ISANG buwan ang nakalipas.
Biglang nabitiwan ni Alex ang bolang hawak-hawak niya ng bulungan siya ni Cael.
Bumigat ang paghinga niya kasabay ng paghakbang niya palabas ng basketball court.
"Sigurado ka ba diyan?" tanong ko.
Gumalaw ang panga ko dahil sa selos.
"Yes, bro."
Umagapay naman ang tatlong kaibigan ko.
"Where are you going, bro?" si Leo.
"Sa kabilang building."
Ilang minuto lang ang layo ng Architect building.
Ilang araw ng hindi niya nasisilayan si Sofie. At 'di niya matanggap na may nagpapalipad hangin sa dalaga!
"Kailan pa nagpapapansin ang lalaking iyon?" naiinis na tanong ko kay Cael.
Tumikhim naman ito.
"Nakaraang Linggo lang daw, bro. Nagkaroon kasi siya ng subject sa School ng Architect. Doon niya nakita si Sofie."
Lalong bumigat ang pakiramdam ko.
SAMANTALANG napaangat ang ulo ni Sofie ng may tumikhim sa harapan niya.
"Hi!" nakangiting wika nito.
Kumunot ang noo ko.
"Hindi mo ba ako natatandaan?"
Marahan akong umiling. Kahit ayokong makipag-usap, ayoko namang bastusin ang kaharap.
"I'm Max Levi." Sabay lahad ng kamay nito.
Bigla ko naman natitigan ang kamay nitong nasa harapan ko. Natatandaan ko na ito.
Isa sa mga kaklase ko sa isang subject.
Kung hindi ako nagkakamali, isa itong Engineering.
Tumikhim ito ng hindi ko tanggapin ang pakikipagkamay nito.
"Mag-isa ka yata?" kaswal na tanong nito. "Puwede bang makiupo?"
Kumibot ang labi ko.
Ang totoo, hindi ako nakikipaglapit sa kahit kaninong lalake.
Mas gusto kong mapag-isa kapag wala si Nhikira o si Sofie.
Nagkataon kasing may ibang subject ang mga ito na wala siya.
Nasa lilim siya ng malaking puno ng mga oras na iyon.
"Anong kailangan mo?" diritsahang tanong ko sa binata.
Pansin ko na bigla itong natigilan. Ngunit 'agad ding ngumiti. Napakamot pa sa batok na para bang nahihiya.
"Gusto ko sanang makipagkaibigan?"
Umupo ito kahit wala naman akong sinasabi. May mahabang upuan kasi sa malaking puno na iyon.
Doon kami madalas tumambay nila Nhikira.
"Napapansin ko kasi na madalas ka yatang nag-iisa?"
Kumunot na naman ang noo ko.
Nang bigla akong tumayo. Nagtataka naman itong tumingala sa akin.
"I'm sorry, pero hindi ako nakikipagkaibigan sa lalake. Maiwan na kita."
Akmang lalagpasan ko ito ng bigla itong humarang sa dinaraanan ko.
"Pasensya ka na--"
Napahinto ito ng biglang may tumikhim sa likuran nito. At ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko ng makita si Alex.
Anong ginagawa niya rito?
Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa lalaking nagngangalang Max.
Nakapamulsa ito ngunit hindi ko man lang makitaan ng kayabangan sa galawan nito.
Doon ko lang din napansin ang kakaibang awra ng mukha nito. Blangko iyon.
"May problema ba, Sofie?" baleng nito sa akin.
Lihim akong napalunok ng lumapit ito sa akin. Tumabi mismo sa kinatatayuan ko!
"Hmm, wala naman."
Nang bigla itong tumitig sa akin.
"Sino siya?" tanong nito sabay tingin sa lalake.
Akmang magsasalita ako ng maunahan ako ng lalaking si Max.
"Hi, bro. I'm Max Levi. Nakikipagkaibigan lang kay Sofie!" sabay ngiti nito.
Ramdam kong kilala ng lalake si Alex. Sino ba naman ang 'di makakakilala sa binata?
Pag-aari 'ata nila ang University!
Kinabahan ako ng tingnan ni Alex ang kamay ng lalake na nakalahad sa harapan nito.
Ngunit lihim din akong nakahinga ng tanggapin ito ni Alex.
Kung sabagay, kilala kong mabait ito sa lahat. Ngunit hindi ko maitatangging nakikita ko sa katangian nito ang pagiging strikto.
Napakurap ako ng tumitig ito sa akin.
"Tinanggap mo ba ang pakikipagkaibigan niya?"
Para akong tanga na kinabahan sa harapan nito. Ngunit naitago ko pa rin iyon sa pamamagitan ng malamig kong expression.
Umiling ako sabay baleng sa lalaking si Max.
"Pasensya ka na," wika ko sa lalake. "Maiwan ko na kayo." Sabay tingin kay Alex.
At saka nagmamadaling umalis sa harapan ng mga ito.
Nakakailang hakbang na ako ng may tumikhim sa likuran ko. Bigla akong nagpalingon.
"Sofie.."
Napahinto ako.
"Bakit?"
Pinigilan kong mapayuko dahil sa lalim ng titig nito.
"Sabihin mo lang sa 'kin kung gagambalain ka pa ng lalaking iyon."
At para maiwasan ko na ito, tumango na lang ako.
