. Pinalo ko ang puwetan ni Sofia para bumaba na sa akin. Kandahaba naman ang nguso nito. At talagang isinandig pa nito ang ulo sa leeg ko. "I miss you Kuya Alex." "Isang araw pa lang tayong hindi nagkita, namiss muna ako 'agad?" Sunod-sunod itong tumango. Maliit lang itong babae kaya naman ang gaan lang nito. Samantalang si Sofie, may kalakihang bulas. Matangkad din at maganda ang kurba ng katawan nito. Magkamukha man ang dalawa, ngunit may pagkakaiba pa rin sa dalawa. Kung itong si Sofia, maitim at tuwid ang buhok, si Sofie naman, curly at natural blonde ang buhok nito. Mahahaba din ang pilit mata nito. Mas matangkad din ito kaysa kay Sofia. Kung palangiti si Sofia, halos hindi naman ngumiti si Sofie. Hindi ko nga matandaan kung kailan ko ba ito ulit nakitang nakangiti? "Baba na.." utos ko kay Sofia. Para talaga itong tuko kung makakapit! May katigasan din kasi ito ng ulo kung minsan. "Hoy, Sofia. Para kang linta kung makadikit kay kuya. Bumaba ka nga!" sita ni Daniel. Salubong ang kilay nito. Pakiramdam ko tuloy, may gusto ito kay Sofia. Well, bilang lalake, iyon ang kutob ko. Hindi ko pa nga lang ito tinatanong. Palagi kasing mainit ang ulo nito kapag nakikitang nakayakap o nagpapakalong si Sofia sa akin. Bigla namang bumaba si Sofia ngunit pamatay na irap ang ibinigay nito kay Daniel. "Tita, nagagalit na naman po si Kuya Daniel--" "Huwag mo nga ako tawaging kuya. Hindi tayo magkapatid." Binalingan naman ito ni mommy. Nakakapit naman ang kamay ni Sofia sa braso ko. Samantalang habang nagtatalo ang mga ito, pasimple ko namang tinitigan si Sofie. Kausap nito si Nhikira at para bang may sariling mundo ang mga ito. "Hey, son. Huwag kang ganiyan kay Sofia. Bakit ka ba laging galit sa kaniya ha?" Hindi naman kumibo ang kapatid ko. Gusto ko tuloy mapangiti. Gusto ko sanang magbiro na nagseselos ang kapatid ko. Pero naisip kong baka nagkakamali lang ako. Ayaw din kasi ng kapatid ko sa mga babaing mahaharot kung tingnan. "Oo nga tita! Akala mo e, pinaglihi sa ampalaya. Ang pait ng ugali." "Anong--" pinigilan ni mommy si Daniel ng akmang tatayo ito at lalapitan si Sofia. "Kumain na tayo," wika ni mommy. Binilatan ni Sofia ang kapatid ko. Sinaway ko naman ito. At talagang humagighik pa at yumakap sa akin. "Tsk. Pakampi!" bulong ni Daniel. "Pakialam mo!" ganti naman ni Sofia. Inakay ko na lang tuloy ito papunta ng dining. May pagka-maldita rin kasi ang babaing ito. Sa gilid ng mga mata ko, tahimik lang na nakasunod ang kakambal nitong si Sofie habang kasabay si Nhikira. Sa likuran naman si Daniel. MAGKATABI sila mommy at daddy. At kapag sinu-suwerte nga naman, kaharap ko si Sofie. Aalis pa sana ito sa upuan upang makipagpalit kay Nhikira ngunit pinigilan ito ng kapatid ko. Katabi ko naman si Sofia at sa katabi rin nito si Daniel. Nang bigla akong mapatingin kay Sofie. At para yatang huminto ang t***k ng puso ko ng mapatingin din ito sa akin. Ngunit bigla na lang akong napakurap-kurap ng para bang umirap ito sa akin. Napailing na lamang ako. Namamalikmata yata ako. "Mauna na ako sainyo at pupunta pa ako sa opisina," paalam ni daddy sa amin. "Ingat tito!" masiglang wika ni Sofia. Tumango naman si