BIGLANG tumaas ang sulok ng labi ni Daniel ng makita ang pagkagulat sa magandang mukha ni Sofia. Ang totoo, lihim din niyang nahigit ang paghinga ng makita ang magandang mukha nito. Wala pa ring pinagbago, maganda at sobrang sexy pa rin! Hindi niya rin maitatangging bigla siyang napalunok. Lalo na ng mapatitig siya sa namumulang mga labi nito. Namiss niya ito ng sobra. Ngunit napangisi siya ng bigla itong umirap sa kaniya. Para bang hindi man lang siya nito namiss kahit katiting. Kung sabagay ano pa nga bang aasahan niya rito? Nang mga oras na iyon, nasa opisina siya ng kaniyang Kuya Alex. Kahapon lang siya nakauwi galing ng Singapore. At habang nagkakatuwaan silang magkapatid, bigla ngang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang babaing nagpapalakas ng t***k ng kaniyang puso. "Hi, K