"Sige may pasok pa ako," paalam ko.
Patalikod na ako ng tawagin na naman ako nito. Lalo tuloy lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Ngunit seryosong mukha pa rin ang ipinapakita ko sa binata.
"May..."
Nagtatanong naman ang mga mata ko.
Hanggang sa pasimple itong bumuntong-hininga.
"May nanliligaw pa ba sa iyo?"
"Nanliligaw?" kunot noong tanong ko.
"I mean, may mga lalake pa bang lumalapit sa iyo?"
Bahagya kong ikiniling ang ulo ko.
"Mabuti naman." At bahagya itong ngumiti."Alam mo na, inihabilin kayo ni tito sa akin."
Ako naman ang bumuntong-hininga.
"Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi mo naman ito dapat--"
"But I want."
Sandali akong natigilan. Nagkatitigan pa kami.
"Huwag ka munang magpapaligaw ha? Magtatampo ako kapag naunahan niyo ako ni Sofia."
At hindi ko naiwasang mapangiti ng bahagya.
"Don't worry, sigurado naman akong bago ako magkaroon ng nobyo, baka engage ka na," unang pagkakataon kong magbiro dito.
Ngunit isang malalim at seryosong titig ang isinukli nito.
"Sana nga magustuhan din ako ng babaing gusto ko."
Napaiwas ako ng tingin dito. Hindi ko alam kung bakit lumakas ang t***k ng puso ko.
"Puwede bang magtanong, Sofie?"
Lumunok muna ako.
"Yes."
"Sa palagay mo? Magugustuhan kaya ako ng babaing gusto ko? Nasa katangian ko kaya ang hinahanap ng isang babae?"
Hindi na ako mapakali sa mga tanong nito lalo na't hindi man lang inaalis ang pagkakatitig sa 'kin.
"Maybe yes. Pero hindi ako sigurado. Siya na lang ang tanungin mo para malaman mo kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalake," wika ko.
At para makaiwas dito, tumingin ako sa relo ko.
"Kailangan ko ng umalis."
Nagmamadali ko itong tinalikuran.
"Ikaw, Sofie? Anong katangian ang hinahanap mo sa isang lalake?"
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa tanong nito!
At bakit ako ang tinatanong nito?
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Mabuti na lang talaga nakatalikod na ako rito.
Ayoko namang mag-isip ng kung ano.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ito muling humarap. Sinigurado kong walang mababasa sa mga mata ko.
Isa rin sa katalinuhang mayroon ako, ang magtago ng nararamdaman.
Titig na titig ito sa akin.
"Sa ngayon pag-aaral lang ang nasa isip ko. Wala pa sa isip ko ang mga bagay na 'yan."
"So, ibig mong sabihin wala ka pang nagugustuhan? Kahit crush man lang?"
Pinilit kong huwag mapalunok sa harapan nito.
Hindi ko maintindihan at gustong-gusto nitong malaman ang tungkol sa 'kin. Lalo tuloy akong 'di mapakali sa kinatatayuan ko!
Kanina ko pa gustong umalis sa harapan nito.
Pero ayoko namang maging bastos dito. Kahit pa napakatahimik kong tao at halos hindi naman talaga kami nito nag-uusap, pangit naman na may tinatanong ito at bigla ko na lang tatalikuran.
Hindi naman ito iba sa akin. Kung tutuusin parang kuya ko na ito. Pero hindi ko alam kung bakit noon pa mang mga bata pa kami, hindi ko ito natawag na kuya.
Dahil siguro..
Lihim kong ipinilig ang ulo ko.
"Wala. Sige na, kailangan ko na talagang umalis."
Bago ko man ito talikuran, isang mahinang tango ang pinakawalan nito.
Hindi nakaligtas sa akin ang paglambong ng mga mata nito. Hindi ko na lang iyon pinansin.
PANSIN ko ang pagsimangot ni Sofia.
"Bakit hindi maipinta ang mukha mo?" bulong ko ng makapasok kami sa loob ng classroom.
Mahaba itong napabuntong-hininga.
"Sumaglit ako sa kabilang building, wala doon si Alex!" Kandahaba ang nguso nito.
Napalunok naman ako.
"Nagkita kami kanina. Ikaw yata ang sadya. Iniwan ko nga lang kaagad at nagmamadali ako."
Biglang nanlaki ang mga mata nito kasabay ng pagngiti nito.
"Really? Bakit hindi mo sinabi kaagad? Saan mo siya nakita? Tinanong niya ba ako sa'yo? Anong sinabi mo?" sunod-sunod na tanong nito.
Parang biglang sumakit ang ulo ko sa kakambal.
Hindi ko talaga lubos akalain na ganito ang tama nito kay Alex. Lalo naman akong nahihirapan.
Lalo na't sa nakikita ko, mukhang hindi ang kakambal ko ang babaing nagugustuhan ni Alex.
Hindi naman nito itutukso si Sofia kay Daniel kung ito ang babaing gusto nito.
Pero sino nga ba talaga ang babaing nagugustuhan ng binata?
Hanggang sa bigla na lang kumabog ang dibdib ko ng maalalang tinanong ako nito tungkol sa katangiang hinahanap ko sa isang lalake.
Pero ayoko namang mag-assume!
Napaisip tuloy ako kung natanong din ba nito ang kakambal ko?