dad. Sumunod naman kaagad dito si mommy. Kami-kami na lang ang natira. Napansin kong aabutin ni Sofie ang ulam. Kaya naman 'agad ko itong inilapit dito. Pansin kong natigilan ito. Muling nagtama ang mga mata namin. Ngunit 'agad itong umiwas ng tingin sa akin. "Thanks." Lihim tuloy akong napabuntong-hininga. Hindi ba ako guwapo sa paningin nito? "Kuya." Napalingon ako. "Aaahh!" wika ni Sofia habang naka-awang ang tinidor nito na may hotdog. Kumunot ang noo ko. "Ayoko niyan." Napasimangot naman ito. "Isang kagat lang," at lalo nitong inilapit ang hotdog sa bibig ko. "Dapat ikaw ang kumakain niyan." Nagpigil akong mapangiti. "Gusto ko ngang--" Napahinto ito ng biglang tumayo si Daniel. Gusto ko tuloy matawa. Madilim na naman kasi ang mukha nito. Para bang may nakita na naman itong hindi kaaya-aya sa paningin nito. Hmm, napaghahalataan ka na brother ha? "Sige na, kuya. Isubo mo na." Damn! Ito rin ang pino-problema ko sa babaing ito. Basta-basta na lang nagsasalita. Akmang magsasalita pa ito ng isubo ko mismo sa bibig nito ang hotdog na nasa tinidor nito. Sumama ang tingin nito sa akin. Ngunit isang ngiti lang ang ibinigay ko rito sabay pisil sa pisngi nito. "Dapat ikaw ang sumusubo niyan at kumakain." Nang bigla akong mapabaling sa kabilang upuan. Tumayo na rin si Sofie at walang kangiti-ngiting nag-excuse sa amin. Palihim ko na lang itong nasundan ng tingin. Ramdam ko ang biglaang kalungkutan sa puso ko. Hanggang sa tumayo na rin si Nhikira. "Kuya Alex, pasyal tayo sa Mall ngayon!" wika ni Sofia Tumikhim ako. "Tingnan ko." "Huwag mo na kasing tingnan. Nandito naman ako!" Bigla akong napalingon dito. Ngiting-ngiti ito. Napahagalpak tuloy ako ng tawa. "Kung ano-anong sinasabi mong bata ka." Biglang nainis ang mukha nito. "I told you, kuya hindi na ako bata!" Ginulo ko ang buhok nito. "Banyo lang ako tapusin mo na iyang kinakain mong hotdog!" Lihim akong natatawa sa sariling kalukuhan. Kandahaba tuloy ang nguso nito. Habang naglalakad ng bigla kong mapansin ang kapatid kong si Daniel at si Sofie. Kumunot ang noo ko. Nagkakasiyahan ang dalawa? At talagang napapangiti ni Daniel si Sofie? Biglang bumigat ang pakiramdam ko ng makita kong hinawi ni Daniel ang buhok ni Sofie. Tumatama kasi ito sa mukha ng dalaga. Bigla na lang nagtaas-baba ang paghinga ko ng makitang titig na titig ang kapatid ko kay Sofie habang matamis na nakangiti. At ganoon na lang ang selos na namuo sa pagkatao ko ng kilitiin nito si Sofie na ikinahalakhak ng dalaga. Parang may kutsilyong bumaon sa puso ko. Nasasaktan akong napapasaya ito ng ibang lalake? Akmang lalapitan ko ang mga ito ng marinig ko ang boses ni Sofia. At napansin din nito ang dalawa. "Alam mo Kuya Alex, bagay na bagay si Sofie at Kuya Daniel. Look, siya lang ang nakakapagpatawa sa kakambal ko." Bigla na lang gumalaw ang panga ko at hindi sinasadyang naikuyom ko ang kamao ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
466.3K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
504.9K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
605.3K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
467.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook