HUMIGPIT ang pagkakahawak niya sa manibela ng marinig ang lahat-lahat kay Sofia. Hindi niya lubos akalain na hanggang ngayon pala may nararamdaman pa pala talaga ito sa kapatid ko. At ngayon, nakayakap ito sa kapatid ko habang humahagulhol. Ang balak kong pagpasok sa loob ng bar, naudlot ng makita kong palabas ang kapatid ko habang may karga-kargang babae. Halos magulantang ako sa nakita, ngunit mas nagimbal ako ng makitang si Sofia iyon! Ang balak kong paglabas sa loob ng sasakyan, hindi ko ginawa at hinintay ang mga mangyayari. At halos manikip ang dibdib ko ng marinig ang lahat-lahat dito. Kung paano kong makita ang sakit at hinanakit sa mga mata ng dalaga. Kung paano itong umiyak sa harapan ng kapatid ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nangingilid na pala ang luha sa mga mata

